94 Replies

We live with my MIL, sa house nila. Gustuhin ko mang bumukod kami hindi pwede. Walang makakasama ang nanay nyang senior na. Pero okay lang naman in our case. Sobrang malaki ang bahay para sa 3 adult at 1 baby. Parang ang nangyayare pa nga meron kaming sariling bahay sa 2nd floor. Hehe. Give limitations na lang sa mga kasama bahay. Like sa MIL ko she respects me naman lalo na pag dating sa anak ko at sa husband ko na anak nya, hindi nya ako pinakikielaman. At kami din ng husband ko ang head ng household kasi financially dependent naman ang MIL ko samin.

only my spouse and my daughter.. kami lang.. ayaw na ayaw namin na may iba.. okay lang if ilang araw lang pero hindi pwede umabot ng 1 linggo 😅 yung tumira nga lola ng asawa ko dito, nastress ako.. lalo lumala PPD ko kasi masyadong pakielamera pati mga bisita namin pinasasaringan para umalis na.. buti naman at wala na siya dito sa bahay kasi magwawala na talaga ko kung andito pa yun.. nakakaawa rin kasi matanda na kaya lang wala ako pasensya na nakalaan lara sa kanya, nasa anak ko lahat kaya pag siya nagsasalita ng di ko gusto, nastress ako

VIP Member

mas gusto kami lang ni mister at baby namin ang magkakasama makakakilos ka ng maayos at may privacy na din kayo naexperience namin nung malapit na ko manganak nun doon kami tumira sa byenan ko grabe hindi ka makakilos ng maayos doon para kasi lagi binabantayan mga kilos mo. kaya after ko manganak nun umuwi na kami dito sa bahay na iniwan sakin ng parents ko. (parehas na kasi pumanaw mga magulang ko)

Sa bahay kasama mo mommy ng husband ko at may isa kaming kasambahay. Sa totoo lang ang hirap minsan makisama kasi kahit bahay mo kelangan iconsider mo din ung mga ibang kasama niyo like sa ulam pa lang madami na bawal sa mommy niya kaya minsan kahit nagcracrave ako mag luto hindi ko magawa kasi nagwawalk out mommy niya dahilwala daw siya makakain. Mas gusto ko pa sana na solo kami

For me mas okey ung kme lng ng partner at mga kids ko. Why? kasi lahat ng gsto mong gawin is mgagawa mo. kung baga khit gsto ng gnitong ulam ganitong bagay ganitong ayos mgagawa mo ng wlang pag aalinlangan! Kasi pag may ksama ka sa bhay lalo na mga inLaws sempre di maiiwasan inggitan silipan ganon khit na sarili nyo nmn pera winawaldas nyo may nsasabe pdin!

Okay lang kung mas malaki ang bahay ko why not na nadun silang lahat mas masaya ako kung nandun lahat.. Wala naman kasing problema sa mama ko at ganun din sa side ng partner ko actually pag mag kasama yung side ko at side ng partner ko parang na le lef over na kaming mag partner kasi sila na lagi magkakasama at nag ba bonding pfft para lang silang mag kaka barkada

mahirap po, currently kasi kasama namin sa rented apartment ate ko due to financial problems, kaya nasabi ko mahirap kasi pag sa food mag she share ka pa tapos kung kapatid mo pa eh tamad ni pinagkainan man lang di mahugasan nakakapagod pa pagsabihan labas sa kabilang tenga, hahays kaya big NO, bumukod na lang para tahimik ang buhay 👍

Mas okay kapag husband and wife lang talaga. Im living with my inlaws and always akong careful sa kilos q even in handling my baby. Minsan i want to cook but hindi nlang kasi iba pa naman yung preference nla. May mga bagay ka na hindi mo libreng magagawa kasi kinoconsider mo yung gusto nla.

sa amin naman. nakatira ako sa bahay na inuupahan ni hubby kasama nya si MIL. hindi narin ako nag atubiling magluto luto, since si mama ang nagluluto, wala din akong confidence pagdating sa pagluluto nahihiya akong magluto dahil magyoutube or google pa ako🤣🤣🤣 both working kami ni hubby kaya good thing na nanjan si MIL. kami lahat ng gastos amd nagbibigay din kami kahit ppano kay mama para may sarili din syang pera. mon to friday sya at si baby lang naiiwan. sat and sun ako na full time kay baby.

TapFluencer

Noong bago palang kami ng partner ko kasama namin M.I.L ko, ganon pala talaga, napapansin niya lahat.. as in lahat.. medyo nakakailang talaga, minsan okay naman sya pero pag wala sa mood, mainig lagi ulo,lalo na pag wala pera, siguro 1 yr after, sya yung bumukod.. para daw matuto ang anak nia, na partner ko..

If common yung house nyo let's say pamana ng magulang I think kailangan nyo talagang mag co-exist. Be clear lang sa sariling rules nyo at set the bounderies as well. Mas maganda kung mag partehan na if anong part ng house ang mapupunta sayo or sa kanya para clear yung divisions at boundaries.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles