UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Blessing ang baby sa atin sis, yung iba gustong gusto magka baby pero hindi sila binibigyan. Ikaw binigyan ka pero gusto mo ipalaglag. Kung hindi mo na kayang makisama dun sa lalaki then go, wag mo masyado istressin sarili mo. Mahirap talaga yan sa una pero paglabas ng baby mo marerealize mo worth it lahat ng sacrifices mo. Wag mo isipin ang sasabihin ng iba, jan ka mag focus sa baby mo. Tsaka yung ganyang ugali ng lalaki, lalala pa yan pag tinolerate, iisipin nyan papatawarin mo lang ulit sya kahit gumawa sya ng gumawa ng kasalanan kasi ayaw mong mawalan ng daddy yung baby mo. Mas better na lumaki sya na hindi nya kasama yung daddy nya kung iresponsable naman, mas lalo ka lang din mahihirapan, ipakilala mo nalang sya. At kung talagang mahal nya anak nya magsusustento yan kahit anong hirap. Gagawa yan ng paraan para makita at makasama anak nya. Wag mong idamay si baby sis. Mommy kana, kaya si baby na ang priority mo.

Magbasa pa

Since 3mos ka na at may trabaho, ngayon pa lang magpasa ka na ng original copy ng result ng TVS ultrasound (w/picture) sa SSS may makukuha ka dun na 70k-100k Maternity Benefit... wag ka na umasa sa pamilya ng lalaki at kung negative din reaksyon sa side ng parents mo... mag ipon ka na lang para sa baby mo, nakakatakot isipin mag-isa ang responsibility ngayon lalo na't sensitive tayong mga buntis pero kapag nag pray ka mapapanatag kalooban mo. ako nga terminated pa sa trabaho pero push pa rin sa paghulog sa sss at philhealth para may makuha kami ni baby... tsaka sulitin mo yung priority lane kapag buntis laging fast transaction, minsan ibang tao pa aalalay sayo and eventually, kapag tumagal-tagal yang pagbubuntis mo... matatanggap yan ng family mo, parang sakin nahirapan din ako magsabi sa parents ko at sa sitwasyon ng lovelife ko. pero okay na rin yung pakiramdam ko ngayon, naeexcite na nga ko manganak eh.

Magbasa pa

Kalimutan mo masasakit na nagawa ng partner mo ang isipin mo ang baby mo ang pinaka mgandang nangyari habang kayo pa. Makakalimutan mo ang sakit na binigay nya someday pero ang pagpatay sa anak mo panghabangbuhay mong pagsisisihan. Wag mong isipin ang sasabhin ng family mo minsan gnyan lng talaga sila pagsasalitaan k ng masakit pero sila p rin ang unang tatanggap at uunawa sayo.wag mong isiping di mo kya dahil kapag nanay k na pati buhay mo kayang kya mo ng isakripisyo pra sa anak mo. Isa pa wag mong kaawaan ang sarili mo kasi maswerte ka pa din biniyayaan ka Nya ng magandang regalo yung makakasama mo habang buhay hindi katulad ng mga partner natin di tayo sure kung hanggang kelan nila tayo o natin sila mamahalin, ang anak sila ang forever natin. Sis kaya mo yan isipin mo na lang meron pang ibang tao na mas malala ang problema kesa sayo. Laban lang para sa inyong dalawang mag ina. Gabayan ka sana ng Panginoon.

Magbasa pa
TapFluencer

I'm sorry to hear on what you're going thru. Pero my awa po si God. Hindi nya ibibigay sayo un baby ng walang purpose. First of all. Walang kasalanan un baby. Sabi mo nga my maayos ka nmn na work po. Why not have that baby serve as your purpose to move on and decide on what you both deserve. Hindi mo dapt I rely sa Kung pano ka tratuhin ng family ng bf mo or ng kanino man. Buhay na po yung pnguusapan dito. I don't think the baby or anyone deserve to be aborted. Having the thought of it makes my heart broken. Come to think of it. Hindi nyo po kelangan makihati sa babae ng bf mo. Kung kaya nyo nmn po, need nyo lng po sustainable na group support to move on. Sana po I tuloy nyo po yan. God gave you to get pregnant so that someone will love you ng walang kailangang rules or anything. Think of it po. Pray. God will provide. Godbless your heart po. Sana po mabago po un decision nyo. Prayers for you and your baby.

Magbasa pa

Sis .. alam ko mhirap. As in .. pero para sa baby mo sis ituloy mo lang ang paglaban sa mga hamon ng buhay. Sguro nga mdmi kang tnong s isipo ngaun, magulo .. nakakalito.. nakakatakot.. pero isa lang ang sigurado sis, BLESSING ang baby na yan. Sya ang mggng kapalit ng lahat ng sakit. Balang araw sis marerealize mo yan. Wag mong gawin ang isang kasalanan dahil sa mga hndi mgndang ngyyri s paligid mo. Mdmi dyan hndi mgkbaby, mdmi jan nkkpglaban ang mga bby pra mbuhay. Isa ka sa mapalad na bnbgyan ngaun ni Lord ng blessing kaya tanggapin mo stmya nang buong puso, nang buong tapang, kaya mo yan.. Kaya mo yan sis. Nalulungkot ako para sayo pero naniniwala ako, walang bnbgay si Lord na problema satin na di ntn kayang lampasan. Pray ka lang sis. Ituloy mo yan.. ms mahalin mo ang sarili mo ngaun ksi may bnbgay sau si Lord n ms mgndang dhilan pra mgng matatag sa mga hamon ng buhay, un ung baby mo kaya laban lng :)

Magbasa pa

i know madali lang mag advice base on my experiences madali lang magsalita na kaya mo yan sis lalaki lang yan etc... yah! madali lang talaga sabhin lalo na kung d nmn nila alam talaga ung 22ong pakiramdam at sitwasyon... u know sis, mahirap ung sitwasyon na magisa ka lang umaako sa responsibility pero try to think of it nalang... ung iba hirap magkaanak kahit gusto2ng gusto na.. babies r blessings from god. d nya ibibigay sau ang isang publma kung d mo kya god wants u 2 b more braver and stronger dis tym. he is just preparing u sa mga battles na darating pa sa bahay mo.. alam mo wen d tym cums na malagpasan mo yan masa2bi mo nalang sa sarili mo na ayy nalagpasan ko nkayanan ko pala.. at 1st mahirap... pero in d end anything will b alright.. u dont nid 2 b a perfect mother 2 ur child... bsta bgay mo ung kaya mo lang.. maiintindhan nmn ng bata yan pag ngkaisip na.. bsta wag mo ilalaglag.. tuloy mo lang..

Magbasa pa

Ang masasabi ko lang,wag mo idamay Ang sanggol sa kasalanan ng tatay niya. Walang kinalaman Ang magiging anak mo sa nangyayari sayo ngayon,Hindi rin siya pwedeng mamili Kung sino Ang magiging magulang niya. Pero Kung mkakapili man siya sigurado Hindi niya kayo pipiliin. Sorry ha,bkit b kasi kailangan madamay sa problemang pinasok niyo Ang mga sanggol na walang muwang?? Hindi kaba naaawa at huhusgahan mo Ang buhay niya?? Hindi mo binigyan ng chance na Makita Ang Mundo?? Payo ko lang sayo,kahit Anu pa kasalanan ng anak sa magulang, sigurado hinding Hindi ka nila matitiis lalu na pag nakita nila Ang baby mo. wag mo isipin na nag iisa ka,merong Diyos na laging gagabay sayo at sa magiging anak mo. Wag mo isentro Ang buhay mo sa lalaking Yun. Hindi niya kayo deserve mag Ina. Kaya buhayin mo Ang baby mo at gawin mo siyang inspirasyon. Siya lang Ang tamang nangyari sa buhay mo ngayon wag mo siya hayaang mawala.

Magbasa pa

wag mo ipalaglag yang baby that's a wonderful blessing from God😇wala syang kasalanan sa mga nangyayare.. pray and pray and pray lng sis.. wag mo iparanas sa baby na inaayawan sya ng lahat ng taong nakapaligid dapat ikaw na nanay yung magparamdam sa baby na napakahalaga nya...na deserve ng baby na mabuhay.. buhay na ang bata jan sa sinapupunan mo sis maawa ka nman.. dugo at laman mo yan.. regards nman sa family mo.. sa una talaga magagalit sila naranasan ko rin yun😔but habang tumatagal unti unti nilang natatanggap ang nangyare.. ang family ay family.. nagtutulungan at nagmamahalan.. walang pamilyang makatitiis sayo.. ilapit mo kay God ang baby mo... ipagpray mo sya lagi sa knya😇🙏ikaw ang kailangan ng baby mo.. sana gawin mo ang tama wag ka matakot harapin ang mga pagsubok... hindi ibibigay ng Diyos ang pagsubok na yan kung alam nyang hindi mo kayang harapin😇🙏🙏godbless

Magbasa pa

Love your baby and love yourself Having a baby is a precious gift from above, isipin mo dugo at laman mo yan Sis, walang kasalanan ang bata, Kung ayaw muna sa lalaki dahil nga sa situation mo, ikaw na yung lumayo Sis, iwasan mong ma stress ka, kasi sa ganyang situation nakaka stress lang, maapektuhan ang baby niyan, kaya advice ko sayo ikaw na yung lumayo sa live in partner mo, kaya mo yan malalampasan mo din yan,, alam mo masarap makita yung sarili mong anak, pag makita muna baby mo luluwag yung kalooban mo, at ang sarap sa pakiramdam basta mahalin mo lang yung anak mo,, sabi mo ikaw yung breadwinner sa family niyo, cguro namn pag malaman nila na buntis ka,matatanggap ka nila,, ngayon buntis kana si baby muna isipin mo, kasi dugo at laman mo yan, cguro naman at ur age di mo na kailangan lahat ng pangangailangan ng pamilya mo ay ibigay mo dahil ngayon baby kana, isang anghel from above.

Magbasa pa

Hi, im sorry of what you're experiencing right now. For me, abortion is illegal. No doctor would recommend that unless it is proved that your baby needs to be aborted due to medical concern. If you take or drink something for abortion without consent may lead you to other health problems or may risk your life too. This will also cause you mental health problems in the long run. For me, in Pregnancy, you have to have other support system if your partner is unavailable. Like go to your parents to guide you, or a best friend that will listen and support you. Dear soon to be mom, prioritize yourself and your baby. It is clear that your live in partner and in laws don't care about you. Can you imagine yourself living with them for the rest of your life? Don't be a martyr, you have a job right? At least through that way, i can assure that you can secure your baby. BE A STRONG INDEPENDENT WOMAN :)

Magbasa pa