heartbeat

Nung 9 weeks pregnant ako may heartbeat si baby pag pa ultrasound ko dun sa OB. Pag dating ng 13weeks pag check dun sa lying in, wala daw heartbeat gamit nya doppler lng. Kinabahan ho ako baka nawala heartbeat ni baby? Tanong ko lang po, may case talaga ba na ganyan? Kasi sabi sa lying in, ganun talaga doppler daw, mga 4-5 months pdaw marinig talaga. Eh ngayon para wala akong na feel na heartbeat sa tiyan ko. ?

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sakin 6 weeks tvs narinig na. Hanggang ngayon 10 weeks. Meron parin. kelangan mo magpa 2nd opinion sis, hanap ka ob na sonologist din. Sa lying in ako unang nag pacheck palpak. Mahina kapit nang baby ko. Binigyan lang ako nang pampakapit. Kasi ilang araw ko na naiinom hindi parin nawawala sakit at kirot nang puson ko. Hanggang sa naghanap ako nang OB talaga, ayun nalaman na may uti ako. At malaki ang difference nang gamot na binigay. Ilang araw lang naging maayos na agad pakiramdam ko. Pa TVS ka sis at hanap ka nang ob pa secind opinion ka. Delikado yung sinasabi niya walang heartbeat kasi pwede mo ring ikamatay yun kung talagang wala nang heartbeat baby mo.

Magbasa pa

OB mo ba mismo nagsabi? Kung portable fetal doppler lang ang gamit may tendency na baka hindi mahanap nung nagcheck since maliit pa naman si baby. Kaso bat ganun, parang wala silang sense of urgency knowing na wala "daw" heart beat si baby. If I were them, i would advise na magpaultrasound ka to check ang wellbeing Ng fetus and also for your peace of mind. Napakainsensitive naman nila to say that. Pinataas pa nila anxiety mo lalo.

Magbasa pa
TapFluencer

ganyan dn ung sakin nung nagpacheck up ako, parang d na hinanap maige ung heartbeat ni baby bumase nlng sya dun sa binigay ko na result sa ultrasound which is 2 days ago pa, so d ako mapakali after few days nagpacheck up ako sa lying in instead na antayin ko pa nxt check up kasi d ako kumbinsido na d marinig heartbeat ng baby ko kaya pinacheck ko ulit kaya lng sa lying in na at un thank God ok nmn si baby

Magbasa pa

nako sis ang Doppler ksi usually 4-5 months or minsan nga 6months pa dpende s laki ng baby nakakadetect ng heartbeat ganyan din ako sa ultrasound normal HB ng baby ko pero sa Doppler wala daw pero sabi ng OB ko mas accurate parin ang ultrasound dhil nga minsan nd dw tlga nkakadetect agad ng HB ang Doppler. wag ka ma stress sis lagi mo lng kausapin si baby 😊

Magbasa pa
VIP Member

13 weeks masyadong maliit pa yan.. Kahit ako nun nagworry.. Usually OB tlga nakakahanap ng heartbeat at 13 weeks.. Kabisado nila fetal position at manner ng paghanap.. Sa lying in kasi midwife lang.. Kaya medyo hirap sila.. Nung nagstart OB ko ng doppler 11 weeks.. Mataba pko ha. Pero nahanap nya..

VIP Member

Mahirap po talaga mahanap heartbeat momsh pag 13weeks palang ganun din sakin. Mabuti nalang masipag yung OB nahanap niya at narinig ko ang heartbeat ng baby ko kahit 13 weeks pa lang. Pero nakakapa na po nila yan momsh na meron kang dinadalang bata.

minsan kase yung iba dopler mahina battery kaya minsan di ma detect ganun kase ng yare sakin pinalitan pa battery bago marinig πŸ˜‚ pero pag worried ka ultrasound na

May doppler po na minsan di madetect ung heartbeat. Katulad saken po nung 13 week po di pa detect heartbeat pero nung nag pa ultrasound ako, may heartbeat po ung baby ko.

5y ago

Baka cguro sa ultrasound meron. Thank you po

Sakin nga nun 15weeks di pa marinig sa doppler, kaya gagawin ng ob ko hihiram sya utz para macheck ayun ok naman .. By 20weeks narinig na sa doppler ..

Normal un sis ako nga 4 months walang heart beat sa doppler . Naiyak ako bat kako ganon sa ob ko meron na sa lying in wala . Pero normal pla un