FTM vs atribidang tita in law

Paano ba magset ng boundaries nang hindi nagging bastos? I'm a first time mom with a 3 week old baby and may atribidang tita ung husband ko na tuwang tuwa sa anak ko. Very helpful din naman sya. Pero sapul nya ung inis ko for few reasons *Tuwing dadating sya from work pupuntahan ung baby ko tapos hahalikan sa mukha. Walang shower walang hugas ng kamay. Ako na nanay takot na takot humalik sa anak ko. Ang lakas pati ng boses na matinis grabe nakaka annoy. Ako na adult nasasakitan ng tenga pano pa ung baby. Bat ba kase kayo sumisigaw pag may kausap kayong baby? May signal naman. *gigisingin ung anak ko kahit tulog para paglaruan. Tapos pag tumae ibabalik sakin para palitan diaper. *alam nya pati na hindi ako naniniwala sa pamahiin. Hindi ako RC pero she insists na maglagay ng rosary ng crib ng anak ko at sinabitan pa ng anting anting ung anak ko without asking me kung okay lang. Etong asawa ko nilagay pa din sa crib ang rosary without me knowing para daw tahimik ang buhay. I know some will say na walang mawawala kung susundin. Pero wala din mawawala kung hindi ko ilalagay. Kung respeto naman ang paguusapan irespeto din nila ako bilang nanay ng anak ko. Ako ang magdedesisyon hindi sila. Ask me kung okay lang dahil ako ang nanay. *Babies are magugulatin pero paulit ulit nya sinasabi na isabit sa bintana ung pusod ng anak ko para daw di magugulatin. Yung tone nya pautos. "Asan ba yung pusod nito? Akin na nga. sabi ko sa inyo isabit nyo para hindi magugulatin e." *Bigyan na din daw ng formula ung anak ko dahil hindi nabubusog sa gatas ko. Gusto nila maging waterfalls yung bewbie ko at malunod sa gatas si baby. Everyday may ganyang comment. Today sa sobrang inis ko I said "no. Breastmilk lang po" Nakakainis to para sa breastfeeding mom. Hindi sya nakakatulong para dumami gatas ko. 😂 Triggered talaga postpartum inis ko. Di ako naimik or sumasagot sa mga sitwasyon na to pero parang wala silang clue na hindi ako natutuwa. Feeling ko I can't mother my child. Please help😂

16 Replies

Sa akin kasi, dinadaan ko sa joke... Sinasabihan ko pa rin ng kung ano gusto ko, or kung ano nakikita kong mali sa ginagawa nila pero in a manner na pabiro na parang lambing para they hear the message but they don't take offense. And even if they do take offense, then hindi ko na problema yun, dahil I don't mind kung magalit o magtampo man sila sakin. Like kung gigisingin nya anak ko ng tulog, I'd probably say "Ay Tita, huwag nyo naman gisingin! Kayo kaya ang gisingin ko habang natutulog hehehe 😁". Or kung ipapasabit yung pusod "At Tita, baka naman ubusin lng yan ng langgam! 😁" or "Baka naman po lalo lang magulat yan kapag biglang may ibon na humablot nyan 😁"... Doon sa hindi nabubusog sa breastmilk, I'd probably say "Nagsumbong po ba sa inyo si baby? 😄" The tone matters. Kung sasabihin ko as pabalang or sarcastic, baka nga magalit. Pero kung parang joke lang at nagbi-biruan, then pwedeng tawanan na lng rin nya. Pero syempre, I admit it doesn't work for everyone at depende rin sa personalities of the people involved. Or pwede rin na kausapin mo asawa mo, at sya magsabi sa tita nya.

I don't have Tita in law na ganyan but I have lots of people I know na in a subtle way pagkasabi, but hindi ko sinusunod I just smiled. But I have mom in law na we are super opposite talaga when it comes to raising kids. Nong una parang di niya kaya na hindi ma impose yung way niya but I think dahil sa hindi ko sinunod yung mga sinasabi niya I think she see it as a sign na may boundaries ang pangingi-alam. Gaya ng pumayat dahil hindi na breastfeed at hindi daw palagi nagmi-milk, di naman pwed dependent sa milk yung baby ko dahil toddler na. Hehehe kaya kahit frustrated sya wala syang nagawa. HAHAHA.. I think, in a subtle way din na hindi mo sya sundin kong di naman ayun sa values and beliefs mo as a mom. Kasi kapag one opinion at sinunod mo, palagi na yang mangingi-alam kaya kapag di mo naman ayun sa values and beliefs mo, then dont do it. Bahala na magalit. Newborn pa baby mo, di yan kailangan ng maraming milk per feed. But feed every 2hrs ang need ng baby to avoid dehydration. Anong di nabubusog sa breastmilk, na breastmilk pinaka healthiest milk for babies. Kaya siguro ganyan yan dahil hindi nagpapa breastfeed.

I understand that being a first-time mom can be overwhelming, especially when there are well-meaning relatives who may not be aware of boundaries. Here's how you can approach this situation respectfully: Set clear and calm boundaries: When it comes to the kissing and handling of your baby, gently explain that you would prefer for others to wash their hands or shower first. You can say something like, ""I really appreciate you being excited to see the baby, but for health reasons, I prefer that we wash our hands before holding him/her."" This way, you’re not rejecting them, but protecting your baby's health. Regarding loud voices: Let her know that babies can be sensitive to loud sounds. You can say something like, ""I know you're excited, but I’m trying to keep the environment calm for the baby. Maybe we can talk a bit quieter so they’re not startled."" Ultimately, it’s about communicating your feelings calmly and kindly while also prioritizing what you feel is best for your baby and your peace of mind.

hi mi ako my baby my rules. talagang pag bawal is bawal. ang gnagawa ko pa nun nanunuod ako ng mga about sa babies mga nakukuhang sakit if halik halikan tapos nilalakasan ko pa yung volume para marinig. yung sakin nman yung lolo nya (papa ni hubby) ang nakaka annoy kc pag di aq nakatingin which is nagkukunwari akong di nakatingin pinapainom nya ng timpla nyang kape anak ko tapos bibigyan tinapay papasawsaw sa kape nya, kumbaga pag umiyak ank ko bigay agad sya. di mn lng nag iisip osadya walang isip imaging 1yr old plng anak ko nun. then nung previous age nya mga 7-9months pinapangatngat ng baboy pra dw di magselan. nung una di pko makapag bitiw ng salita pero nung nagbitaw nako ayon dun natigil prang galit pero wala aq pake kc diko nmn pinapa alagaan sknya anak ko

TapFluencer

Ako, ngumingiti ako in a sarcastic way or naka resting bitch face ako. Tapos di ko pinapansin mga remarks nila, I just continue with what I’m doing and in what I am comfortable with. Ewan ko pero effective to, natuto nalang silang hindi ipilit yung gusto nila sa anak ko. If you can’t directly tell then about your boundaries it’s better to talk to your husband. Make it clear to him na baby nyo yan and dapat desisyon nyo ang masusunod on how to raise your baby. I did this to my partner and minsan, sya na yung sumasagot sa mga kamag anak na may unsolicited advice. Kumbaga sya na yung nagdo-draw ng boundaries namin sa kanila since kamag anak nya ang mga ito.

bumukod na po kau mie parang MIL po ang SIL niu hehe ,.. mhirap po mag timpi lalo na pag dating sa anak cguro po if hnd pa kaya bumukod ngaun kausapin niu po ung mister niu ng masinsinan para xa po ang kkausap sa kapatid na nia at pag nagawa niu na po un at wala pa rin try niu po minsan sawayin para po maintindhan nia na hnd po okay sainyo ung ginagawa nia bka po kasi sa sobrang tahimik niu bka akala nia okay lang pag may baby pa nmn po sa bahay sobrang gaan nkkawala po ng pagod lalo na sa mga nag wwork at ang sarap pang gigilan at laruin ang cute kasi hehehe naging titang ina rin po ako sa king 3 na pamangkin .... now soon to be mom 🫶☺️

Talaga, ang hirap maging first-time mom minsan, lalo na with well-meaning relatives na hindi mo kayang i-offend. Pwede mong approach-in si Tita ng maayos, like, "Tita, sobrang thankful ako sa mga tulong niyo, pero may ilang things lang po na gusto ko sanang ipaliwanag. Una, medyo takot ako kung hahalikan si baby sa face nang hindi po naghuhugas ng kamay, kasi sensitive pa po siya. Tsaka, baka po pwedeng hindi muna gisingin si baby habang natutulog? Kailangan po niya ng tulog." Yung tone lang na gentle but firm, para maintindihan niya na you’re trying to protect your baby, not to push her away. 😊

Ang pinaka-importanteng gawin is to set boundaries calmly and kindly. Sa situation mo, pwede mong sabihin na, “Tita, super appreciate ko yung love niyo sa baby, pero gusto ko lang po sana maging extra careful sa hygiene. Sana po maghugas ng kamay bago hawakan si baby, at please huwag po siyang gisingin kapag natutulog.” Tapos, for the voice issue, pwede mo rin mahinahon na sabihin, “Tita, sorry po, medyo sensitive pa si baby sa mga malalakas na sounds, baka pwede po natin mas maging gentle.” Try to stay respectful, and if you need space, just calmly say, "I need to rest muna, Tita." 😊

Hi, Mommy! Para mag-set ng boundaries ng maayos, maaari mong ipaliwanag ng kalmado at mahinahon ang iyong nararamdaman. Sabihin mo na appreciated mo ang tulong niya, pero may ilang bagay lang na nagdudulot ng discomfort sa'yo, tulad ng paghahalika ng walang hugas ng kamay at paggising sa baby kapag natutulog. Ipaliwanag na gusto mong protektahan ang kalusugan ng anak mo at magpakita ng respeto sa kanyang schedule. Gamitin ang ""I feel"" statements para maiwasan ang pagiging offensive, tulad ng ""I feel uncomfortable when..."" para magmukhang constructive at hindi bastos. 😊

Palit na lang kamu kayo ng sitwasyon total mas nanay naman siyang umasta kesa sayo e. Daig niya pa MIL mo nu? Saka first rule bilang nanay "NO KISSING THE BABY" kahit sang parte pa yan. if ever ba na may mangyari sa baby mo na pede niyang ikapahamak may magagawa ba siya? At common sense din na bago hawakan ang mga baby need muna magsanitize nu. Jusmioooooooo! At regarding naman sa asawa mo dapat siya mismo mag set ng boundaries kase sa family side niya yan. Iintayin pa ba ng asawa mo may mang yari sa baby niyo bago siya magsalita? Gigil din ako sa kanya 🙄😒

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles