33 Replies
super maalaga, ever since nalaman namin na preggy ako sya na naglalaba tas 1st tri ko halos wala ko magawa sa sobrang pagod kakasuka sya gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay. Ngayon naman, since nakakagalaw-galaw na ko sa bahay ako na nagluluto at naghuhugas nang plato pero sya namamalengke dahil ayaw nya kong maexpose sa covid. Tas pag may timea na masama pakiramdam ko hindi na sya nagtatanong ginagawa nya na mga gawain ko tas ginigiit na mahiga ako at magpahinga. Lagi pang tinatanong ano gusto kong ulam o prutas at always present sa check-ups kahit sa lab work-ups kahit wala pa syang tulog from work. ❤️❤️❤️
Super grateful for my husband. He came from a rich family and hnd sya sanay sa gawaing bahay. Nung kinasal kmi, wala kming maid but may own haus kmi and since im a full time housewife, ako lahat gumagawa. Pero nung mabuntis ako siya lahat gumagawa. Sbi nga nya sakin hnd nya naisip na kaya nya pala gawaing bahay kasi sanay siya na may helper. Sobrang naappreciate ko tlga sya ngyong nabuntis ako. And lahat ng cravings ko binibili tlga niya. Always ko tlgang cnsbi sknya na ang swerte ng baby namin dhil siya ang papa ni baby :) super thankful tlga ako for my husband.. mas minahal ko siya lalo ngayon..
*Pinagagan nya gawian ko sa bahay,Sya nag huhugas pag galing sa work at my gawian sya n ngawa pati cleaning, map etc. pwera sa laba kaya kopa nmn un kaya ako nlng kc washing nmn.. pag anak ko sure ako sya n gagawa tska pag malaki na tummy ko. palagi syang paalala bawal ito bawal ganyan.. Sa food iniisip ko palng e mmya anjan na nkbili na sya parang same kmi parang alam nya un gusto ko hahha.. Mas maalaga sya and malambing, kc sa 1st born nmin hindi ko sya nkasama ng madlas kc na sa side ako ng parents ko nagsama lang kmi is a week after ko manganak. Kaya now feel na feel ko 😅😍😁.
Ldr kami ng asawa ko ngayon pero nung first tri ko nandito pa siya't di pa nakakabalik abroad e grabe yung alaga sa'kin, as in walang kilos kilos maski maglaba ng mga damit namin siya, ni kahit magbabanyo ako aalalay sa'kin, sa almusal kahit may sakit siya lalabas para bumili, sa cravings din magsabi lang ako aalis na yan huhuhu. Sobrang blessed ko rin na kay hubby talaga, wala akong masabi kahit nung first tri ko lagi ko siya sinusuntok inaaway keri lang sa kanya HAHAHA. Wala lang,nakakamiss may kasamang asawa lalo pag nagbubuntis 😂 ngayon nganga, haha tiis tiis dahil magkalayo.
Sya nagsusuot ng mga pang-ibaba ko nung mga panahong di nko makayuko sa laki ng tyan ko. Sya naghahanda ng baon ko tsaka mga gamit ko nung nagwowork pko. Then hinahatid nya ko sa labasan namin para makasakay sa taxi then inaabangan nman nya ko sa labasan din kapag alam nyang malapit nko sa bahay namin galing work. Sya din nakilos sa mga gawaing bahay gawa ng mabilis ako hingalin at mapagod nung buntis ako. Tska lagi nya ko sinasamahan magpunta nun sa 7eleven para bumili ng mga cravings ko. 😆😅😁
sana all inaalagaan🙂 ako kasi nangangapa pa kung ibibigay ba cravings ko o hindi😌 hirap mag demand pag walang ambag😊 may sumbat pa kasi or something na sasabihin. kakaiyak lang😊 may 1st baby sya sa ex nya ..and 2nd nya yung sakin..live in kami..kaya parang blewla nalang kung magkababy kami kasi nga priority nya pdin yung sa 1st baby nya at nakikita ko kung gaano sya kasaya don.. kaya sana all inaalagaan ng tunay🙂 btw, 7 mos. preggy ako, may partner pro parang wala lang.
Alagang alaga aq ng asawa ko lalo nung first 3 months kaya work ko lang inaasikaso ko. Siya gumagawa lahat, luto, laba, linis ng bahay kahit pagod siya from work. Maselan kc pagbubuntis ko. Nung 4 months na kmi ni baby at mejo bumuti buti pakiramdam ko, tinutulungan ko na siya pero mild work lang. Hanggang ngayon na 30 weeks na kmi ni baby alaga prn niya kmi 😊😊😊.
Hindi naman sa spoiled pero binibigay na lahat ng pangangailangan ko o kaya namin. Sasamahan ako sa lahat, magpa-check up o kaya lalabas para bumili, maglakad lakad ganun kapag wala siyang work. Tapos pag maglalaba tinutulungan niya ako, siya lahat gagawa taga sampay nalang ako. Ilulutuan at ibibilhan ako ng pagkain basta maalaga talaga siya sakin.🥰😇
We’re comfortable when it comes to money so d issue samin yun. He’s supper caring to me, always asking me ano gusto ko, i can buy any food that im craving, palagi nya kinakausap belly ko kahit 10 weeks palang. We’re both working from home so he’s always there to assist me. Ang ayoko lang is ayaw nya magsex kami kasi it might hurt baby hahaha
Spoiled wifey sa lahat ng bagay.🥰 Always grateful and thankful that God gave me a husband like him. 🙏 sobrang maalaga, mapagmahal, maasikaso, protective. Sya lahat laba (nagagalit sya pag naglalaba ako), luto, linis ng bahay, palengke.. kahit madalas masungit ako at palaging galit / iritable, he makes me feel loved everyday.🥰🥰🥰
Anonymous