17weeks pregnant♥️
normal lang po ba laki ng tyan ko? ask ko lang ilang months bago sumipa yung baby first baby ko po kase to.
17 weeks na din ako today, first baby. mas maliit po jan yung bump ko. Payat din po kasi ako. Pero okay lang po yan. Kanya kanya po katawan ng mga babaeng buntis. Hehe
usually 20weeks and up, pero hindi sya kicks... pitik kung tawagin parang bubbles kineme sya. and yes ok naman, iba iba naman yan ng pregnancy journey e.
17weeks ko nom nakakapag pantalon pako na maong na 25", pero iba iba naman ang mga babae magbuntis merong malaki merong maliit. as long as healthy ang baby
ok lang yan mhie akin nga 17weeks maliit pa din tyan ko eh haha pero sakin 16weeks pa lang naramdaman ko na yung alon sa tyan ko which is sipa ni baby
hindi pa yan na malakas. Sakin around 21-23weeks yung malakas na talagang sipa pero sobrang liit pa din tyan ko parang bilbil lang. Hay nako mhie enjoy ur pregnancy, promise sobrang mamimiss mo
Ganyan po kalaki tyan ko nung 28weeks ako, medyo lumaki lang sya ngayong 32weeks nako. first kick ni baby naramdaman ko nung 19weeks ako. Ftm
15 weeks dama ko na. kanina lang ang lakas ng kicks niya kala ko malakas na pulso hahaa
20 weeks ako pero mas maliit pa tiyan ko sayo. Oks lang yan importante safe si bby
26 weeks ako ganyan kalaki tyan ko, iba iba din naman magbuntis ang mga babae.
15 weeks mas malaki sayo tummy ko 🤧 ang laki ko magbuntis kahit payatin
tingin ko ok nmn po mi
Excited to become a mom❤️