135 Replies

spoiled ako! charot🤭😁☺️ maayos ang nanay ko sa pagpapalaki sa amin.. Istrikta na mabait... alam nyo yun na pag nagawa na lahat ng itinakdang gawain pwede na kung ano yung gusto mong gawin at nais puntahan pero syempre with restriction pa din.Tinuruan nya kami ng lahat ng gawaing bahay ultimo kaliit liitang detalye apakagaling ng nanay ko. superwoman ang tingin ko sa kanya noon ang agap agap gumising pero hatinggabi na natutulog. parang trumpo ang kilos lahat nakakayang gawin, walang sinasayang na sandali , good provider. . suhus gagawin lahat mabigay lang needs namin. walang bisyo pa kundi chika minute lang.hahahha. ... namamalo din pag kailangan. basta maraming katangian ang nanay ko na naging dahilan na lumaki kaming may disiplina at higit sa lahat mabuting tao. At ngayon ginagawa ko rin sa mga anak ko... waaahhhh.. Ay lab u mudra☺️🥰🥰🥰😘😘😘

napalo na ko ng ting tingin, buckle ng sinturon, hanger, tangkay ng tambo, ruler, kawayan na stick, pati sandok 😂 napaluhod na din ako sa asin at monggo, nasilihan na din ang buong katawan ko 😂😂😂 pero di ako galit sa lola at papa ko.. nasampal na nga din ako ni mama eh 😂😂 pero kung gagawin ko ba sa anak ko yun? 🤔🤔🤔 depende sa bigat ng kasalanan nya or kung anong mali ang nagawa nya. di naman pwedeng lahat sabi sabi lang.. kasi baka mamihasa, ang mga bata pa naman ngayon lumalaking spoiled dahil lang di napapalo.. kaya habang bata pa, kailangan na nilang matutunan na kapag mali, may pangit na kapalit.

TapFluencer

napapalo ako, nasisigawan, namumura pa nga minsan. pero ung parents ko after nun, eexplain nila bakit nangyari un. kaya siguro instead na sumama loob ko sa kanila, thankful paako na nadisiplina ako ng maayos. sa mga magiging anak ko naman, si daddy daw ang magdidisiplina. hehe. pero feeling ko mas strict ako. we can only know pag lumabas na ang baby namin. pero one thing's for sure. di ko hahayaan na maging kagaya sila ng mga bata na kinakaawaan ko kasi palasagot sa magulang, di marunong makinig, masyadong entitled at di marunong rumespeto sa iba. sana magampanan naming magasawa. 🥰 good luck po sa ating lahat!

VIP Member

napalo, napaluhod, nasigawan.. but i don't have hurt or grudges feelings towards my parents kasi i know may purpose un. to my kid? we still do consequences. We don't spare him a rod. Pinapalo namin sya pero we don't use our hands or any parts of our body and we make sure din na naiintindihan nya kung bakit at alam nya din yung nagawa nyang kasalanan. We only imposed 3 rules lang kasi sa bahay so alam nya kung saan dun yung naging kasalanan nya. We discipline my son with love despite pinapalo namin sya. Pero yung sinisigawan? it's a no, no. Yan ang hindi namin inodapt. 🙂

Medjo Kasi Meron maganda na natutunan sa pag didisiplina nila Meron nmn hind pero Ang magulang ay di perpekto kahit Sabihin mo na di mo papaluin mapapalo mo pa din Lalo na kung LAHAT Ng magandang option pano sya paliwanagan ay di pa din nakikinig sa ngayon di pa nmn napapalo anak ko sinanay ko Kasi di nmn malayo loob sakin pero tingin ko pa lng alam na nya kung Tama ba ginagawa nya ! mahirap pati mamalo Lalo na kung nasa side ka Ng byanan o magulang mo iniispoiled Kasi Minsan 😅 pero ok lng laban lng sa pagpapalaki Ng maayos

Palo solid pero d naman sobrang brutal, salita pero hindi trashtalk, tingin ng masama ng tatay ko, mag psst palang sya takot nakami kaya titigil talaga kami... Pina realize mga bagay bagay sobrang strict talaga kaya matino kami lahat i mean walang loko loko samin ni mag boyfriend hindi namin ginawa habang nag aaral kami never kami naging pasaway.. Akala ko dati dahil sa monster sya pero nagets ko na ngaun dahil ayaw lng nmin sila madisappoint which was super worth it today dahil d kami nalihis ng landas

never ako napalo pero lumaki akong disiplinado. i had to live with different relatives dahil nasa ibang bansa nanay ko. todo pakisama to the point na parang kasambahay na ko. pero ok lang, madami naman ako natutunan dahil dun at napatatag ako ng pinagdaanan ko. being a parent now, namamalo ako if needed, dinidisiplina talaga namin ang 2 anak namin dahil ayaw namin na lumaki silang sutil at mapagsabihan na para ekang walang turo ng magulang.

hehe naalala ko nun grabe ako kung paluin ng tito ko halos mabali ang pamalo sakin .. o di kaya pag di ako natahimik sa kakaiyak ikinukulong ako sa cr di pa ko nun papakainin dahil sa kaingayan ko kakaiyak .. kaya sabi ko sa sarili ko di ko ipaparanas sa anak ko ung naranasan ko noon sa mga kamag ank ko .. ako simula nag alaga ako sa mga pamangkin ko hnd ako namamalo ayoko talaga pinapagalitan ko lang sila at tinitingnan sila pag ganun alam na nilang galit ako tatahimik na sila 😄 ..

Palo, kurot sa singit. Not gonna do it to my kids. He's 2 now and kahit may tantrums, ok na rin naman sya after a while. Nadadaan sa usap. I was a teacher first before I became a mom, medyo may alam na rin naman ako magdisiplina without hurting him. Ayokong lumaki sya na masunurin out of fear of getting hurt, but because he knows better. Will do the same kay #2. Challenging, but I love a good challenge so ok lang 😉

ung pinagbigkisan ng walis tingting sobrang sakit makabasag lang ng pinggan kahit d namn sinadiya Palo na kaagad. hinde ko gagawin un sa anak ko kc ako lumaki akong may trauma dahil sa ganung pagpalo takot nga ako sa magulang ko pero nabawasan ung respect ko sa kanila bilang magulang.. mas maganda na kausapin mo ang anak ng masinsinan at ipaintinde ang mali niya.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles