UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

One day at a time. Everything will be okay soon. Di mo mn maintindihan lahat ng nangyayari sa ngayon at punong puno ka ng galit na minsan hindi mo na maakong mahalin yung life na dinadala mo. Its frustrating and so stressful but before you decide, take a break and clear your mind...do you want to have this baby or not? Will you take care and love this angel unconditionally despite of all the bad and good things that itll brought you? Its either you'll see this baby as a burden or as a gift. You are clouded with emotions din naman kasi but think of it, God gave you miracle for some and a blessing. Choose wisely and find a person you can vent your feelings to. Your family will support you if they really are family. 😊 but dont settle for a relationship who's going to give you more stress than happiness. β™₯️

Magbasa pa

Please wag mo ipalaglag yung baby :( Di yan kahihiyan, blessing yan. Oo naiintindihan kita na natatakot ka, di mo kaya. Pero pag andyan na siya, Masasabi mong siya yung pinakamagandang binigay sayo ng diyos. Maraming babae dyan na gustong magkababy pero di nabibiyayaan, pero ikaw na meron na ipapalaglag mo? Muntik ko narin gawin yan, kasi masyado pa akong bata noong time na yun. 18 lang ako nun at sabi ko talaga mapapatay ako ni Mama kasi Only Child ako. Ang pagkakaiba lang natin, Responsable yung daddy ng baby ko at gusto niya talaga yun. Ako lang may ayaw. Naawa ako sa daddy ng baby ko kasi sobrang saya niya nung nalaman niyang buntis ako. At ayun, he's turning 5 years old this coming august and I'm 7 or 8 weeks pregnant now. Cheer up! Maging matapang ka sa magiging baby mo. Worth lahat sinasabi ko sayo :)

Magbasa pa
VIP Member

Habang binabasa ko to, ramdam ko yung pain mo ngayon. Naiisip mo yung mga bagay na di mo dapat isipin, magpakamatay or magpalaglag, dahil sa kagagawan at kasalanan ng taong minahal mo. Pero kung ako ang tatanungin, wag mong ituloy yung pagpapalaglag mo, magpakatatag ka. Tamang iniwan mo yung lalaking nanloko sayo, sa inyong mag ina. Lalaki syang walang ama, pero sure naman na may magmamahal padin sa baby mo, ikaw yun sis. Iwan mo lahat lahat ng mga nagbigay sayo ng kasakitan, yung partner mo, yung kabit nya, at yung pamilya nung partner mo. Humingi ka nalang ng sustento para sa bata. Humingi ka den ng lakas sa parents mo, sigurado akong tutuulungan ka nila na palakihin ang anak mo. Magpakatatag ka, wag ka mawalan ng pag asa. Pagsubok yan sayo, pero yung pag subok nayan isang napakalaking blessing ni Lord.

Magbasa pa
VIP Member

Ikaw nga nasa tamang edad na, ako pa kaya na 18yrs old nabuntis na agad. Hahaha hindi mo maiiwasan sis na may marinig kang hindi maganda sa ibang tao, mga judgemental sila eh. What you need to do is to continue po kung ano ngaun, tsaka much better na iwan mo nlang yung tatay ng anak mo kase ang ganyang relationship hindi healthy para kay baby. Ano nman kung lumaki syang walang tatay, di ba? ako ung anak ko, iniwan din kami but still strong padin kase hindi na sarili mo pinag uusapan dito ung future mo na. Tsaka blessing yang anak mo. Once na pinagpatuloy mo yan sis, magfocus ka sa knya malilibang ka pa tsaka mawawala din yang sakit na nararamdaman mo dahil sa panloloko ng bf mo sayo. Isipin mo anak mo. Ang pagpapalaglag ay sign ng immaturity. May isip kna. Kaya mo yan. Nagawa nga namin ikaw pa kaya. Fighting!

Magbasa pa

Wag nyo po ipalaglag yan ate. Pagsisisihan nyo po yan buong buhay nyo. Naranasan ko po yan noon nabuntis ako pero gusto ng mama ko ipalaglag muna. At dahil sobrang gulo ng isip ko noon tsaka mama ko nmn sya sinunod ko sya. Pero after nun doon ako nagsisi ng sobra. Umiiyak ako sa gabi ng hindi ko namamalayan. Pati sa panaginip ko nandun baby ko. Tapos after 3 years nagkaroon ako ng PCOS akala ko hindi nako magkaka anak dahil sa ginawa ko noon. Pero salamat parin sa Diyos at binigyan nya ako ng pagkakataong mabigyan ng gantong blessing. Kahit magalit pa ang mama ko sa akin hindi ko na sinunod ang gusto nya. Hayaan nyo po yang boyfriend nyo. Walang kasalanan ang bata kaya wag nyo po syang idamay. Kawawa po yung baby kasi sa ngayon ikaw lang ang kakampi nya tapos mag iisip ka po ng ganyan. Isipin nyo po ang bata.

Magbasa pa

ang dapat lng po mgpa abort e yung kelangan tlgng mgpa abort kunwari risky yung pgbubuntis gnun pero sa case mo po nasa tamang edad kna. E ano kung single mom ka at least binuhay mo anak mo sa tingin mo ba magiging masaya ka kung ipapalaglag mo xa? oo masusustentuhan mo pamilya mo, walang kahihiyan pero andun yung guilt na dadalhin mo habambuhay na ikaw mismo pinagkait mo sa magiging anak mo na mabuhay xa. Yang galit ng parwnts mo lilipas din yan, yang tsiamis hayaan mo cla di nila ikakayaman yan. Ikaw ang mgdedesiayon para sa sarili mo hndi dpt nakadepende yung desisyon mo sa sasabihin ng ibang tao kc buhay mo yan e. Magdasal ka lng palage at wag n wag mo ng babalikan yung iresponsable mong bf. Wag k dn mgpapakamatay, andaming masasayang bagay dto sa mundo dapat masilayan din ng baby mo yun. God bless po

Magbasa pa

Una sa lahat, kasalanan ang pagkitil sa buhay, sabihin man ng iba na dugo pa lang iyan, buhay pa rin iyan. Napakaramig tao anv naghahangad na magkaron ng anak, kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon na maging mabuting magulang ka. Pangalawa, hindi ikaw ang unang single parent sa mundo, at huli, kung ganyan ang lalaki, base sa pag describe mo, he's not worth the pain, the trouble and your life. Be strong dahil kailangan ka nyang maliit na tao sa loob mo. Tanggapin mo lahat dahil kasama iyan sa desisyon mong makisama sa kanya, alam mong maari kang magbuntis at dahil alam mong nagawa na nyang lokohin ka, maari nyang ulitin iyon. Sinabi mo naman na nasa tamang edad ka na para magkaanak at may trabaho ka naman. Iyon ngang nagbubuntis na kebabata, nagsusurvive at nagiging mabuting magulang, ikaw pa kaya. πŸ˜‰

Magbasa pa

Pag patuloy mo yan sis, :) katulad mo din ako. Mas mahirap pa nga ngayon e di ko alam kung pano ko sasabihin sa parents ko na niloloko ako ng bf ko, pag nagtatanong sila kung asan bf ko di ko masabi kasi alam ko niloloko nya ko, actually teen age pregnancy ako, Im only 17 but I chose my baby sa sasabihin ng iba. Aminin mo na sa pamilya mo sis kasi sila lang din ang makaktulong sayo. Ngayon 7mons na ko 2mons to go manganganak na ko. Sa una lang yan sis pero matatanggap mo din yan, kasi napagdaanan ko na din yan, masarap sa feeling na may baby ka sa loob ng tyan mo sarap sa feeling kapag nararamdaman mong healthy and active si baby. Pag patuloy mo yan sis, isipin mo ung mahihirap na single mom, nakaya nila diba nabuhay nila ung baby nila kaya, kaya mo yan sis. Pray lang kay Lord gagaan ang loob mo promise.

Magbasa pa

Yahh. Definitely sobrang sakit ng ginawa ng bf mo sayo pagsabayin ba nmn dalwang babae tapos buntis pa. Ndie ko man nararanasan mga sakit na nararamdaman mo ngyon but sa tingin ko ndie tama yung ipalaglag mo si baby dahil sa mga kalokohan ni bf mo at dahil d karin tanggap ng side niya. Nanjan pa family mo oo galit sila sayo ngyon pero sa una lang yan kasi by the end of the day na humupa na yung galit nila at makita nila ang baby ndie galit ang mabubuo kundi pagmamahal at supporta lalo na kng alam nila pinagdadaana mo tandaan natin palagi na walang magulang na kayang tiisin ang anak. Sobrang down lang po kayo ngayon but soon pag naka recover kana lahat ng yan bali wala nalng po sayo. Blessing po yan madaming gusto mag ka baby pero di binibiyayaan kaya sana po wag niyo palalaglag si baby. πŸ˜”Be Possitive lang po

Magbasa pa
6y ago

I agree with u po

No matter how hard your situation is, pLease lang, continue your pregnancy. Walang kasalanan ang bibi mo. Ginusto mo yan kea panindigan mo, kayanin mo. Alam mo ba maraming babae jan na ndi magkaanak pero gustong gusto nila tapos ikaw nanjan na gusto mo pang mawala? That will be murdering your own child and you know what? That's the worst sin you could ever do in your lifetime. You need to stand up for yourself, sinabi mo nman na may maayos kang trabaho dv and you are at the right age? Wag ka ng dumepende sa bf mong cheater, He's not worth it. Wag ka matakot sa sasabihin ng iba, sa family mo kung mahal ka nila iintindihin nila sitwasyon mo at dapat mas suportahan ka nila, if they won't then they're not worth it either. Stand up for yourself and for your baby and God will bless you. Goodluck girl.

Magbasa pa