November 20, 2015 8:30 PM nasa McDo kami ng partner ko dahil nagcrave ako ng fries. Nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko pero binalewala ko. Pauwi namin, nauna siyang nakatulog habang ako pilit binabalewala yung kakaiba sa tiyan ko. hanggang pasakit na ng pasakig, maya't maya na. Hindi na ko pinapatulog kahit idlip man lang. Imbis gisingin yung katabi ko, tumayo ako ng 11:30PM para katukin ang mama ko para itanong kung ano ba tong nararamdaman ko. Biglang balikwas ng bangon, MANGANGANAK na daw ako. Ako naman (ay talaga? ito na yun? hahaha) Hindi na namin ginising partner ko (mas bet kong mama ko kasama ko). At patuloy ko pa ring naramdaman ang HILAB sa tiyan ko. Hanggang 8:30 AM tiniis ko yung palalang HILAB na every 5 minutes lumalabas. Then nag decide akong pauwiin ang mama ko para makagawa pa siya ng paninda dahil umaga na, then, pinapunta naman niya yung ate kong buntis din ng 7 months that time. Sa kasamaang palad yung mid-wife na magpapaanak sa kin e 7th birthday din ng anak niya kaya pina assist niya ko sa midwife niyang employee. At dumating na nga ang 9:13 AM Nailabas ko na ang anak ko pero nataranta sila lahat dahil biglang daw akong dinugo. Kaya dali dali nilang tinawag yung midwife na may ari ng clinic. nakapangbahay pa nga dahil nagpe prepare sa handa ng anak niya. Dinig ko isusugod na ko ng ospital e. Sino naman hindi duduguin, e PAGOD, GUTOM, PUYAT at STRESS na STRESS ako dahil ang kinuhang assistan ng nagpaanak sa kin e yung kasambahay nilang nautusan lang i assist ako dahil napadaan lang (Clinic kasi sa baba, then sa taas ang bahay nila) Ang utos pa nga sa kanya, "hilutin mo pababa yung tyan pag ire niya" Samantalang ang ginawa hindi pa ko umiire sige na siya ng hilot pababa sa tyan ko. So, balik na tayo dito sa nataranta na nga sila at pinababa yung head midwife nila ang sinilip na niya kung ano bang nangyare sa akin habang yung anak ko nilagay nila sa ibabaw ng tiyan ko. (Sorry talaga anak kung hindi kita lubos na appreciate nang araw na yun dahil sa STRESS ng mommy mo) May naiwan pa lang tissue na ginagamit panlinis after manganak sa loob ko at nakuha naman na ng time na yun at yung head midwife na rin ang nag asikaso sa akin, ginandahan pa nga daw niya ang tahi. ( pampalubag loob siguro) hahaha.
PS: Bigla ko lang naalala, dahil hindi ako maka relate sa ibang mommies sa kanilang SPECIAL DAY ng manganak sila
Dean Marie V. Campaña