Mga mii. Medyo spg po
Normal ba na pag inaaya ako ni mister ko parang lagi akong walang gana or wala sa mood ganun? Tinatamad? Ako lang ba? Pag may nababasa kasi ako, yung mga babae lagi silang nasa mood, pero bat ako pag inaya parang wala laging gana? Napagbibigyan ko naman si mister pero ok na sakin kung once or twice a week lang. Btw may 1 anak na kami ni mister at kasal din po kami.
nung nagpi pills ako wala din ako halos gana.. 😣.. almost 6 years mahigit din.. tumaba pa ako.. basta wala ako lagi sa mood.. mula nung manganak ako sa bunso ko, at naligate nag iba na ang mood ko, hindi na mainitin ulo ko at baligtad kung kailan halos nasa 30 up nako ngayon, mas naging active ako, kaya si partner nasa mood din😊✌.. ewan ko po sa ibang mommies ha, iba iba po kasi tayo.. 😊
Magbasa pasame mi. nung 3 months na baby ko tsaka lang ako inaya ni hubby nyan pero tamad na tamad ako. ket hanggang ngayon na 6 months na si baby, wala pa rin talaga akong gana. once or twice a week lang din kami pero minsan may weeks talaga na wala kasi ayoko talaga. mas gusto ko itulog na lang. pag ayoko tas nagpupumilit sya, tinitigasan ko talaga sagot ko sa kanya ng ayoko para magtigil hehe
Magbasa paSame. Even my child now is turning 4 this year, di parin ganun ka gana ang feeling ko unlike before. Siguro may mga instances, but most of the time ay wala. My husband and I are both full-time working parents so medyo nakaka-affect din sa time, priorities, and talagang part of the changes kng may anak na. What's important is that you both understand each other sa bagay na yun.
Magbasa paSame,momsh. Mula nung magkaanak ako nawalan na din ako ng gana sa sex. I think sa hormones din siguro natin yan,my. Tsaka sa dami na din ng responsibility natin. Siguro try mo magrelax din minsan tapos try mo yung mga ginagawa ng iba pag sexy time with their husband. For me healthy naman ang twice a week na sex lalo na kung maliit pa ang anak.
Magbasa paIt's almost fine huwag baka may reason naman po kasi at kung reasonable ka naman po tas wala sa lugar hindi naman pwede po iyon kasi yun po ang reason kaya mag asawa dapat pinagsisilbihan si Mister para walang misunderstanding pangangailangan po ng lalaki talaga ang importante hindi pwede mag inarte kasi baka mag hanap si Mister
Magbasa pasame po aq mamsh... iba2 po ata buntis kc my friend aq kasabay n buntis grave active nia sa sex unlike sakin ayoko kht dikitan man lng aq... hahahaha naiirita aq my time na ngiimagine aq na ng sesex kmi pero pag anjan n sya nag aaya naiirita nman aq sa knia pkiramdam ko ambaho baho nia kht kaliligo lng haha kaloka...
Magbasa paRelate ako. Wala na akong gana makipag talik sa mister ko. Kahit anong romansa sakin tuyot na tuyot ako. At ayoko talaga bukod sa pagod ako, nawalan talaga ako ng gana mula nanganak ako. Nakakabwisit pa kapag di makaintindi ng salitang ayoko. Pakiramdam ko napipilitan ako sa bagay na ayaw ko naman talaga gawin.
Magbasa paNangyayare po tlga yan kase minsan bumababa ang libido ng babae,parang sa lalaki lang din. Lalo na kung pagod ka Sis,tatamarin ka tlga. Yung iba after manganak nababawasan yung sex drinve nila kase nag-iipon pa yung katawan ng lakas or naghi-heal palang sya kaya most of the time wala sa mood.
Same... hindi na bumalik libido ko, it's been around 3yrs. Hirap din ng adjustment period para maintindihan ni hubby, madalas ang tampuhan before. Kaya ngayon, nakiusap ako na kapag weekends na lang para at least mentally prepared ako. Using lots of lubricant also helps ☺️👍
Same din kunwari nalang gusto mo rin para lang mapag bigyan si Mister at matapos na kase tinatamad ka na hindi na katulad dati yubg sex drive mo.. basta simula ng maranasan ko yung sakit ng panganganak at syempre pagod sa gawaing bahay puyat minsan.. nakakawala talaga ng gana.