Need an advice
Hello mga momsh, ask lang sana ako ng advice about sa situation ko. Halos sabay kasi kami ng sister ko mag buntis kaya lang nawalan ng heartbeat si baby nya nung 7months sya almost 2 weeks palang nakakalipas nung mawala si baby nya. Same kaming first baby nmin. Nung nalaman ko as in di ko matanggap pina ulet ko pa ultrasound nya para sure and sobrang sakit din para sakin and mas bata kasi sakin ung sister ko. Last week kasi nalaman ko ung gender ng baby ko and may simple gender reveal kaming mag asawa and pinost ko sa social media. Aside dun nakakapag my day din ako sa FB ng about sa baby ko.. pero may na fefeel akong guilt inside na baka pag nakakakita ng post ung sister ko about sa mga post ng baby ko baka sobra syang nalulungkot dahil maalala nya si baby nya. Even sa group chat nmin ng family ko di ko na nacsend progress ng baby ko baka mabasa nya. I know kung gaano kasakit sa kapatid ko ung nangyari and masakit din sakin un... Kaya lang minsan lang din tayo mag buntis mga momsh and di maiwasan maishare sa social media ung mga miles stones and ung happiness ko about sa baby. Ang saraap ikwento sa family ko kung ano na mga naiisip kong names and kung ano na mga nabili kong gamit pero hindi ko na mashare sa kanila kasi baka mabasa ng sister ko. Sobrang natrauma din ako sa nangyari kaya sobrang monitored ko ung BP, sugar pati heartbeat ni baby bumili kaagad ako ng doppler right after nag kaganun ung baby ng sis ko. Sobrang selfish ko ba sa pang share ng about s baby ko sa social media? Kailangan ko ba tlga ibawal ung sarili ko mag post ng about sa pag bubuntis and sa baby ko? Thanks in advance mga momsh.