My baby ?

Finally makakapag share nadin ako ng story ko dito EDD: March 29, 2020 DOB: March 24, 2020 Name: Astraea Callix Umaga nung nakaramdam ako ng pagsakit ng tiyan akala ko nilalamig lang tiyan ko kasi napopoop ako hanggang sa nalabas ko na yung poop. Humiga ulit ako tapos hindi na tumitigil yung paghilab ng tiyan ko sasakit siya tapos biglang mawawala mga ilang segundo lang mawaawala tapos masakit nanaman ulit. sinabi ko sa husband ko na masakit yung tiyan ko and nag decide sya na pumunta na kami sa clinic kasi sakto may schedule check up din kami then hindi na nawala yung sakit ng tiyan ko hanggang dumating kami sa clinic. noong ini.e na ako 5cm na daw ako nagulat ako kasi kaya kopa naman yung sakit inaantok pa nga ako Hahaha. tapos pinapapili ako sa clinic kung mag papa painless ba ako which is doctor yung mag papaanak or yung mga midwife. pero yung may ari nung clinic sinabihan ako wag na daw ako magpadoctor sya daw magpapaanak sakin kaya ko daw yun. Then sabi ko sige po kaya ko naman. pabor talaga sakin yun kasi bawas gastusin hehe. tsaka alam ko kaya ko yun palakasan lang talaga ng loob. pagkatapos ako i i.e pinapunta na ako sa labor room then nilagyan na ako ng dextrose hindi na ako pinauwi kasi alam na nila nsa araw na yun manganganak na ako. sumasakit padin yung tiyan ko seconds yung pagitan pero ako lang ba yung naglalabor na gusto matulog? ? at opo nag labor ako natutulog ako Hahahaha. Nagising ako na para na akong napoopoop hindi ko na din mapigilan na hindi maire hanggang sa nararamdaman ko na sa private part ko na may parang lalabas then sinabi ko manganganak na ako. pag kapasok ko sa delivery room naiire na talaga ako ng bongga kaya ayun isang push kolang tada! lumabas na yung baby girl ko ? sobrang saya at mapapathankyou lord ka talaga. Habang tinatahian ako nakikipagkwentuhan na ako sa mga midwife hindi ko talga nararamdaman yung sakit kasi pinagdasal ko talaga kung masasaktan man ako ngayong araw at mahihirapan sana ayun nadin yung time na lalabas na sya at thanks god natupad nya yun. ?

My baby ?
27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yiii congrats! Sobrang excited na din ako kay baby. Buti nakakabasa ako ng mga ganitong experience. Very inspiring. Sana kayanin ko din, and walang maging complications. 💕 In God's name. 🙏

VIP Member

Parang easy delivery lang po pinagdaan nyo compared sa mga nababasa ko. Any tips po kung ano po ginagawa nyo para easy ang pag lalabor?🤗

5y ago

Actually wala akong ginawang exercise pero kahit buntis ako gumagalaw galaw ako sa bahay hihi 😊

VIP Member

congrats mamsh, due date ko na rin sa 29 sumasakit tyan ko pero nawawala naman. nagpatagtag ka ba mamsh bago ka naglabor?

5y ago

May lumabas lang sakin na parang sipon na sticky nung wednesday night pero di nmn sumasakit tyan ko..ngayon nag poopoo ako 4x na,sige ihi..

Wow..Napaka chill naman ng pagpanganak mo ☺ Sana lahat ganyan By the way congratulations 🎉❣️

Congrats mommy, ako 2cm kahapon wla nmn ako maramdaman n labor,w8tng nlng ako. March31 duedate

5y ago

Thank you mommy..

Saang hospital po kayo nanganak? By the way, congraaaats pooo!!! 🎉😁

ano ginawa mo momsh para isang irehan lang? ano po exrrcises ginawa niyo po?

5y ago

Wala po momsh, nagkikilos kilos lang ako sa bahay linis, laba hihi tsaka lagi kausapin si baby na wag ka papahirapan 😍

Congratulations momshie Ndi ka ba dinugo or pumuyok panubigan ko

5y ago

dinugo po ako nung lalabas na siya tapos kusa pong pinutok panubigan ko 😊

Congrats momsh. Ilang kg si baby?

VIP Member

Congrats po.ang galing naman❤️

5y ago

thank you po