UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

1. unang una wg mung ipapalaglag, marami ang nag aasam na magkaroon ng anak pero di binibiyayaan 2. di na uso ang martir ngayon, kahit buntis ka pa pwede kang makapaghiwalay. Hindi healthy ang pagsasama na emotionally, physically, mentally and spiritually ka inaabuso 3. sabihin mung buntis ka at sabihin mu ang sitwasyon mu, kung hindi rin matanggap ng pamilya mu eh di bumukod ka, masakit sa una pero kapag tinibayan mu ang loob mu makakaya mu 4. wag mung tambayan ang problema mu, dinadaanan lang yan 5. ang anak mu lang ang magiging karamay mu pagdating ng oras, wala man sayong maniwala ngayon, pero may isang magtitiwala sayo, ung magiging anak mu 6. wag kang matakot kung wala kang makukuhang sustento sa ama ng magiging anak mu, may trabaho ka naman, be independent

Magbasa pa
6y ago

true

Nung time na buntis ako saka dumating lahat ng problema Ko ,asawa Ko nagloko nlmn ko 3month's pregi ako kakapanganak lng nung nabuntis ng asawa ko . Nawala lahat ng opportunity Ko sa work dapat My free trip kami sa ibang bansa iyak ako ng iyak stress na stress pero my negative side inisip Ko din ang positive My reason c God Kung bakit, one more walang kasalanan c baby ,kasalanan Ko sana nag ingat ako dahil dpa pala ako handa, and baby is a blessing baka ito na ung paraan ni god para magbago asawa ko, ngaun kasal na kmi hindi pa pala huli lahat after Ko manganak pupunta na kmi ng Australia well said I'm so happy na dapat 2 lang kmi ng asawa ko na magtatravel ngaun magiging 3 na kmi . I'm on my 9months pregnancy. Pray kalang sis lahat ng nangyayari my rason.

Magbasa pa

Super Laki po ng magiging kadalasan mo pag pinalaglag mo si baby. Tanggapin mo po baby mo kasi blessing yan ni God. May mga babae naman po na kinakaya yung dinadala nila alang alang sa magiging anak nila. Kung sa family issue naman, Sure po ako na kahit may marinig ka sa kanila, Matatanggap kA nila at ang baby mo kasi Family mo sila. Sila Lang yung pinakamalalapitan mo sa ganyang klaseng problem. Walang kwenta yung lalaking kA live in mo na kung sasaktan ka lang naman, much better NGA po na iwan mo na. May iba pong nais si Lord sa life MO. Trials Lang po yan at Syempre Andon na po yung haharapin mo yung consequences ng kilos at desisyon mo. Kaya ate Godbless po. Pakatatag Lang po. Wag ka po susuko. Isipin mo na lang po baby mo at yung mga tao sa paligid MO na totoong Nagmamahal sayo.

Magbasa pa

sukoan mo ang bf mo pero wag mo sukoan ang buhay ng baby mo....wla siyang kasalanan sa mga pinag gagawa niyo ng ama nya...u better forgive urself of being on that situation and embrace urself positively....love urself first and ur baby....u can still live without ur bf....hindi pa kayo kasal atleast di maghihirap ang baby sa situation niyo kasi ganyan ang ugali ng ama niya....buhayin mo yan sis at baka pag pinalaglag mo yan even urself di mo mapatawad sarili mo. malay mo that baby would make a big impact into this world, who knows?!? just let ur baby live and let be love! u dont have the right to kill that gift of life God given to ur baby. think positively sis and pray pray pray...prayer can move mountains! GOD BLESS U AND UR BABY IM PRAYING FOR U SIS! PLS DONT ABORT THE BABY.

Magbasa pa

Momsh wag ka gumawa ng bagay na pagsisisihan mo buong buhay mo .. Alam ko mahirap pero sana bigyan mo ng time kausapin si lord para jan sa problema mo Blessing ang baby momsh , alam mubang andaming iba jan na hirap magka anak tapos ikaw na anjan na gusto mupang isuko yan hays wag na wag momsh .. kung nahihirapan ka sa sitwasyon umalis kna lang jan umuwi ka sainyo . Di porket bread winner ka sayo nalang sila aasa parati ,. Magagalit sila oo pero in time matatanggap din nila ikaw at ang baby mo At pag umalis ka jan mo makikita kung mahal ka talaga ng bf mo Magpakatatag ka para sa anak mo dahil kailangan ka nya momsh .. Please lang wag muna dagdagan yung kasalanan na ginawa ng bf mo , this time ikaw ang gumawa ng tama para sa anak mo Have faith kay lord magiging okay din lahat

Magbasa pa

Sis dont think of doing something bad sa baby mo. Ako to be honest, may bf pero hindi naman makasupport kasi he is still studying. Mag isa lang ako sa manila kaya walang clear na plan kung paano ko aalagaan baby ko. Hindi rin alam ng parents ng bf ko na buntis ako. Ayoko nang ipaalam kasi nagbantang patitigilin sya sa pag aaral. Edi mas lalong wala kaming patutunguhan. Yung mom ko naman matanda na and di nya kakayanin yung news na at the age of 20, buntis na ako. Pero push lang. May work naman ako and malaking tulong yung sss at philhealth sa tulad natin. Try mo nalang rin kumuha ng solo parent id if di naman kayo kasal and ganyan sitwasyon mo. Dont let go of your baby, blessing yan. Ako, sya nalang reason ko to keep on fighting sa buhay. Think positive lang. Makakayanan natin to.

Magbasa pa
6y ago

Di ako ganun kafamiliar kasi wala pa ako nun pero here is the link, kindly read. Makakatulong to. https://philpad.com/solo-parent-id-requirements/

Ituloy mo yan mommy, walang kasalanan ang bata, gift yn sau ni god, just pray kung talgang toxic kna sa bf mo iwanan mo,mamuhay ka ng ikaw lng my trabaho ka, magipon ka para s baby mo.. aanhin mo ang pgmmahal mo sa lalakeng ngbibigy sau ng sakit ng ulo, ilaan mo n lng ang pgmamahal n yn sa mgiging anak mo, i guarrantee na kapg nkita mo na si baby lhat ng pangit na nranasan mo mapapalitan ng saya just pray and pray.. alisin mo sa pligid mo ang mga nega at toxic na tao.. nasa sau yn kung ipgpptuloy mo p makisama kase khit ano namng ipayo nmin sau if ayaw mo siya hiwalayan wala kami magagawa ang maiaadvice q lng is wag mo idamay ang bata, blessing yan sau, salhat ng nararanasan mong pangit ngaun, si baby naman ang pinakamgandang nangyri sa buhay mo😊🙏 Kaya mo yan💪

Magbasa pa

Hello, naloko din aq sis ng isang pamilyadong tao na talaga. I'm 3 months pregnant now pero pinili q anak q keysa pgpapakaloko q sa knya. Breadwinner din aq sa family q at ng una q malaman na preggy aq cla ung cnabihan q. thankful aq dahil hindi nla aq ikinahiya sa halip cnuportahan p nla pgbubuntis q. Masasabi q na swerte sa akin ang baby ko dahil binigyan nya aq ng new job na enough na mkasupport sa aming dalawa at sa family q, aside p nyan ung new job na very much welcome kami. Alam mo instead malungkot aq sa ngyari sa akin naging masayahin p aq, saka positive lng aq mg. isip sis. Iba ang effect sa akin ng baby q. Saka d aq nkaranas na mgsuka o mghina during my pregnancy alam mo ung parang may isip din c baby q at tinulungan na aq. Kaya alam q kaya mo din yan sis.

Magbasa pa

Walang kasalanan si baby sis, at hindi din masosolusyunan ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Your family will accept you no matter what happens, pamilya mo yan eh. Sa simula siguro magagalit sila but once na lumabas si baby i don't think matitiis nilang hindi alagaan baby mo. Yung bf mo, much better sigurong mag isip ka kung anong maganda mong gawin, but here is the catch, nagawa ka na nyang lokohin nung una, hindi malabong lokohin ka nya ulit sa susunod. A man who truly loves his girl will never do such thing, he will never try nor do things that will hurt you. Mahirap sitwasyon mo kasi pareho kayong buntis nung isa pang girl, but killing the baby IS A CRIME. Walang kasalanan si baby so let the baby live. A baby is always a blessing. God bless you sis and be brave!

Magbasa pa

Wag mo po palaglag.. Madaming Mommies ang gusto ng baby :( gusto din mabuntis pero di pinagkakalooban.. may mga cases din naman po na menor de edad pa lang buntis na at yung iba nakatira lang sa kalsada pero binubuhay Baby nila... kung di mo po talaga kayang sustentuhan pwede nyo po ipaampon.. Pero promise once lumabas baby mo sya pala ang magpapakulay ng buhay mo.. Stress reliever mo. Isipin mo na lang gano tayo ka Amazing na kaya natin bumuo ng maliit na tao sa katawan natin, once nag start na sumipa Baby mo grabeng saya mararamdaman mo 😊 Pray lang. Kahit na feeling mo tinalikuran ka na ng mundo remember mas nauuna si Lord sa journey mo at nasasaktan ka man ngayon magiging masaya ka din sa future mo.. Andito lang kami Kapwa Mommies para sayo we will pray for you

Magbasa pa