Sino ang kailangang gumastos sa FIRST DATE?
Okay lang ba na ang lalaki ang gumastos ng lahat sa first date? Kung hindi, sino ang dapat maglabas ng pera?


For me, both. Hindi kasi ako pala asa ng gastos sa lalaki. Kahit noong student pa lang ako, hindi ko hinahayaan na si lalake lahat ang gumastos, lalo nat galing pa sa parents niya ang allowance niya. Yung last boyfriend ko na husband ko na ngayon, ganun din ang routine namin, kahit may trabaho na kami pareho. Kapag nag de date kami, hindi namin hinahayaan na isa lang ang gumagastos, give and take kami palagi pareho.
Magbasa payes, kasi sya Naman Yung nagyaya. pero gumastos din ako. kasi di ako sana'y na Yung kasama ko lang ang gagastos. mapa babae man o lalaki. wag natin sanayin ang sarili na dapat lalaki lang dapat gumastos sa bawat date o labas. Give & take ganern. di always may pera ang lalaki. kaya mag adjust din tayong Mga Girls.
Magbasa paBoy muna kase iassess mo muna pano ka nya tatratuhin pero mag insist ka pa rin na mag bayad if di pumayag mas okay hahaha kase sa totoo lang sa mga susunod na date nyo kapag matagal na kayo ikaw na din minsan gagastos kase ikaw na mag babudget ng pang date nyo hahaha
For me pwede naman lalaki lalo na kung 1st date pero sa panahon ngaun mas ok na ready din si girl sa pwede mangyari na anytime meron sya madudukot. Like KKB mas ok na din kasi ung walang masusumbat sau si boy 😂 lalo na sa panahon ngaun.
first date nmin ng bf q... alternate kami sa paggastos.. kapag siya nauna magbayad sa pagkain nmin dalawa aq nman nag present sa pamasahe at panonood ng sine., but much better lalaki nagastos coz he is the founder of the house
first date namin KKB kanya kanyang bayad medyo natawa pa ako non pero di naman nakakaturn off hahaha since that was my first time. But for me, I guess hindi naman pwedeng lalaki lang ang gumagastos dapat give and take lang ☺
Yes!!! Best things in life are free. Kidding aside, my ex-bf, now my hubby, who is a good provider, and a father too, has always been the one who pay for everything. There are times that i chipped in pero bihirang bihira.
nung first date namin ni hubby, ako gumastos xyempre nagkakahiyaan pa upto now ako pa din gumagastos hahahah.. okey lang sakin basta ang importante maalagaan nia kami ng baby namin at di kami pabayaan..
my husband and i started out as friends kaya KKB. nung naging kami, parang weird kung biglang siya papagastusin ko lahat. hati pa rin kami. pero nung nag asawa na kami, siya na lahat. hahahahaha
I think depende. Kung sino ang nagyaya, siya dapat manlibre ng meal. Pero of course, hindi ako papayag na siya LAHAT. Pwedeng siya sa meal, ako sa dessert or coffee after.