PPD

Is it normal na magkaPPD after giving birth? How to avoid it. ?? Feeling ko kasi ayoko na alagaan baby ko minsan. 1month old palang. Ayoko nrin sa Ama nya. Career VS Baby kasi nangyari noon, nastop ako sa work dahil tinuloy ko si baby pero nong nailabas na. Wala ako maramdaman na happiness. Parang napipilitan lng ako alagaan dahil para anak ko at ako lng din talaga hahawak dahil busy mga kasama namin sa bahay. Pero parang deep inside ayoko. Pero ayoko din naman pag may nakikialam the way ko sya alagaan. Huehue. Paano na to. ?? Pls pray for me baka need ko lng time to unwind. ? Before kc ako mabuntis, nagagawa ko lahat gusto ko. Pero now parang balakit na sakin ang pag aalaga. ?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy normal po yang nararamdaman mo... Lalo na yung feeling na ayaw mo ng magalaga pero at the same time ayaw mong may ibang makikialam. Always remember that hormones is one of the major drivers... Malamang kahit nung buntis ka nararamdaman mo na sya kahit slight lang. But always remember: 1. Bakit mo nga ba tinuloy ang pagbubuntis - being pregnant is never easy pero nalampasan mo sya 2. Malamang super pagod ka na... Lalo na kung dumaan ka sa CS... Napakabigat ng katawan mo 3. Kay katuwang ka... Nandyan si hubby mo at kasama sa bahay... Kausapin mo sila para malaman nila na you need help 4. Embrace being a mom... Being a mommy is a decision kasama na dun ang paglawala ng oras sa sarili and everything... But it has its rewards like makita mo lang yung baby mo na mag smile or kahit simple glories like tumatahan lang sya kapag hawak mo embrace it

Magbasa pa