Pa-open up lang mga mamsh. Ang bigat na kasi sa pakiramdam. Ganito ba talaga kapag bagong panganak? 3 months postpartum na ako. Minsan pag si LO ayaw tumigil kakaiyak, nasisigawan ko na. May isang beses din na namura ko sya kaso tulirong tuliro na ako sa sobrang dami ng gawain sa bahay, sumasabay pa yung iyak nya. Wala na kong nagagawa kasi gusto nya palaging binubuhat din. Pag natutulog sya tinititigan ko sya tsaka kinikiss ko sa noo at nagsosorry ako kasi wala naman syang kasalanan pero sya ang napapagbuntunan ko ng inis at galit. Naiiyak na lang ako kapag titignan ko syang natutulog. Sobra sobra akong nagu-guilty. Si hubby naman po nagwowork, tumutulong din sa pag-aalaga kay baby kahit kakauwi nya pa lang galing work kaso saglit lang. Siguro mga 1 hr and a half lang. Tapos minsan sasabihin pa sakin na wala na akong nagagawa sa bahay. Pag ganun sinasabi nya, diretso away talaga kami. Naghahagis ako ng gamit at sumisigaw. Parang di ko na kilala nag sarili ko kasi hindi naman ako ganun dati. Pag galit ako dati tahimik lang ako pero nung nanganak na ako, sobra sobra anger issue ko na para bang hindi na ako to. #FTM