Okay lang ba na kasama ang mga biyenan sa iisang bahay?
Parents, kasama mo ba ang mga biyenan mo sa iisang bahay? Kumusta ang relationship niyo, so far?

okey lang naman cgro kaso may mga biyenan tayo na mahirap pakisamahan. kaya mas okey pang mag bukod na lang para maka iwas sa gulo o mga masamang salita.
No. ako gusto ko na bumukod. kahit gaano kabait ng biyenan mo, nakakapagod din makisama. dami reklamo pagdating sa pagpapalaki ng sarili mong anak 😒
Nakikitira po kami sa mga biyenan ko, hubby's parents. Wala pong problema, sobrang bait ng mga in-laws ko ☺️ Gumawa ka or hindi wala naman problema
Matagal ko nang kasama mga inlaws ko sa bahay. mga 8years na atah. okay naman kasi kasundo ko silang lahat ❣️ kaya sobrang thankful ako 😇🙏
As of now po nakikitira pa lang po kami sa bahay ng biyenan ko. Okay lang naman po na kasama sila. At least they also have time para sa apo nila.
Ok naman interms of relationship but, Hindi mas okay kung kayo lang talaga buong family (sariling familya) sa dami ng dapat isaalang-alang.
depende kung mabait at okey kasama byenan ko okey lang, pero sq case ko mas gugustuhin ko nakahiwalay kmi both family para wala pakialaman
for me NO! Kaya lang wala kming choice kundi makitira sknla.. mahirap pero kinakaya. alam ko darating din ung araw na makakabukod din kmi.
In my experience, NOPE. Mabait, oo. Pero ang toxic din. Affected lahat ng galaw nyo pati finances at needs ng mga bata napapakelaman.
Mas ok talaga kung naka bukod kayu. Ok lang naman sana basta di lang sana masyado pakialamera sa lahat ng decisions namin ni Hubby.




