Ok lang ba sainyo na may kasama kayong ibang family member sa bahay let's say siblings mo? Or mas preferred nyo pa din na kayo lang ng spouse mo and kids?

94 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ever since nagpakasal kmi, no. 1 sa plan talaga namin is bumukod agad para mas mkpgprepare kami for a family. The more na kayo lang kasi mag-asawa, mas simple and mas tahimik.

Preferred ko na kami lang ng husband and kids pero as of now di pa pwede kasi dito kami nakatira sa in laws ko. I'm fine with it though kaso sobrang bless nman ako sa family ng husband ko ❤

I prefer kami na lang ng spouse and children. As much as I would want to let my mom or sister stay with us, they have their differences kasi nina hubby so I know magcreate lang ng commotion.

mas maganda na kau2 lang, di mo din kasi sigurado kung ok lang talaga sa partner mo.. pwede naman siguro dalaw lang tulog isang gabi, pero yung titira talaga, baka maging issue nyo pa..

i preferred na kami lang. kasi magirap pag may kasama na ibang family members sa bahay. kahit na sabihin na kapamilya,mahirap gumalaw at kumilos. kasi meron at merong mapupuna at masasabi.

Mas okay yung asawa at anak lang. Maaring okay kasi sayong may ibang fam member ka na nakatira sa inyo, eh sa partner mo ba oks lang yun? Baka ayan pa pagmulan ng away.

Sa akin, mas okay na kami lng ni hubby at ng baby kasi mas nakakakilos ka nang maayos. Kaso sa situation ko ngayon dito ang ate ng hubby ko na iilang ako.

Ako mas gusto may kasama kami since parehas kami ngwowork ng husband ko at kasama lang ng mga anak ko yaya mas gusto ko pa din na may ibang tumitingin sa kanila

mas maganda kung kayo lng Ng partner mo. pero kung no choice at may financial problem oky lng naman mag share sa bahay, Yun nga lng sobrang pakikisama ang kelangan

sa ngayon mas gusto ko ng kami lang ng asawa ko pero gusto din nya na mama ko nalang kasama namin kesa tito ko. grabehan kasi tito ko samin nagpasupporta jusko