FTM vs atribidang tita in law
Paano ba magset ng boundaries nang hindi nagging bastos? I'm a first time mom with a 3 week old baby and may atribidang tita ung husband ko na tuwang tuwa sa anak ko. Very helpful din naman sya. Pero sapul nya ung inis ko for few reasons *Tuwing dadating sya from work pupuntahan ung baby ko tapos hahalikan sa mukha. Walang shower walang hugas ng kamay. Ako na nanay takot na takot humalik sa anak ko. Ang lakas pati ng boses na matinis grabe nakaka annoy. Ako na adult nasasakitan ng tenga pano pa ung baby. Bat ba kase kayo sumisigaw pag may kausap kayong baby? May signal naman. *gigisingin ung anak ko kahit tulog para paglaruan. Tapos pag tumae ibabalik sakin para palitan diaper. *alam nya pati na hindi ako naniniwala sa pamahiin. Hindi ako RC pero she insists na maglagay ng rosary ng crib ng anak ko at sinabitan pa ng anting anting ung anak ko without asking me kung okay lang. Etong asawa ko nilagay pa din sa crib ang rosary without me knowing para daw tahimik ang buhay. I know some will say na walang mawawala kung susundin. Pero wala din mawawala kung hindi ko ilalagay. Kung respeto naman ang paguusapan irespeto din nila ako bilang nanay ng anak ko. Ako ang magdedesisyon hindi sila. Ask me kung okay lang dahil ako ang nanay. *Babies are magugulatin pero paulit ulit nya sinasabi na isabit sa bintana ung pusod ng anak ko para daw di magugulatin. Yung tone nya pautos. "Asan ba yung pusod nito? Akin na nga. sabi ko sa inyo isabit nyo para hindi magugulatin e." *Bigyan na din daw ng formula ung anak ko dahil hindi nabubusog sa gatas ko. Gusto nila maging waterfalls yung bewbie ko at malunod sa gatas si baby. Everyday may ganyang comment. Today sa sobrang inis ko I said "no. Breastmilk lang po" Nakakainis to para sa breastfeeding mom. Hindi sya nakakatulong para dumami gatas ko. 😂 Triggered talaga postpartum inis ko. Di ako naimik or sumasagot sa mga sitwasyon na to pero parang wala silang clue na hindi ako natutuwa. Feeling ko I can't mother my child. Please help😂
w/ 2020 boy & 2024 girl