Mga kapatid na asa sa magulang

Pa rant lang po sobrang depress kasi ako sana me makapansin ng post ko, medyo mahaba lng po itong post ko, matagal ko na problema yung 2 kong kapatid lalo na yung bunso kong kapatid na lalaki 29 yrs old na. Since grumaduate never nag work. Asa sa parents ko pati sigarilyo nya everyday humihinge pera sa mama ko bale parang 150 a day gastos nya sa sigarilyo nya. Walang pangarap sa buhay ang nakakainis pa nito naaamoy ko yung sigarilyo eh buntis pa namn ako. Hindi marunong sa bahay hindi naglilinis, naglalaba or nag huhugas ng pinagkainan kahit pinagkainan nalang nya iaasa pa samen, senior na pareho parents ko, lastime meron pang ni live in na gf dito samen palamunin din tapos me anak na jusko hindi din nakilos sa bahay kaya pinaalis ng ate ko. Umuwi lang ako ngayon dito samen dahil dito ko gusto manganak sa probinsya. Pero stress ako sa mga kapatid ko, dati lagi ako nagbibigay pera sakanila lalo na sa ate ko. Everymonth 10k binibigay ko nag stop nako bigay kasi wala ako work now asawa ko lng nagbibigay sakin pero di kame magkasama now. Sumasama loob ko kasi hindi ako kinakausap ng ate ko at ni hindi ako binigyan manlng ng simpleng regalo para baby ko. Samantalang ako todo bigay pati tour abroad nilibre ko sya pero never alo nakatanggap kahit panyo ng baby. Pero inintindi ko nalang. Yung asawa nya wala work now gawa ng pandemic palamunin din ng parents ko sumasakit ulo ko sakanila. Nagbibigay ako pera sa parents ko pero nung last time sabi wag na daw ipunin ko nalng daw bigay ng asawa ko para sa baby. Sobrang bait ng parents ko. Ano po kaya pwede kong gawin? Salamat.

5 Replies

naku same tayo mommy lalo na sa kpatid na pati pangyosi hinihingi pa at nakakainis naaamoy ko pa lagi 😤 kaya umalis ako sa bahay talaga naiistress lang ako. Kung kaya mo po mommy bukod ka po ng house tutal nasa province ka naman mura lang siguro upa. kunh di nyo pa po kaya is kausapin nyo po magulang mo tutal mabait naman sila at mabuti mabait sila para malaman nila at mapagsabihan ang mga kapatid mo. ingat ka po wag ka laging maistress .

for me, mga kapatid mo kausapin mo.. ano plano nila sa buhay nila.. senior na magulang nyo, kailangan may savings din sila for themselves.. maging maingat lang sa sasabhn mo dahil baka sobrang harsh naman,wg ipaalam sa parents baka mag cause lang ng stress..

VIP Member

as of now...wala ka magagawa since andyan ka din sa magulang mo..kausapin mo nalang magulang mo. sabihin mo ang nasa loob m at obserbasyon m..sigurado hindi naman magagalit parents mo kung sabihin mo yon..wag mo lang parinig sa mga kapatid m.

sis same problem Tayo pero.kapatid naman Ng asawa ko grabi Puro.asa sis manganganak nalang asawa nya d pa.din mag Titino hihingan Ng pambayad Ng mga bills nagaglit hay nako Puro asa sa nanay nya

Baka po kaya di ka mabigyan ng regalo dahil wala rin pambigay. Yung sa pagkausap, baka stressed din sya kagaya mo. Need nyo lang siguro magkacommunicate para magkaintindihan kayo.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles