bigkis
Okay lang po ba hindi bigkisan si baby? Ano po ba pros and cons nung may bigkis at wala? Sabi kasi ni pedia wag daw lalagyan, pero sabi naman ng elderly lagyan daw. Thank youu
Kailangan ba ang Bigkis o Hindi? Kapag may baby akong chinechekup na madalas ang suka ng gatas ay pinapasok ko ang isang daliri ko sa loob ng bigkis ng baby. Sa ganoon ay natatyansa ko kung masikip ba ang pagkabigkis. Ang bigkis ay lumang kaugalian na natin na pinasapasa na turo galing sa mga lola. Nirerespeto po natin yan at personally sa clinic di ko pinagbabawal kung gustong lagyan. Pero kung ayaw nila ay ok lang rin. Napapansin ko lang na yung ibang baby ay mas madaling sumuka ng gatas kapag ang mga baby ay malakas dumede at masikip ang pagkabigkis. Akala ng mothers hindi masikip nung pagkakabit nila kaya lang after ilang gatas ay lumalaki na ang tyan at sumisikip na rin. Nahihirapan na rin huminga ang baby at medyo irritable na, eh masikip lang pala ang pagkabigkis. Para sa Doctors, mas madaling gumaling ang pusod kapag nahahanginan para mas matuyo at matangal. So di na masyado pinopromote ang bigkis or inadvisan lang na wag lang gawin boong araw at magdamag. Iwasan mabasa ang pusod rin ng ihi kaya pwedeng ifold konte yung diaper na di maabot ang pusod. Kapag basa kasi ang pusod mas kumapit ang bacteria. "Eh Doc lumabas ang pusod kaya kailangan ko sikipan ang bigkis." Ang sabi ng iba. Meron ngang mga baby na may Umbilical hernia na tumatayo ang pusod kapag umiiyak. Yung iba may piso pa na nilalagay kasabay ng bigkis. Sa totoo po ang Umbilical Hernia ay di nadadala sa pasikipan ng bigkis o ng piso (kahit sampung piso pa). Diba pagtangal mo ay tumatayo lang rin? Nawawala yan ng kusa sa mga 2-4 years old dahil kusang nagsasara yung butas na dinadaanan ng hernia kahit walang bigkis o piso. Para bang yung bunbunan ng ulo ng baby, diba nagsasara lang ng kusa. Buti nalang di na uso na bigkisin ang bunbunan. Eh di nagmukhang parang Mang Kepweng kung ganun diba? So kung gusto niyong bigkisan di kailangang sikipan. Ito naman ay mga signs na possibleng may impeksyon: 1. Mapula ang balat na palibot ng pusod. 2. May basa na nana. 3. Matapang na baho ang pusod. 4. May lagnat o irritable. 5. Masakit hawakan ang pusod o tyan. Punta po kayo ng Doctor para macheck kapag ganun para makasigurado. Dr. Richard Mata Pediatrician Like and Share Para sa dagdag pa pong tips pambata please like @Dr. Richard Mata.
Magbasa paits up to you mommy. yong baby ko until 6 months may bigkis.... true n hindi lakihin tiyan nya... I mean hindi bilog, tiyan nya even busog, what I believe is protection ni baby sa lamig.... and sa pusod.... and happy naman ako.... hindi naman kailangan sobrang higpit ng bigkis yong halos damit lang din dapat koportable si baby.... pag check ng baby ko sa pedia walang bigkis kasi nga di tlga yon advise ....pati maglagay ng mansanila.... kaya everytime may check up nagkakasinat or sipon baby ko kasi walang protection sa lamig kasi aircon sa clinic..tapos ibang klima sa labas. baby oil nalang nilalagay namin pag may sched ulet... pero ganun p din kaya mansanilla nalang ulet nilalagay namin sa dibdib, tiyan , likod at bunbunan.... nasa atin din mga nanay yon. instinct kung ano makakabuti sa anak... nilalagyan namin ng bigkis after ng check up nagbabaon kami especially pag magtatagal sa labas.... pero if saglit lang uwi agad hindi na sa bahay nalang. it's always depend naman.... kung applicable sa baby ko, baka hindi naman sa baby mo.... marami din hindi gumamit ng bigkis happy naman silaπ until now I used mansanilla sa baby ko.turning 9 months na... pag maliligo sya naglalagay ako ng mansanilla sa harap, likod, paa, at ulo.... and after maligo basta bibihisan naglalagay ako sa tiyan nya at bunbunan.... yan yong advise ng nanay ko n sinusunod ko which is nakikita kong ok sa baby ko.... babies is so delicate kaya lahat ng protection we need to provide for them.
Magbasa paBigkis is not advisable. All pedias anywhere part of the world di po yan recommended. Myth lang na tiyanin ang baby pg wala bigkis. 2 babies ko never nilagyan ng bigkis since day 1. Ok nman tummy nila. Sa Spain pinanganak ung panganay, at wala kahit isa bata na nagbigkis doon, lahat lumaki nman na ok. Magiging uncomfortable si baby sa bigkis n magiging cause pa ng hirap s paghinga.
Magbasa paHindi na inaadvise ang bigkis ngaun mamsh. Ung panganay ko hndi sya nag bigkis. Gumaling naman agad pusod nya in 5 days lang, takpan mo na lang ng bulak na may alcohol ang pusod ng newborn di naman magagalaw yan.
Ok naman po ang bigkis para sakin. Mabilis pa matanggal yung pusod ni baby. Nasa sa atin naman po yun kung gano kahigpit ang bigkis ni baby. At Para na rin po di lumuwa ang pusod niya lalo na kapag umiiyak siya.
Bawal na po bigkis,nung una kc naglagay ako alam niyo nmn pag me biyanan tayo at minsan pamahiin din pero napansin ko lagi siya lumulungad kaya dko na nilagyan napagssabihan din kc ako ng nurse.
Syempre saka mo ilalagay yung bigkis kapag tuyo na yung sugat. Hindi sirain ang tyan ng bata saka nakakashape ng bewang ang bigkis. Parang sa mga anak ko. Ever since hindi sirain mga tyan nila.
Ako since pinanganak ko si baby hnd ako gumamit ng bigkis yun kase ang sabi ng pedia nya.. ok nmn si baby ko thank God wala nmn naging problem ng dahil hnd ko sya sinuutan ng bigkis.
Aq po mga mosh nglalagy p rn ng bigkis pero mk sur q nman po na hnd masyado msikip..kc it helps dn po na mbilis na dumighay at hnd pasukin ng hangin ang baby..
Mahihirapan lang po huminga si baby at mag digest ng maayos kasi ipit ang tummy tas mainit pa, tatagal lang pag heal ng pusod ni baby