UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag mong ipalaglag ang baby mo sis,hnd yan ang solusyon sa lahat ng problema mo,bagkus gawin mong inspirasyon ang baby mo pra lumaban sa buhay..gawin mo syang lakas mo.sya lang ang magiging kakampi mo sa buhay.alam naming mga momshies na kaya mong harapin yan,manalig ka lang sa dyos.manalangin ka palagi sa kanya.magfocus ka sa baby mo.wlang ksalanan ang baby mo sa mga nangyayari sau ngaun.Gaya ng sabi nla,maraming naghahangad na magkaron ng anak at isa tao sa mga maswerte dhil mayron taung kakayanan na mabuntis.binigay sau ni Lord ang ganyang pagsubok dhil alam nyang kaya mong malagpasan yan.sna mapabago namin ang isip at puso mo.isipin mo na lang kung nagsasalita lng ang baby mo sa tyan,sasabhn nya sau na..mama wag mo qong alisin dto ayoko umalis sa tabi mo.gsto kitang makita at makasama,kaya natin toh..lumaban ka para saken.☹️

Magbasa pa

Wag mong ipalaglag ang baby. Tama naman ang cnb nila na kasalanan ang gagawin at walang kinalaman ang bata sa kasalanan sau ng bf mo. Mahirap nga ang sitwasyon mo pero dapat mo pa ring piliin kung ano ang tama. Magiging mommy ka na. Dapat mahalin mo ng lubos ang bata sa tyan mo. May nabasa ako na lahat ng nararamdaman nating mga buntis ay nararamdaman dn ng magiging anak natin. Ikaw na nga ang nagsabi,ayaw ng pamilya ng bf mo sa anak mo,at masakit na salita dn ang naririnig mo sa pamilya mo. Ikaw na lng ang mayroon ang anak mo. Pati ba naman ikaw aayawan din xa?tandaan mo,dugo at laman mo ang batang yan. Isa xang biyaya na dapat mong ipagpasalamat. Ipagdasal mo sa Diyos na higit kang maging matatag para sa baby mo at sa iyo. Kung sa tingin mo na walang umaalalay sau,dun ka nagkakamali. Dahil anjan ang Diyos para tulungan ka.

Magbasa pa

hindi ka totoong mahal ng bf mo..or hindi ka sapat para sakanya. kaya ka binigyan ni God ng baby dahil yan ang totoong magmamahal sayo.. kya kahit anong mangyari kahit gaano kahirap ipag laban mo ang baby mo.. kung ung tatay nya na ilang beses kang niloloko ipinag laban mo bakit hindi mo ngaun gawin yan sa baby mo..wag mo isipin ung sasabihin ng iba.. pag labas ng baby mo dun mo pag ccchan kung bakit naisipan mo syang ipa laglag..mawala na sau ang lahat wag lang ang baby mo..pag nahihirapan ka mag pray kalang at iiyak molang sakanya ang lahat..gagaan din ang pkairamdam mo. unti unti matatanggap modin ang lahat. hanggang s darating un time ma realize mo sa sarili mona baby molang pala sapat na para ipag patuloy mo ang buhay, buhay ninyong mag ina..dahil napaka swerte mo at biniyayaan ka ni God ng baby😊

Magbasa pa

Please continue your pregnancy. Ang isang kasalanan ay hindi matutuwid ng isa pang kasalanan.Ask God to forgive you,He will embrace you without condemnation. Ganyan man ang nangyari sainyo ng bf mo, you are still blessed kasi biniyayaan ka ni God ng baby na panalangin ng bawat babae. Know also that, hindi ka Niya pababayaan. Always pray and ask strength from Him sure po He will never fail you, guaranteed po yan. Ibigay mo nalang po ang full love mo kay baby mo.Iwan mo nalang po si bf mo,you don't deserve him!.Pag usapan niyo nalang paano magiging set-up niyo sa pag suporta niya sa bata. About your family,ask forgiveness din po for sure they will understand you..sa umpisa magagalit sila,pero later on matatanggap at maintindihan ka kanila,lalo kapag nakita nila si baby. God bless sayo sis.Kaya mo yan with the help of the Lord.

Magbasa pa

Hello.po, wag mo.po.ituloy yang plan mo.. Kasi iniisip.mo plang pinaplan mo.palng mawala c baby, nagkakasala kana po, sori po hah pero iniisip mo.lang po yong self.mo.kung pano ka.makakawala s problema na pinapag daanan mo,,.naniniwala.po ako na lahat ng maling gawain natin ay may ka.akibat na.kaparusahan. wag po si baby ang parusahan mo, hayaan mong si bf ang magdusa. Kung talaga po na ayaw nyo ng mkisama sa bf nyo iwanan m nlng po pero right mo parin huminge ng sustento pra s baby, kung bread winner k naman po, 4 sure po maiintindihan ka ng family mo don sa part na yon.. Isipin mo po lahat lumilipas, nakkabangon sa khit anong pagkakadapa, lumalakas mula sa pagiging mahina... Kung feeling mo po lahat ng tao ay tinalikuran ka,laban lng po. Pray lang po at si baby po ang magiging biggest blessing na darating sabuhay nyo...

Magbasa pa
VIP Member

If I were you, kahit gaano pa eto kasakit.. I would still choose my baby. Kung totoong nagsisisi na bf mo, he would let you go and heal in time. Kasi hindi biro pinagdadaanan mo ngayon, aside sa pandemic na'to.. Stress should be avoided by pregnant women.. May effect un sa growth ni baby.. Stay with people whom you know na will help uplift you mentally and emotionally. Always remember na may mas matindi pa po sa pinagdadaanan mo, and you were just given something na for sure God knows you can handle. Please let the baby lives. She/He deserves to receive your love. Promise, hindi ka magsisi kapag lumabas na si baby. Baka tawanan mo na lang yung ngyayari sayo ngayon.. And mas masaya na may nilulook forward ka to be with, hindi man ung lalakeng minahal mo pero ung baby/anak mo na mamahalin ka. Stay strong momsh. Kaya mo po yan.

Magbasa pa

Hindi naman kasalanan ng ipinagbubuntis mo ginawa nyo ng bf mo,... Nasa sayo yan kung mas uunahin mo ang sarili mo kesa sa anak mo,.dugot laman mo yan,.hindi mo ikamamatay kung mabuhay ka na wala ung bf mo, madaming single mom ang matapang na hinarap ang lahat kasama ang anak nila,.. Bf mo plng sya at niloko ka nya, wala syang kwentang lalaki kc kahit may kayo pa, my kalandian din syang iba. Pero ung bata sa loob ng tiyan mo, habang buhay mong pagsisisihan yan kung mas pipiliin mo ang mali kesa sa alam mong tama,.. Choice mo yan, sabi mo nga nasa tamang edad kana, alam mo na rin ang tama sa mali, kaya sa huli decision mo parin yan. Kasalanan sa Diyos pakikisama sa taong hindi mo asawa, tapos nabuntis ka na hindi kayo kasal, ngaun magdadalawang isip ka sa tama at mali, panibagong kasalanan na hindi mo ginawa ang tama...

Magbasa pa

Sana hindi mo ibaling sa bata yung galit at sakit na nararamdaman mo sa tatay nya. Hindi kayo kasal kaya madali kang makakakawala sa kanya. Kung 2nd time na nya or 3rd time na nyang mag-cheat sayo, hiwalayan mo na. Walang lunas yang pagiging manloloko. Pero yang batang nasa loob ng tyan mo, yan yung bubuo sa puso mo na winasak ng bf mo. Kasalanang mortal yang iniisip mo na ipalaglag ang anak mo. Saka isipin mo po, ikaw binigyan ka ng ganyang blessing. Ang dami-daming babae na hirap na hirap magkaanak, hindi mabiyayaan, pero ikaw binigyan ni Lord. Ikaw na rin nagsabe na 27 ka na, nasa edad ka na. Di mo kailangan ng lalaki para palakihin anak mo. Kailangan mo lang mahalin sya nang buong-buo. Dahil yung batang yan, yan ang magmamahal sayo nang walang humpay. Hindi ka iiwan nyan. Yan ang magbibigay sayo ng kaligayahan.

Magbasa pa

my pgkakaprehas po tyo ng sitwasyon.. advice lng po.. hwalayan mo nlng yung guy. then kausapin mo po nanay mo. Maiintindhan k non. Same tau kc dko agad cnabi sa mama ko kc breadwinner dn ako, ntatakot aq sa reaction nya.. pro nung inexplain ko sknya yung side ko pnagalitan prin aq. haha pro d nmn nagtagal nahimashasan dn sya at sya n mismo nagsabi na nanjan n yan bat d mo l ituloy.. cnabi ko kc sknya na umiinom aq ng pampa mens.. pnagalitan nya ko im 26 n dn kc kya bka dw mhrapan ako ulit mgkaanak o bka hnd na kung aalisin ko c baby.. im glad hnd humina kpit ng baby ko. nung umuwi ako smin nag resign aq sa work ko, no communication sa ex ko pro suportado prin aq ng family ko.. kya sis wg ka panghinaan ng loob. mrami pa jang mas worst ang case kesa sau pro knakaya nila.. my plan c Papa G sau pray klng lagi. 😊

Magbasa pa

kahit ano pa po ang dahilan nyo kahit napaka bigat ng problema nyo. mali parin na isipin mo ipalaglag ang baby na nasa tyan mo. walang alam at kinalaman ang bata sa kagaguhan ng tatay nya at sa problema mo. bigyan mo ng chance yung baby mo na makita nya ang mundo at mahalin. wag mo po isipin ang tatay ng anak mo di dapat pinagtitiisan ung ganyan. isipin mo nalang ung mga mas worst pa sa sitwasyon mo like mga narape at nabuntis. tinanggap nila ng buo yung pinagbubuntis nila kahit na alam nilang buong buhay nilang maaalala ung nangyare sakanila. magsikap ka nalang ng maiigi para sa bata. nakakaya nga ng mga single parents eh. ikaw pa kaya wag ka panghinaan ng loob. pagsubok lang yan. harapin mo lahat ng pagsubok sa buhay mo ng kasama mo ang baby mo. dahil sya ang siguradong magbibigay sayo ng lakas para harapin yon.

Magbasa pa