How not to be clingy and needy?

Hindi ba talaga normal yung pagiging clingy and needy? First time mom ako and gave birth 7 mos ago and mula nong nalaman kong buntis ako until now e naging strikto na ko kay bf, nging clingy and super needy like pinagbabawalan ko syang lumabas nang hindi ako kasama, ayokong nalelate sya umuwi galing work and ayoko yung may binibili syang gamit na hindi naman namin magagamit ni baby. Kasi nandon yung insecurities ko na hindi ako nakakalabas ng bahay pag di kasama si baby kasi EBF sya, and hindi ko nagagawa mag night out and yung hindi ko nabibili gusto ko kasi walang wala talaga akong pera, and wala akong ibang nakakausap kundi bf ko lang. Thats why ayoko syang nakikisama sya sa iba kasi super nagseselos ako. Any advice on how not to be a toxic partner? And pano maging kalmado pag gustong gusto ko na mag hysterical??

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

i feel you momsh. I think PPD po yan, like me. Toxic talaga relationship namin ng bf ko, 3years kaming magjowa bago ko nabuntis. Sobrang toxic, nakakaparanoid na din minsan ung kilos nya pinipilit ko na din syang hiwalayan that time kaso ayaw nya hanggang nabuntis ako. Muntik na nga ko mag pa abort dahil diko na alam gagawin ko dahil graduating kami pareho ng bf ko. gusto ko muna makatapos. kaso nga ayaw nya ayaw din ng mother nya ipalaglag. Thanks God, diko rin tinuloy. At napakaswerte ko sa baby ko.. Si bf lang talaga problem. Ayaw nya magwork ngayon although nag aaral sya. May kaya sila sa buhay, kaya siguro ganun na lang kung umasa sya sa parents nya. Gabi gabi syang wala sa bahay nasa comshop, or kung sansan nagpupunta. Eversince nabuntis ako dahil sakanila na nga ako nakatira. Mag iinom sila mg barkada nya, sobrang sakit sakin un. Nag seself pitty ako everytime makita ko syang kasama nya barkada nya. since birth up to 4mos nag ebf ako, Sobra akong nadepressed, siguro un ung postpartum depression na sinasabi nila or PPD. SO Unfair kasi, sya gumagala sya ako hindi nasa bahay. Feeling ko asa bilangguan ako, anak ko lang nakikita ko. Sobrang naiinis ako gabi gabi din akong umiiyak. Di ako grumaduate kasama friends ko, di ako makalabas ng bahay, ako lang nag aalaga sa anak ko. Isa pa pala ayaw ni bf na alagaan si lo ko. Kung inuutusan sya nagagalit sya. So immature. so unfair talaga momsh. Balak ko na din syang hiwalayan, kaso iniisip kong maayos. Ngayong 6mos na si lo, araw araw nakakatulong ko na si bf mag alaga dahil tinatakot ko syang iuuwi ko si lo sa province at di na nya makikita. so ayun trying hard sya to do his part, his responsibilities as a father. Ngayon nag formula na si lo, nakakagala na kami. medyo nababawasan na stress ko, and thank god! My plan talaga si Lord. Ang drama ko. Nakarelate lang kasi ako sayo momsh. Mula kasi nung may nag comment sa post ko sa fb page ng mom center, nahimasmasan ako. Sabi nung kananay, maybe need lang daw ng space, since bata pa daw kami 21 ako si bf 22. Mag mamature pa daw sya, and siguro nag aadjust palang sya maging tatay, or siguro dipa sya nakaget over sa pagiging binata nya. kapag narealize na nya ung hirap ung stress ko ung responsibilities nya na dapat nyang gawin as a father. Siguro, magiging okay na din. P.S momsh. Alwaays parin kami nag tatalo, peri good thing kasi, ako na din mismo nag aadjust sa ugali nya. At ganun din sya kapag naiinis na ako. Alam nya na yung mga dapat gawin. Siguro, kailangan din natin sila intindihin muna. Ako, sabi ko sa sarili ko. Sige mag sawa ka sa pagiging binata mo. paglaki ni lo ako naman. Ganun lang momsh!

Magbasa pa

Ako ganyan din nung nabuntis kunting bagay lng prang naiirita kna tpus lagi umpisa ng away. Well ndi ksi yan ikaw lng ang mag aadjust dpat kau mag partner ndi sa lahat ng oras nmn eh ung oras nya e nsa kaibigan or inuman dpat mas more ung oras nya sainyu ni baby. At dpat pagusapan nyu din kung anu ung pwd gawin, kung wla ka makausap wag mu bsta ituon ung oras mu lng sa pgging hands on momy mag divert ka din ng mga kung anu ano pwd mung gawin like magbasa ka ng mga books, magkaroon ka ng timebpra sa sarili khit 1hour, manuod ng mga movies na nakaka less sa stress mu. Ganyan tlga halos pg first time Mom lalo na sa mga nagtatrabho dati tpus biglang naging taong bahay nlng. Kaya mas nag seek ka ng kausap at atensyon . Which is need mo i manage ung self mu, syempri lgi kau magusap ni partner, tpus enjoy lng ung pagiging mommy. 😊

Magbasa pa
VIP Member

May mga time na ganyan din ako. Pero naiisip ko na tao lang din naman ang asawa ko, kailangan nya din ng social life hehe. As long as di niya ako napapabayaan. Mataas din respeto at tiwala ako sa asawa ko na hindi siya gagawa ng hindi tama. Communication is the key lang talaga. Pag naiinsecure ako, sinasabi ko sa kanya, and nakikipag compromise ako na sana ganito, ganyan. Ganun lang. Kung tungkol naman sa mga stuff na gusto niya bilhin, mga wants lang, hindi ko din naman siya totally binabawalan, pinaguusapan ba namin kung may extra budget ba dun para sa mga wants niya. Marerealize din naman nila yun. Wag natin sakalin ang mga mister, tao din sila. Tratuhin natin sila kung pano natin gusto na tratuhin nila tayo ☺ Compromise and communicate lang talaga.

Magbasa pa

Sorry to ask ha, how young are you? Kami kasi ni hubby, bago nagkababy, nagsawa na kami sa nightlife, gala, out of town, ride, hang out with friends, etc. Kaya noong may baby na, pabor sa akin ang magstay muna sa bahay. Hindi ko hinahanap ang gala, especially ride (motorcycle rider ako) kasi tapos na kami sa stage na yun. Kaya nayakap namin ng masaya at walang insecurities ang buhay parents. 5mos na si baby pero masaya kami kahit kaming dalawa ang nagala sa mall, EBF. πŸ˜‰ Kung nahihirapan ka sa damit mo, may magagandang nursing tops and dress hanap ka lang sa fb and shopee/lazada.

Magbasa pa
6y ago

30 ako, 26 hubby ko. Ang maturity wala po talaga sa edad. I guess madadaan sya sa magandang usapan.

VIP Member

Pansin ko nagiging ganyan din aq sa Mr. Ko ngaun, πŸ˜… diko alam kung dahil ba to sa pagbubuntis ko, or naiinsecure kc feeling ko ang panget ko na, na bka may magustuhan syang iba. Kaya minsan sinasabi ng mr. Ko naaabnoy nanaman ako hahaπŸ˜… kinakalma ko nlang ngayon sarili ko, ayoko ng mapraning, bedrest pa mandin aq ngaun. Bawal mastress haha. naaawa din nman aq sa mr. Ko,kita ko nman na naghahanap pa tlg sya ng ibang mapagkakakitaan, lalo nat nagresign nko. Chillax kana lang momsh sa bahay, imbes na magpaka strict tau ng wala sa lugar eh pagsilbihan nalang natin c mister.

Magbasa pa

alam mo momsh, ganyan din si bf ko. 3years kaming mag jowa bago ako nabuntis. We're both graduating. Ang dami kong hinanakit about kay bf. Feeling ko immature lang si bf ko, kumbaga dipa sya makaget over sa pagla binata nya. bata pa kasi kami e 21 ako sya 22. kapag nakakagala kana momsh, maaliw mo na sarili mo. Ganyan din ako nung ebf ako kay lo. 4mos nag ebf ako, now formula na sya nakakagala na ako like malling kami halos araw araw. atleast nababawasan ung stress kay bf. Dami kong hinanakit kay bf momsh. Hahahha Pero kinakaya ko everyday! dapat happy lang.

Magbasa pa
TapFluencer

so far hnd ako ganyan sa partner ko kc dont want to be unfair to his side naman.instead i give him free time na mka pag enjoy with his friends.thankful den xa kc unlike to others hnd ako mahilig gumala,night out.so walang problem nasa both side kc yan kung iniintindi nyu isat isa wala sa edad yan nasa pag uunawaan at pag uusap ng maayos pra hnd maging toxic ang relationship nyu...age ko nung first baby namin is 22 c hubby ko 25. ngayon 7yrs na nag sasama ng masaya lalo na may bagong coming na baby 😊

Magbasa pa

Ganyan din ako sis. Pero sabi ng mama ko, bawasan ko daw kasi baka dyan humanap ng iba yung asawa mo sa sobrang weird at nagger mo. Kaya ngyon hanggat kaya kong tiisin kung pano ko sya aawayin tinitiis ko πŸ˜” lahat ata ng lumapit sa bf ko, pinag seselosan ko.

Think positive maniwala ka sa sarili mo at magtiwala ka din sa partner mo .. relationship is about trust and commitment di rin masyado okay yun sobra clingy hope it helps

Depende sa partner mo. Minsan para sa ibang guy, toxic ang pagiging clingy at needy e. Sa iba they dont mind naman.