Pregnancy Ask lang po

Normal ba na sumasakit puson sa First trimester? 6 weeks preggy here. Wala naman pong bleeding, thanks sa sasagot ☺️

Pregnancy Ask lang poGIF
18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung walang spotting or misdischarge normal lang, yan din nararamdaman ko nung 5 weeks ako, masakit din balakang ko akala ko mag me-mens na ako yun pala buntis na ako, sabi ng OB ko nag aadjust lang daw yung uterus ko as long as tolerable yung pain and nawawala wala naman normal lang daw po 21 weeks and 2 days nako ngayon 🥰 Walang pinainom na kahit ano sakin si OB more water lang.

Magbasa pa

ganyan pakiramdam ko nung d ko pa alam na buntis ako, akala ko talaga magkakaron ako. 7 weeks ko na nalaman na buntis ako. sabi nila signs daw yan na buntis. nawala sya nung around 8-9 weeks ako. wala naman pong nireseta sakin. magtake lang daw ako ng folic at gatas.

sabi ng OB ko yung pain minsan due to muscle stretching sa uterus. since lumalaki c baby. pero di kame nagpakampante. binigyan nya pa din ako meds para di magcontract at pampakapit. bale 3 meds yun. 2 oral 1 vaginal suppository. pasabi din sa OB mo.

Hello po pano nyo po nalaman na preggy na kayo? nag stop na kasi ako mag pills ng buong march tapos nag do kami ni mister ay high chance of getting pregnant ako nakalagay sa apps ko. Buntis napo kaya ako ngayong april? next mens ko po ay sa april 6 or 7 po

1y ago

Hello po ganun din po kaya ako? nag stop po ako mag pills ng buong march . tinapos ko lang po yung isang pack buong february . then march 9 niregla na ako hindi na ulit ako uminom ng panibagong pack ng pills hanggang sa matapos ang march march 23 ovulation ko . march 25 at 26 kami nag do at sa loob po sya nag cum parehas

basta po di continous ung pain, pacheck mo na din po kay OB baka uti po yan, then nageenlarge kasi uterus natin kaya may mga cramps pero tolerable namn ung pain and agad namn nawawala

not normal. supposed to be wala raw pong mararamdman na pain sa puson suggestion ko po na magpacheck up ja baka may discharge ka na green or yellowish. magbibigay din po meds pampakapit

12mo ago

same case po sakin. need ipatest kung ano po ang cause ng discharge tsaka palang magbbgay ng treatment and meds si OB

sumakit din puson ko during first trimester parang sharp na pagguhit. my OB prescribed pampakapit para mas ma-ensure na safe si baby. ingat mamsh

Not normal po. Nung nasa 6weeks ako binigyan ako ng OB ng pampakapit and nagbedrest ako. Now I'm on my 15weeks. ☺️

not normal so need ng bed rest. wag ng kumilos . nung ako nasa stage kahit di inadvise ni OB nag bedrest talaga ko .

Yes sis normal sya kasi nag aadjust ang uterus pero kung sobrang sakit kahit walang bleeding pa check ka sa OB 🙂