Meet our baby girl Graye Amor Due date: March 06, 2021 DOB: February 18, 2021 2.8 kg/49 cm 38 weeks
Long post ahead 😊 Just want to share my experience. Feb. 17 about 10 am got my contractions. I thought braxton hicks lang but naging frequent na xa pero nawawala naman, yun pala start na ng labor ko. I ignored it hanggang gabi. But around 7 pm tumitindi na yung sakit so we decided to go to the hospital. Pero hindi kami inadmit sa er kasi invalid na daw ang result ng rapid test ko which is taken 2 days ago. Need daw mag parapid test ulit. We decided na lng to have an ie sa nearest lying-inn to determine how many cm na ako. Baka if nagparapid test ako ulit tapos 1 cm pa, di pa rin kami ia-admit. Magpaparapid test na naman ulit if lalabas na talaga c baby. So yun, pag ie ng midwife 1 cm pa ako. Pero every 5 mins ang interval ng contraction. We decided to go back home na lang. But around 10 pm pumutok na yung water bag ko. Mga 11 pm na kami nakarating sa hospital then upon ie 8 cm na pala ako. Dinala nila agad ako sa delivery room then a nurse nag ie na naman sakin. Then she said 2-3 cm pa raw ako pero manipis na ang lining kaya they brought me to the labor room. Namimilipit na talaga ako sa sobrang sakit pero the nurses said di pa raw ako manganganak dahil hindi raw halata sa mukha ko kaya huwag daw muna ipush so pinipigilan ko. But then my OB arrived, pag ie sakin 9 cm na ako. So nagulat yung dalawang nurse then agad nila akong binalik sa delivery room. But I got stuck sa 9 cm for almost an hour. Nawalan na ako ng lakas then pag ie na naman ni OB 9 cm pa rin at nakabara na si baby. Naka POP pala si baby or nakatingala na position niya kaya my OB decided to do an emergency cs. I thought I can have my normal delivery dahil mabilis ang progress ng labor ko. Intense labor plus ang ending cs pa rin but it is all worth it ng makita ko baby Graye ko. I thank God dahil hindi Niya kami pinabayaan especially to my supportive husband. Kaya mga mommies or soon to be mom tiwala lang. Let us always look at the positive side. God bless mga mommies ❤❤😊