bigkis

Okay lang po ba hindi bigkisan si baby? Ano po ba pros and cons nung may bigkis at wala? Sabi kasi ni pedia wag daw lalagyan, pero sabi naman ng elderly lagyan daw. Thank youu

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kailangan ba ang Bigkis o Hindi? Kapag may baby akong chinechekup na madalas ang suka ng gatas ay pinapasok ko ang isang daliri ko sa loob ng bigkis ng baby. Sa ganoon ay natatyansa ko kung masikip ba ang pagkabigkis. Ang bigkis ay lumang kaugalian na natin na pinasapasa na turo galing sa mga lola. Nirerespeto po natin yan at personally sa clinic di ko pinagbabawal kung gustong lagyan. Pero kung ayaw nila ay ok lang rin. Napapansin ko lang na yung ibang baby ay mas madaling sumuka ng gatas kapag ang mga baby ay malakas dumede at masikip ang pagkabigkis. Akala ng mothers hindi masikip nung pagkakabit nila kaya lang after ilang gatas ay lumalaki na ang tyan at sumisikip na rin. Nahihirapan na rin huminga ang baby at medyo irritable na, eh masikip lang pala ang pagkabigkis. Para sa Doctors, mas madaling gumaling ang pusod kapag nahahanginan para mas matuyo at matangal. So di na masyado pinopromote ang bigkis or inadvisan lang na wag lang gawin boong araw at magdamag. Iwasan mabasa ang pusod rin ng ihi kaya pwedeng ifold konte yung diaper na di maabot ang pusod. Kapag basa kasi ang pusod mas kumapit ang bacteria. "Eh Doc lumabas ang pusod kaya kailangan ko sikipan ang bigkis." Ang sabi ng iba. Meron ngang mga baby na may Umbilical hernia na tumatayo ang pusod kapag umiiyak. Yung iba may piso pa na nilalagay kasabay ng bigkis. Sa totoo po ang Umbilical Hernia ay di nadadala sa pasikipan ng bigkis o ng piso (kahit sampung piso pa). Diba pagtangal mo ay tumatayo lang rin? Nawawala yan ng kusa sa mga 2-4 years old dahil kusang nagsasara yung butas na dinadaanan ng hernia kahit walang bigkis o piso. Para bang yung bunbunan ng ulo ng baby, diba nagsasara lang ng kusa. Buti nalang di na uso na bigkisin ang bunbunan. Eh di nagmukhang parang Mang Kepweng kung ganun diba? So kung gusto niyong bigkisan di kailangang sikipan. Ito naman ay mga signs na possibleng may impeksyon: 1. Mapula ang balat na palibot ng pusod. 2. May basa na nana. 3. Matapang na baho ang pusod. 4. May lagnat o irritable. 5. Masakit hawakan ang pusod o tyan. Punta po kayo ng Doctor para macheck kapag ganun para makasigurado. Dr. Richard Mata Pediatrician Like and Share Para sa dagdag pa pong tips pambata please like @Dr. Richard Mata.

Magbasa pa