asawa

okay lang ba sainyo na sapukin at sipasipain ka ng partner nyo?

220 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

i wonder bakit kailangan mong itanong ito, na obvious naman ang sagot. syempre hindi okay, never magiging okay na saktan ka ng ibang tao, ke asawa, ke magulang o kung sino pa. may mali ka mang nagawa o nasabi, hindi ka dapat saktan ng asawa mo. kung sinaktan ka ng asawa mo, iwanan mo. ipa-blotter mo sa barangay. bumalik ka sa mga magulang mo. nakakatakot yang mga ganyang tao, ilayo mo ang mga anak mo. hindi magandang makita nila ang mga ganyang eksena. habang maaga, gamitin ang utak at wag ang puso. baka dumating ang panahon, ang anak mo ang saktan niya. protektahan mo ang mga bata at sarili mo. surround yourself ng mga taong nagmamahal sayo at pprotekta sa inyo.

Magbasa pa
5y ago

Corrected by! 👍👍👍

pa kulong muna. Violence against women and children. VAWC pero kung natitiis mo at ikaw dn naman nkikipag sapukan at palaban ka taz in the end ok nmn kayo taz loving loving ulit. ay mag usap n lang kayo. minsan kasi nanakit dn ang lalaki kasi sobrang inis at gigil n din. pero swerte ng mga babae n kht kelan hnd sinaktan ng asawang lalaki kht ano pang inis o galit.bilib ako s lalaking ganun. sana all. kaso hindi. iba iba kasi. depende sa sitwasyon. patapangan n lang at patibayan ng pagmamahal kung sino una susuko. kasi pag mahal mo naman babalikan mo e. kaso pag wala ng chance wala n tlg. ayun sayang. iyak move on. hanap nnman. kawawa lang pag may anak. Broken family.

Magbasa pa

buti ka nga ganyan lang ako dumudugo pa ilong at nag kaka black eye. kung d naman ako saktan physically, emotionally naman ako dinadali dinadamay nya lagi ung anak ko sa una. lahat ng masasakit na salita pati nanay ko dinadamay. kaya sometimes i asked God ano nagawa ko since pag kabata gusto ko lang mahalin ako kasi lumaki akong walang tatay ung mommy ko 20 yrs sa japan walang uwian. mga pinsan ko kasama ko lumaki since mayaman ung nanay ng pinsan ko siya lagi kinakampihan ng guardian namin .

Magbasa pa

kelangan mo pumunta sa doctor.hingi k ng medical certificate then picturan mo sarili mo after ka masapak.. un kelangan mo para magtanda cya..punta k Muna sa barangay.pero sa barangay kc gusto nila ayusin muna..pero be firm..punta ka sa woman's desk said munisipyo at sa pulis.. kulong Ang aabutin nya.. maniwala k.kc ginawa ko n yan sa dati ko Asawa.. kapag Wala na respeto sau ..Wala n Rin pagmamahal..bakit kapa makikisama sa taong un

Magbasa pa

ako nmn sinusuntok suntok ako may pasampal sampal pa sakin pero di nmn malakas wla e napaka harot akala mo nmn sarap na sarap ako🙄 minsan pag nappikon ako gumaganti ako😜 harutan lang nmin pero pag nag aaway kami tahimik lang and wlang kibuan pagtapos non lalapit na sya sakin para ihug and ikiss ako😂 may pag ka isip bata sya sa part na nanununtok kala mo lagi nakikipagharutan😂

Magbasa pa
VIP Member

ako din na ganyan ng asawa ko pero lumaban ako sbi ko sa kanya wag nya ko sasaktan kasi kako di ako natatakot kahit mag hwalay kmi basta sa akin ang bata paramdam mo sa kanya na di sya kawalan at dka takot muntik pa nga ko sakalin sabi ko sge ituloy nya d ako takot kasi alam ko pag nag sumbong ako ako ang mananalo sa korte pag nag sampa ko kaso sa kanya .ayun panay ang sori nya sakin

Magbasa pa
VIP Member

abuse na yan mamsh. ndi nmn normal na saktan ka ng partner mo. inasawa ka nya pra maging katuwang sa buhay ndi pra gawing punching bag. wla nmn tlga perfect na mag asawa kht kmi nag aaway dn kmi ng partner ko minsan napipiga nya Yung kamay ko sa subrang gigil nya tas nagbabasag ng mga bgay bgay sa bhay. pero kinausap ko sya na pag maulit pa iiwan ko na sya.

Magbasa pa

of course it's a big NO momsh. don't ever let anyone hurt you. in any way possible. may it be thru words or physical. mag-usap kayo ng partner mo momsh. sinasaktan ka lang ba if nakakainom or basta wala sya sa sarili? if yes, pag usapan nyo during okay syang makipag-usap. otherwise, palamig ka muna. kesa naman araw araw ka nya gawing punching bag.

Magbasa pa
VIP Member

BIG NO! Wala syang right to do that. Know your worth. Wag mo hayaan na ganyan ganyanin ka ng partner mo. Magpakita ka rin ng tapang. The more your partner sees that you're weak, aabuso. Or kung madalas na ganyan ang treatment sayo, might as well layuan mo na. Respect and of course, love should be present sa magpartner. Sending virtual hugs to you.

Magbasa pa

NO! Whatever the reason is, a man should not lay hands on a woman, like to hit or to spank.. Ladies, we should know that we should be loved, taken cared of, and respected by our husbands. If a man hits a woman, well that makes him less of a man. And maybe that also a chance for you to love yourself.. I hope you know what I mean.

Magbasa pa