with my first born
nung una pagbubuntis ko sabi oct ang due date ko but it came early sept 25 cxa lumabas..naalala ko pag gising ko ng 25 ng 8 am basahg basa ako tapos tuloy2 yung agos ng tubig sa baba na napapaisip ako kung ihi ba o anu...inaamoy ko pero di talga cxa mapanghi...tinawag ko hubby ko nagdiaper na ako pero bago kami pumunta hosptal kumain muna kami 11 am ng pumasok kami emergncy room. naglalakad pa ako at wala ako nararamdaman hilab or what..pinasakay ako sa wheel chair to avoid na mahulog daw bata.. akala ko ganun lang yun pero nung I IE ako di ko maintindihan ang sakit beshy at 5 cm pa daw malayo pa pero pinasok na ako sa delivery room nakahiga lang bawal gumalaw ,bawal tumayo,bawal tubig,bawal kasama as in bawal lahat panay IE sa akin pero malayo pa din. at wala pa din ako nararamdaman until nag 3 pm na ata they injected something sa akinafter an hour sumasakit na tyan ko. lumipas ang oras fast forward 7 pm..i was in pain na sobra na nagthutumbling na ako sa sakit di ko carry na sinasabi ng nurse to stay still na naka lying position lang bawal ang galaw at bawal umire..tapos yung nurse pag i ie nya ako di nya maabot kasi ang ikli ng finger nya napapagalaw ako nagagalit cxa nabubwisit na daw cxa sa akin. tiniis ko lahat ng sinasabi nya..tapos sigaw sigawan nya pa ako sa sobra sakit i want my husband in kasi papahagod ko likod or balakang ko pero ayaw nila pumayag. until i decide na kausapin ang anak ko sabi ko pag hihilab cxa iiri ako para lumabas na cxa magtulongan kami..tapos i pray 9 hail mary. pinagagalitan ako ng nurse kasi iri ako ng iri until naramdaman ko natatae na ako and sobra sakit na mag 10 pm na yun ng isalang nila ako ang hirap sa hinihigaan ko wala proper na hawakan nauubos energy ko winarak ng nurse ang p___ ko ramdam ko...nilagyan ng pressure ang tyan ko...kaso nauubosan ako hangin na minsan natalsik an laway ko galit na galit cla kasi daw natatalsikan cla..kesyo daw nung ginagawa e sarap na sarap tapos ngayon na manganganak di daw kaya manahimik or sumonod napakahirap mag labor pero after 4th try nailabas ko din ang baby boy ko... pero i had the most panget experience sa public hosptal...mga nurse na makapagsalita akala mo di nagkaanak at di naranasan ang sakit na nararanasan nmn. kung sigaw sigawan kami at sabhan ng kun ano2 kala mo wala kami pambayad sa ospital..napaka hirap sa loob ng delivery room dami ko natuklasan mga masasama pag uugali ng mga nurse sa mga kasama ko na nanganak at sa akin din