Anxiety during pregnancy
Normal lang po ba mag overthink during pregnancy? Dami kong naiisip, natatakot ako what if magka-birth defect or problem during pregnancy and during delivery. Halos makikita mo pa sa social media na pregnancy journeys are about defects or miscarriages. 6th week nako, sa 8th pa ko makakapag paultrasound. Urine test at serum palang napapatest. Naka8x PT pa ko, it feels surreal pa kase. 1st worry ko now if healthy pregnancy or ectopic pregnancy 😣😥 Todo pray ako every day multiple times for normal and healthy pregnancy. Pero yung takot di pa rin nawawala. 1st pregnancy ko po. Hingi po sana ako ng tips para maovercome tong anxiety nararamdaman ko 😥😢😭
It's normal na mag isip ng ganyan pero advise talaga ng ob na wag mag overthink kasi yon ang magiging cause na magkakatotoo ang mga iniisip mo. Bawal mastress on 1st trimester. Kasi yan ang habilin na habilin ng OB ko. Ang dapat mong isipin is anong ang mga best kainin para healthy si baby, uminom ka sa tamang oras ng mga prescribed pre natal vitamins, magpacheck up, pag may kakaiba like kakaibang discharge, crampings or blood discharge ay wag magdadalawang isip na pumunta sa hospital or OB agad agad and pinakaeffective is laging magdasal. Alam mo, namiscarriage din ako on my first pregnancy at 7 weeks and now I'm pregnant again and nasa 3rd trimester na ako -- 7 months na. Pag binigay sayo ni Lord at para sayo talaga, ibibigay nya. Noon may mga ganyan thinking din ako pero malaking bagay din na may nasasabihan ng nararamdaman like si hubby na nagreremind na bawal mag isip ng kung ano ano. Now I'm okay and happy. So excited to be exact. Focus ka kay baby mo and not sa iba. Enjoy your pregnancy mii. 🤗☺️
Magbasa panung nalaman kong buntis ako, weeks din akong di makatulog. ang dami ko iniisip. pero after ilang weeks pa since nagpapacheck up na ko at regular ako umiinom ng gatas (twice a day), eventually nawala yung di ko pagkakatulog. nagigising na lang ako pag naiihi. yan dilemma natin pati yung mga nababasang nawalan ng heartbeat ang fetus/baby sa sinapupunan. kaya napabili ako ng fetal doppler e. para ma monitor din heartbeat ni baby. siguro ganun talaga pag buntis. di maiiwasan na di mag isip. pero dapat laging positibo pananaw natin. kasi pwedeng makaapekto kay baby kung lagi tayong mag isip ng negatibong bagay.. so let's attract positivity. para yung dumating satin ay positive din. importante din yung affirmation. isipin natin na kaya natin at magiging healthy si baby. atsaka lastly and foremost, hilingin natin sa Diyos. At magtiwala, manampalataya sa magagawa Niya.
Magbasa paits normal and your emotions are valid mommy. sa hormones din kasi natin mga buntis. tapos ftm ka pa. pero as much as possible, please avoid worrying kasi nakakadulot ng stress yan. enjoy the process of your pregnancy. look forward to each day your baby develops pero syempre with care. and listen to your OB. listen to your body na din. if you need rest, rest. wag mo masyado ipush sarili mo to do things lalo na dalawa na kayo. umiwas ako sa social media during the course of my first trimester kasi nasstress din ako agad. 😅. nanood lang ako ng mga light series and movies pag may free time ako. kinakausap ko din si baby. naghanap ako ng mapaglilibangan na di ako masstress. naging plantita ako. hehe. ako na umiwas sa mga nakakapagpakaba sa kin. and always pray. 😊. you can do this mommy. seek support din from your partner, family and friends. let them know how you feel.
Magbasa paAko mi 1st time mom ganyan dn ako magisip lalo n ng nasa 1st trimester ako . kaya nga maaga ko nagleave s work s sobrang takot ko lalo na dami ko pang nararamdamn nun. hanggng ngaun d pa rin maiwasan magisip tulad mo wala pa ung kabuwanan ko pero natatakot na ko pano kung mgkaproblema ako or ung baby ko. lalo na naghahanap dn ako ng hospital n medyo makakatipid ako, pero maasikaso ka kaagad ung mga semi private kc dto na hospital puro malalau smen ,kaya overthink nnmn si ako , pero lagi lang sinasabi ng papa ko saken ipagpray mo lahat ng inaalala mo, basta kumapit ka lang kay Lord di nya kau pababayaan. kaya pag naiisip ako ng di maganda dasal n lang ako iniiyak ko na lang na maging ok hanggng s lumabas si baby. Ilaban naten sa Panalangin mommy , tapos libangin mo din sarili mo pra maiwasan mo ang magisip ng magisip .
Magbasa patry to divert your mind mommy. manuod ng mga funny movies, funny clips videos. laugh together with your hubby and other persons around you. ganyan din po ako nun mga 1st tri and 2nd tri. nun 3rd tri lang ako nahimasmasan na i need to be happy with my pregnancies to protect the feelings of my baby. kakakasal ko lang pero feeling ko kasi di boto sa akin ang family kaya nagka anxiety rin ako. 4mos kami ni baby noon kasal namin. nun july. im 31 weeks today. until now magkahiwalay parin kami ng bahay. sa magulang namin kami tumitira. dadalaw na lang kapag may time. db sino di mastress. pero mas pinili ko maging happy kami ni baby. at maayos din ang lahat... hugs sa mga may pinagdadaanan. always pray to God. coz God is good all the time.
Magbasa paganyan din po ko nung una sobrang praning ko during 1st tri kase sabi nga nila maselan daw yung sem na yun, then may nababasa ako about blighted ovum etc pero as the time goes by mas lamang na yung pagiging excite ko kaysa sa takot thougg andon pa rin yung takot kase may mga nababasa ako na still birth na nangyayare pero nilalaban ko yun at nagpepray ako at regular check up lang din para mapantag loob natin🥰 may goiter pa ko nito and praying na sana tuloy tuloy na msging normal ang mga labtest ko sa goiter para walang maging aberya at all🥰 always pray lang 🥰❤️ btw I'm on my 29 weeks today at super excited ng makitansi baby girl 🥰
Magbasa pathink positive LNG Mie, keep praying, di kayo pababayaan ni God. Parang kami ni baby, never ako nag pa check up mula nung buntis ako, hanggang sa umabot ng 6 months. isang beses LNG ako nag pa check up kc pansin ko bloated na tummy ko and during that check up ko LNG din nalaman na buntis ako for 6 months, sobrang thankful ako kay God di nia kami pinabayaan lalo na si baby, naguguilty LNG ako ng di ko man LNG sya nabigyan ng pansin the last few months. ngayon buo at malaki na si baby boy ko, malakas kapit nia, sobrang kulit pa..malikot sa tyan ko during Ultrasound
Magbasa paHi mi same tau ngaun 30weeks na ko pregnant tlgng wlang kingo ata akung di kinabhn kasi 7 years nmin to inanty ni hubby .. Mi think positive lng wag ka masyado mag social media actually ung tiktok dami ko nkikita dun nag popost na about sa baby na kinakabhala ko kahit reels sa fb iniignore ko para d ko nkikita ksi kung anu anu papasok sa utak mo Magndang gwin mo ngaun mi mag palakas ka, kuamin ng masustansya nuod ka ng mga nkakatawa o movie na positive vibes lng Binigay sau ni lord yan pang hawakn mo na ❤️
Magbasa pafirst time dn poh ako miii..pero ndi tlga maiwasan na magover think tlga..,,ako laging nagppray kay Lord na ndi maapektohan c baby ko s mga iniinom ko na gamot..kc may hyperthyroidism ako,,,iwasan mo nlang poh cguro mii yung social media na negative,para mabawasan ung over thinking mo,,,mas lalo poh kc makakaapekto kay baby ang pagiisip ng nega.,just always pray and kausapin natin lagi c baby...kaya natin to mga mii GODBLESS US
Magbasa paMasyado pang maaga mommy para matakot or magworry ka. Ako nung 1st trimester ko inienjoy ko lang lahat kahit na hirap ako sa morning sickness ko. Mararamdaman mo naman once na ectopic sya sasakit puson mo at magbleeding ka mi. Wag ka mag overthink mommy instead palagi ka magpray at maging thankful para mabawasan anxiety mo. Di lahat ng babae nabibiyayaan ng sanggol. Normal lang mag overthink pero pilitin mo mi na wag maapektuhan si baby 🥰
Magbasa pa
preggy.,can't wait to see our baby