Okay lang ba na isa lang ang maging anak?

TAParents, para sa'yo, okay lang ba na isa lang ang maging anak? Comment below your thoughts and kwentos!

Okay lang ba na isa lang ang maging anak?
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes, ok lang. lalo na kung yun lang ang kapasidad ng magulang, ang bumuhay ng isang anak lamang. mahirap yung marami ka ngang anak, de-asa ka naman sa iyong magulang/biyenan. hingi ka ng hingi. online limos ng online limos. tapos hindi mapag-aral ang mga anak. pero ieemphasize namin sa nag-iisang anak namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaibigan at pakikipagkapwatao, para hindi siya lumaking malungkot at meron siyang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. marami dyan ang maraming anak, pero yung mga anak nila hindi magkakasundo, maraming alitan. parang wala ka na ring kapatid na masasandalan. mas naaasahan pa ang mga hindi kadugo.

Magbasa pa
VIP Member

As an only child, mas maraming disadvantages ang pagiging only child lalo na sa adulthood. Ikaw lang aasahan ng magulang mo, kung wala na magulang mo wala ka ng sasandalan kundi sarili mo lang, ayos kung may kaibigan paano kung wala, kapag nagkasakit ka walang magaalaga sayo sarili mo lang, wala kang kakampi kundi sarili mo lang, kung wala kang asawa or partner, magisa ka lang sa buhay...

Magbasa pa

ako noon sabi ko isa lang tama na . pero hindi pala dpat gnun . kailangan niya ng may kapatid para pagtanda nating mga magulang may malalapitan ang bawat isa sa kanila . 2 na anak ko and now im 5months preggy . ok na ko sa 3 anak . oo mahirap magalaga pero alam ko worth it pag nakita ko silang lumalaki ng maayos ..

Magbasa pa

hindi.para sakin lang aah. kasi panu pag tatanda na tayo.mahirap n kapag lumaki na yung anak mo walang katuwang.mas better parin yun may kapatid siya para incase of problem meron siyang malalapitan.

For me, No po. Gusto ko madami anak para mas masaya. Depende po yan sa inyong mag-asawa kung ilan talaga ang gusto nyong maging anak

yes, okay lang lalo na kung un lang kaya financially. depende sa magulang kung ilan kaya nilang buhayin ng maayos.

yes okay lng. hirap kasi kaming magka anak. kahit isa lng okay na sakin. salamat po sa Diyos.

For me atleast 2 or 3 siblings.. Lumaki ako na may mga kapatid at nakakatuwa na may nakakaramay ako

Para sakin hindi okay dahil walang makakasa ito kpg ang magulang ay nwala ng maaga

VIP Member

Kung anong ipagka-loob ni Lord🙏