Yellow Eyes

Normal po ba pagdilaw ng mata ng baby ko? 6days old na po sya. EDITED: UPDATE: nagpacheckup na po si Baby nung isang araw ng biyenan ko. Sabi po ng Doctor baka di kami match ng dugo ng daddy nya which is totoo naman. Tigil ko muna daw pag breastfeed kahit mga 1week magpump muna daw ako at ilagay sa freezer obserbahan muna daw namin at paarawan si Baby ng hubo't hubad ng quarter to 7am to 7:15am. Latest Update : Okay na po ngayon ang baby ko. Pinaarawan lang po namin. At may uti po si Baby siguro po dahil din sa infection kaya ganyan kagrabe.

Yellow Eyes
130 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po yan mommy kasi Hindi pa po nagfufunction mabuti ang liver ni baby. Paarawan niyo lng po palagi nka diaper lang dapat. Perfect time po ay 7am-8am. Kung Hindi po masyadong maiinit atlis 30mins.niyo po ibilad. Pero kung sobrang init nraramdaman niyo kahit 10-15mins.ok napo un bsta lagi po siyang nabibilad. Ganyan din po kasi naging case ng first born ko. Kaya ngayon sa second born ko minonitor ko talaga pagpapaaraw ayoko na maulit Yung nangyari sa firstborn ko,bukod sa nakakalungkot dahil ma aadmit c baby for phototherapy Hindi mo siya makakasama matulog e,magastos pa hahaha.. Basta paarawan niyo lang po lagi si baby..

Magbasa pa
VIP Member

My LO was diagnosed with Hyperbilirubinemia when he was just 2 days old kasi nag jaundice siya. So instead na ma-discharge kami Pareho need niya mag stay for photo therapy para daw mabawasan or mawala jaundice niya. But the photo therapy didn't work out for him. So, nagpa-discharge kami. And what I did is everyday pagsikat palang ng araw nagpapaaraw na kami, talagang Inaabangan namin Ang araw. And NEVER ko ini-stop ang pag breastfeed sa kanya and NEVER din in-advise nang pedia niya na i-stop ang pag-breastfeed sa kanya.. Paaraw lang everyday sis. And continue the unli-latch. Magiging okay si LO mo.

Magbasa pa
5y ago

Yes po and Tuloy lang po ang papaaraw as in pagsikat palang ng araw. Mawawala rin po yan.

VIP Member

Observe mo mommy pag ba pinindot mo yung skin nya maninilaw yung part na pinindot mo? Kasi yung baby ko hindi ganyan kadilaw mata nya pero madilaw naalarma agad yung pedia nya kasi di normal paninilaw nya baka ipaphototherapy sya. Kaya inadvice samin 1hr ng paarawan si baby hubad talaga naka diaper lang sya tas nakatakip yung dibdib. Thank God nabawasan naman yung paninilaw nya.

Magbasa pa

Bka may jaundice cya. Ung anak ko bgo ilabas ng ospital n trace agad kaya pina asap cya sa incubator muna... mga 5 days tpos may lab pinagawa ko di ko lng mtandaan.. kc may effect yan pag di naagapan sabi ni doc.. kung hndi maging late bloomer o kaya ikamatay dw kaya nag stay tlga kmi s ospital..ngyn 16 yrs old n cya pero un nga late ang developmnt nya...pero normal nman cya

Magbasa pa

Mamsh suggest ko sayo si fern d pede to sa baby. Natural supplement to na vitamin d. Baka skin cancer nmn abutin ni baby sira na ozone layer natin kaya d pdn nya macocomplete ang natural intake through the sun. Kahit nga tayo d ntin kayang kumpletihin kasi masakit na sa balat. Yung baby namin nagttake neto and malakas immunity nya bihira magkasaket. Try mo lng😊

Magbasa pa
5y ago

Pwede po mamsh Fei! Pede isqueeze yung softgel kay baby or ihalo sa milk pagka breast pump mo. Water soluble naman po ung softgel so matutunaw naman.

Ganyan din baby ko pero di ganyan ka yellow.. Mataas ang bilirubin (yellow substance). Pina admit sya tapos pinailawan sya. Delikado daw kasi yan pag di na flush out ung bilirubin. Pinatigil din breastmilk. Patest nio po blood ni baby (total bilirubin). May certain range po kasi na akma sa age. Pag masyado mataas, delikado. Yan po ginawa sakanya

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

Ganyan ung sa baby ko.. Pinailawan xa nung pagkalabas q sknya.. Xa nman may jaundice.. Pero 2days lng xa pinailawan ng ganyan.. Kc nging ok nman na color nya.. Then sabi lng sa hospital paarawan lng xa ng morning.. Pra tuluyan ng mawala paninilaw nya.. And niresetahan din xa ng vitamins.. Na nutrilin. Kc nakakatulong din daw un sa skin..

Magbasa pa
Post reply image

Diyos ko! 😲 Kailan pa ba naging normal ang pag didilaw ng mata ng tao??? Bata man o mantanda, pag nag didilaw yung mata.. obvious po na may karamdaman or sakit. Hindi ka ba na worried noong una mong na pansin yan? Ang dilaw sobra ng mata ng baby mo... 😧 Ipa check-up mo na yan kaagad sa Pedia. 😣

Gannyan din po yung baby ko pagkapanganak, but imbes na iconfined ulit sanabhan kmi nga pedia ko na biladin lang po sa araw yung baby nmin atleast 30 minutes everyday, after 1month po bumalik na yung normal na kulay nya and pati po ng balat, kase nagyellowish din sya

VIP Member

Mommy ung cotton po pag pupunasan si baby isang pahid lang po ng cotton na may maligamgam sa mata ni baby palabas.ok po un 1 week ko po ginagawa kay baby ko un morning ang bago maligo at matulog maligamgam sa cotton then pahid isang beses sa mata ni baby wag pabalik balik.