asawa

okay lang ba sainyo na sapukin at sipasipain ka ng partner nyo?

220 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi okey yan ahh wag kang pumayag at baka yan pa ikamatay mo. Alamin mo mga karapatan mo bilang babae/asawa/nanay. Tsaka wag na wag kang maglilihim sa pamilya mo dahil kapag may nangyare sayong masama sila ang tutulong sayo, sa pamilya mo parin bagsak mo buhay ka man or patay, sorry kakanood ko ng SOCO at IPAGLABAN MO.

Magbasa pa

ay hindi ah!!! naku kahit kelan dpa ako napagbuhatan aswa ko naku, baka patayin siya ng mga kapatid ko kung gawin nya un.. sa pananalita ung aswa ko masakit mg salita dati bago palang kmi takot ako sumagot pero nag tagal na pag sasama nmin aba nalaban narin ako sagutan saknya.

Kung joke joke lang, okay lang. Pero pag yung totoong sinasaktan ka na niya talaga, naku sis di yan okay. Wala siyang karapatan na saktan ka, kung may misunderstanding kayo ayosin niyo o di kung may kasalanan kayo sa isa't isa dapat pinaguusapan ng maayos.

hindi po pwede yan.....mommy di dapat tayo nag papaapi sating asawa dahil bawat isa sa stin my karapatan.dahil mag asawa na kayo pwede k na nyang saktan,in first place wala siyang karapatang saktan ka.dapat nga mahalin ka pa nya ng sobra. VAWC n yan.

Kung harutan or kulitan time nyo un ng partner ok lang nman pero kung hindi nman ibang usapan na ung mommy dapat kausapin mu sya about djan kse bka makasanayan nya na ginaganyan ganyan ka lang nya. Panget kse tignan kung makita yan ng mga anak nyo

Hinding-hindi okey yan momshie! wala syang karapatan gawin yan sau dhil hndi sya nagpalaki sau, inasawa ka pra may katuwang sya sa buhay..hndi punching bag! huwag po kayong Martyr! Gising sa katotohanan...bkah may iba na yang kalokohan!

VIP Member

Hindi po okay yan. Kahit ako hindi ko rin magagawa sa kanya yan. Pero yung hampas na may halong gigil (lalo kapag nangungulit sya, hilig nya ako kagatin e sobrang sakit pa) yun hinahampas ko talaga sya sa "muscles" nya 😂

syempre HINDI..nag aaway kami ng Asawa ko noon.perolumalaban ako..never nya ako tinamaan sa mukha. pero nun nasapol nya ako at dumugo kilay ko..nagpablotter ako at ipinakulong ko cya.. thats the last day na nagsama kami..

tanong b talaga yan? cno b nman my gusto ng sinasaktan? hindi lng ung abuser ang may problema, pati yung victim sa pag-allow ng ganun set up...wag masyado mabulagan sa pagmamahal, kc hindi n love kung ganyan treatment 🙄

TapFluencer

Not okay, I wonder why did you ask? It's really obvious. Is your husband physically abusing you? It's not okay sis. Ano reason why did he do that? Maybe you can talk to him first if gawin nya uli, nag isip isip kana.