1110 Replies
Samin ni hubby hindi namin ginagawa un pareho nasanay talaga kami. Kukuha kami sa wallet ng bawat isa pag alam namin pareho. Kasama sa respect nalang namin un sa isa't isa. π
mas mabuti pa rin sabihin mo sa hubby mo if need mo ng pera ganun ginagawa ko pag ako ang wlang pera gnun din c hubby ko pqg sya nman wlang pera respeto po yun sa isat isa.
for me it's a NO..Ewan ko lng sa iba KC Ako ndi ko naging ugali mag open ng wallet nya khit inuutusan nya pa Ako na kumuha bnbgay ko pa din ung wallet sa knya pra sya na kmuha.
Para sakin nope, kahit ako nag wowork samin ng partner ko I let him manage our expenses kasi dun sya magaling hehe. Kaya nag sasabi parin ako regardless to respect narin.
hindi po. respect din po yun sa mga asawa natin pag di nayin ginagawa yun. mas mabuti kasi pag open ka sa kanya. kung may plano kang bilhin, sabihin mo sa kanya ahead of time.
yes okay lang po kase lagi nya sinasabi saken "pera ko pera mo" Hahahaha pero syempre tinatanong ko kase mamaya may nakalaan na ggastusan nya dun e. so maganda padin magsabi
Mas maganda mommy nagsasabi tayo sa husband or asawa natin kasi mas maganda yong relasyon ninyo walang lihim... di naman masama kumuha ng pera pero mas maganda nagsasabi tayo
No nagpapaalam prin bago kumuha.. For respect nrin.. Pero depende kc minsan pag need n talaga tpus wala xa naiwan wallet, kukuha nq.. Pero sasabihin q sknya pag balik nyaπ
Hiwalay pera namin, kaya if ever na short na ako nagpapa alam ako sakaniya kapag kukuha ako sa wallet niya. Mas ok na ung ganon kesa yan pa maging dahilan ng pag aaway. π
wala naman laman lagi wallet.π for me hindi maganda yong ganon,pagpapakita din kasi yun ng walang respect...kahit alam mong okay lang naman sakanya,dapat ipaalam mo padin.