Okay lang ba na isa lang ang maging anak?
TAParents, para sa'yo, okay lang ba na isa lang ang maging anak? Comment below your thoughts and kwentos!

yes, ok lang. lalo na kung yun lang ang kapasidad ng magulang, ang bumuhay ng isang anak lamang. mahirap yung marami ka ngang anak, de-asa ka naman sa iyong magulang/biyenan. hingi ka ng hingi. online limos ng online limos. tapos hindi mapag-aral ang mga anak. pero ieemphasize namin sa nag-iisang anak namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaibigan at pakikipagkapwatao, para hindi siya lumaking malungkot at meron siyang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. marami dyan ang maraming anak, pero yung mga anak nila hindi magkakasundo, maraming alitan. parang wala ka na ring kapatid na masasandalan. mas naaasahan pa ang mga hindi kadugo.
Magbasa pa


