laging galit

Normal po ba sa buntis na lagi naiinis kay mister . Lagi po kasi ako naiinis sa asawa ko pag nakikita ko e. Gusto ko sapakin ganun ?? pero pag wala sya namimiss ko naman normal po ba yan? 6weeks pregnant po.

31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes mommy super normal lang yan. Ako po sa panganay ko ganyan na ganyan din miss na miss ko lagi asawa ko pero kapag nakauwi na sya from work inis na inis na ko. Hahaha! Ayun sya tuloy kamuka nung panganay namin. Ngayon sa pangalawa sya na naman at ung panganay ko pinaglilihihan ko. So malaki chance kamuka na naman ng asawa ko si baby ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

Nung hindi ko pa alam na buntis ako grabe galit ko sa kanya. Yung makita ko pa lang siyang papasok ng pinto parang pinakuluan na yung dugo ko hahaha. Gigil na gigil talaga ako sa kanya, umabot sa point na gusto ko siyang batuhin ng isda na nililinisan ko ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…

Hehe normal LNG,like me plagi q inaaway asawa q nung 1 month palang aqng buntis hehe kaya nagsawa na skin kaya naghiwalay kami nung buntis aq,until now n nakapanganak n aq hnd p dn xa nagpapakita skn,,kaya normal LNG yn

parehas tayo... kaso hindi aki naiinis sa asawa ko๐Ÿ˜” lagi ko lang napapagalitan yung panganay ko sa mga maliliit na bagay๐Ÿ˜ญ pero nung first trimester lang yun... ngayon ok na ko, wala na kong topak ๐Ÿ˜…

Sabi nila napaglilihian mo daw sya pag ganon. ๐Ÿ˜† Ako rin, sila mag ama ni panganay ko napagbubuntungan ko ng galit minsan. Feeling ko tuloy magiging kamukha nanaman nila tong si bunso ๐Ÿ˜†

Soon to be daddy here. Ask ko lang pag ganyan na nagagalit sakin ang buntis kong asawa. Ano ba ang maganda gawin para atleast mapasaya ko sya during that time or habang nagbubuntis?

ako rin po e๐Ÿคฃ Simula 8weeks hanggang ngayong 26weeks lagi po akong bwisit sa asawa ko๐Ÿคฃ kaya po hindi nako magtataka na kamukha niya tong baby namin paglabas๐Ÿคฃ๐Ÿ™„

Ganyan din po ako sa bf ko diko pa alam na buntis ako lage ako naiinis sa kanya... gusto ko sya makita lage pero pag bibisitahin niya na ako ayaw ko na sya makita...haha

VIP Member

Ganyan din ako sa hubby ko nung first tri ko. Bwisit na bwisit ako pag nakikita ko sya saka lahat ng galaw nya. Pero pag wala sya namimiss ko. Hahahah

Oo normal lang, ako nga nanganak nung June until now galit pa din๐Ÿ˜‚ dami kasi nangingialam sa pag alaga ng baby ko e, na extend tuloy๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚