In-Laws
Noong una, at bago bago pa lang kaming mag bfgf ng husband ko ramdam ko na parang ayaw sakin ng in-laws ko. Lalo na ung mom and sister nya. Madalas ayaw nila na lumalabas kami. Until after 4 years nagdecide kaming magpakasal. Hanggang sa pagpaplano ng kasal marami silang kontra. Kaya karamihan sila ang nasunod sa mga needs sa kasal namin. Pero, aside dun sa mahal na simbahan at hotel nila pinadaos ung wedding namin. Sila halos sumagot ng lahat. Wala kaming gnastos kundi ung damit ng mga kapatid ko at mama ko. Pero kahit kasal na kami noon ramdam ko pa rin parang kahati ko sa oras sa asawa ko ung family nya kahit nakabukod na kami. Mayat maya pinapapunta sya dun sa knila at naiiwan ako sa amin. Madalas sya utusan lalo na kapag day off nya. And now ngaun magkakababy na kami, lalabas na sya this May, ramdam ko ung pagtanggap na talaga ng family ng husband ko. Mas excited pa sila sa amin. Halos lahat ng damit ni baby sila bumili. Pati un sister-in-law ko na halos dati parang hangin lang aq wng ituring ngaun ang bait na sakin.