Sending Love to our Angel above
Now i know how it felt to love someone you've never met.. I got married May 2019, everyone were super excited when we found out that I was pregnant on our first baby ( first apo on my husband side). Im so proud of my husband because he always go with me on my monthly appointment even he was tired on his night shift at work . He see to it to buy every meds, vitamins,milk,fruits and everything that i need/want. I was alone the whole day because he was at work ( kami lang sa bahay and nasa 2nd floor yung tinitirahan namin). Minsan kapag gabi work nya sa bahay nila ako natutulog (tabi lang ng bahay namin) Nalaman ko na pregnant ako, first week of Sept 2019. Super selan ko- yung pampakapit kay baby 6tabs a day x30 day. 180 tabs in a month (isang gamot palang yon, ang mahal 😅 Fast forward.. December 23,week 19 or 20. schedule ng check up namin and malalaman na namin gender kaya super excited kami. Girl baby namin pero niremind ako ni doc na magingat, wag muna masyado magbyahe or else mawawala sa amin c baby. So ingat talaga kami, naiyak ako that time kasi super happy ko kasi nalaman na namin gender ni baby- mix emotion. Dec 25, nagsimba lang kami kasi maghapon umuulan, dec 31 my year-end party until midnight. Jan 1, nagkablood spot ako, umiiyak na ko kasi natatakot ako. Alam ko na walang dutyna doc nun kaya uminom nalang ako ng pangpakapit at nagpahinga- nung gabi nagsimba kami. Umiiyak ako, nagpray ako na ingatan si baby. Jan 2-back to work si hubby, magisa ulit ako sa bahay pero lagi kami magkatext)magkachat para magupdate. Tumawag na din ako sa ibang hospital at clinic kasi medyo nagwoworry pa din ako. Nung hapon, sumasakit tiyan ko, feeling ko constipated ako. Nagpahinga ako hanggang Jan3 ng madaling araw di na ko nakatulog, pabalik balik ako sa cr, para akong najejebs na hindi. Mga 4am ginising ko si hubby. So nagdecide kami magpunta sa hospital para magpacheck kasi di na ko nakatulog magdamag.(Naglalabor na pala ko nun di ko alam, first time nangyari sakin yun eh).Nung nasa car na kami iba na pakiramdam ko, kinakabahan na ko. Pagdating ng hospital bumaba ako at naglakad papasok ng ER tapos nagpark asawa ko habang naglalakad ako palapit sa nurse ramdam ko na may lumalabas sa akin, may mga pinafill-up pa sa akin yung nurse kaya naiinis na ko. Paghiga ko sa bed,chineck ako ng midwife 7-8cm na daw ako. Wala silang OB na duty, ER doctor lang. Di ko alam gagawin kasi 22 week palang ako. Tinurukan na ko. Tapos sabi anytime daw manganganak na ko, pumutok na daw panubigan ko at nahahawakan na daw ng midwife yung ulo ni baby. Shock kami, alam ko any moment mawawala na c baby. Gusto ng mga nurse ng hospit na ilipat ako kasi wala daw silang incubator and againts daw yun sa hospital policy nila. (By the way nasa Private hospital kami ha) di namin alam gagawin kaya tumawag agad kami sa families namin. Every 2 mins pinupuntahan kami ng mga nurse at kinoconvince kami na lumipat na sa Provincial hospital( public hospital and 2 hours away) sabi nung 1 nurse malapit lang daw yun, may car naman daw kami pag dating daw dun sasalubungin pa daw ako ng mga nurse dun pero alam ko di ganun doon kasi alam ko system sa hospital na yon. Tumawag din sila sa hospital na kalapit na city wala din sila incubator. Kinausap din ng head ng Provincial hospital husband ko at sinabi na wala din sila vacant,at kahit madala ako doon wala na din kasi sobrang aga pa daw para ilabas si baby.hopeless na ko. Kinakausap ako ng asawa ko, saying everything will be alright. Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero di ko iniinda kasi wala akong ibang naiisip kundi si baby lang. Kung okey kaya sya, sana okey sya, sana walang mangyari sa kanya.Hawak ko lang kamay ng mommy ko. Tapos may naramdaman ako na iba, lumabas na si baby. 😭Alam ko that time na pag nilabas ko sya, wala na. Iyak lang ako ng iyak. Kinakausap ako ng mommy ko, sabi nya ipagpray ko nalang daw si baby. Then kailangan ko maadmit for a day para macheck-di na ako niraspa kasi madadal naman daw sa dextrose. Ang dami bumisita sa akin, specially relatives ng husband ko.Pinagpapray over nila ako, nagkukwentuhan, pinapatawa nila ako. Thankful ako sa lahat lalo na sa asawa ko na sandalan ko that time na naging strong at pinakita nya na magkasama kami no matter what. Busy sya the whole day pagaayos ng papers.Sobrang down ako- kumakaen ako, di ko mapigilan umiyak. Kapag pipikit ako, or kahit pag tahimik paligid umiiyak ako. After tests, nadischarge na ako. Habang nasa kotse kami ng asawa ko, nagsink-in sa akin lahat- ganun kabilis nawala lahat. I tried to smile infront of everyone, they all say na "Okey lang yon, ipagpray ko nalang sya kay lord". We stayed sa house ng parents ko. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Sobrang sakit. Then napatingin ako sa husband ko, naalala ko na may Anxiety Disorder sya and di din sya pwede maistress. That time he is also seeing a doctor and under medication. Only then naisip ko na hindi ako pwedeng maging selfish, di pwedeng iyak lang ako lagi kasi for sure doble yung pain na mararamdaman ng husband ko( nawala na si baby, hindi pwedeng pati ako madepress din). Nagpromise ako sa sarili ko na di na ko iiyak, - alam ko naman na binabantayan nya kami. It's been almost 6 months, during first month ng pagkawala ni baby lagi ko gusto na puntahan sya sa cemetery tapos nasa car palang iyak na ko ng iyak. Iniisip ko nalang na kung masakit nung naianak ko sya ng maaga- mas masakit siguro kay husband kasi sila naglibing kay baby ( kasama nya dad ko and buong family nya) . Now, kaya ko na ikwento sa iba yung isa sa pinakamasakit na journey namin na mag asawa this 2020. The pain was still still, but im use to it. Im finally smiling. Now- I'm 5 weeks pregnant again. Hoping everything turn out fine. We promise to be extra careful this time. To our angel, hope you always look after us and pray for us. I love you always our BABY ANGEL ♥️ THANK YOU ALL FOR READING, GODBLESS US ALL 🤗♥️


