UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Haist... wag ganon.. wag idamay ang bata... soh bby ang future mo.. wala kaman swerte sa lalaking yan.. sa bby meron.. kala mo ba apg gnawa mo yan hindi ka ma kkonxnxa? walang araw at gabi na di ka mag sisisi... ayaan mo sya.. he doesnt deserve you and your bby.. isipin mo to, kUKng ikaw nga naloko nya.. how much more pa Yng babae nya? sooner or later... mararanasan din ng babaeng yan na lokohin ng lalaking yan.. kaya donT ever dare to do dat.. ano ngaun kinng ayaw nila sa bby.. leche sila.. wala sa kanela ang kaldero... hindi ka magugutom kong wala sila.. ayaan mo silang lahat .. dapat nga, or it should be YOU AND THE BABY AGAINST THE WORLD DRAMA MO JAN.. Ano ngaun kung single mom ka? edi single.. yaan mo sila. applYb ka sng single/ solo parent id sa dswd.. may benefits yan.. plus mwawalan ka ng konxame sa buhay.. wala kang lalaking pakikisamahan, wala kang nlaws na pakikisamahan...

Magbasa pa
Post reply image

Hi mamshie! Alam mo, may dahilan kung bakit mo pinagdadaanan yan ngayon. Binigay sa’yo yang challenge na yan kasi alam ni Lord na kakayanin mo yan malagpasan. Alam mo mamshie, walang kasalanan ang bata. At isa pa, malaking kasalanan din kung ipapalaglag mo siya. Isipin mo, marami jan na gustong magka anak pero hindi mabiyayaan. Pero ikaw, pinagbigyan di ba. Tandaan mo, ang mga babies natin, blessing yan. Kaya wag kang matakot na harapin ang responsibilidad na ikaw lang mag isa. Palagi mong tatandaan, God will always provide. Basta maging faithful ka lang lalo na sa mga plans niya Sa’yo at sa magiging baby mo. Tsaka wag mong iisipin at dadamdamin yung mga masasakit na salitang matatanggap mo, dahil lilipas din yan. 😊 At huwag ka ring mag alala, dahil meron at meron jang tao na tatanggap sa’yo para samahan ka sa buhay 😊 Kaya fight lang, mamshie!!!! ❤️ Kaya mo yan!!! ❤️

Magbasa pa

At the end of the day kung pipiliin mo ang mali habang buhay mo dadalhin yan. Walang kasalan ang baby mo para iabort mo. Pwede kang maging malaya since bf/gf pa lang naman ang status niyo, hindi pa kayo kasal. Ayaw mo magpakatali sa kanya, I will not judge your bf but kung nagawa na niya sayp for once for sure magagawa niya ulit yan sa future. Better to live with your baby for sure matatanggap yan ng pamilya mo, sa una magagalit ang parents mo since ganun talaga ang initial reaction ng mga magulang. Pero sila ang unang dadamay at tatanggap sayo sa lahat ng sitwasyon na pagdadaanan mo. Blessings yan from God maybe hindi ka pa handa at maling tao ang napunta sayo but think 7x before ka magdecide. If you need someone to talk to God is always waiting and ready to hear whatever burdens that we have. Wag mo iisipin na kahihiyan si baby at hindi mo kaya, walang imposible. Dun tayo sa tama ❤

Magbasa pa

no, to be honest sobrang same tayo ng situation ayaw din sakin ng magulang ng bf ko ni wala silang pakialam sa baby ko hindi nga ko kinakausap o accept man lang sa fb ng magulang nya. niloko din ako nabuntis nya din ex nya habang 9 weeks akong pregnant. hindj na kamj okay ngayon sa sobrang daming nangyare di ko an din kaya magtiwala sa kanya. nasa point na ko na wala akong pakialam kahit maghiwalay kami ang mahalaga sakin ngayon baby ko, madamia naman nagmamahal sa kanya kahit di pa sya lumalabas yun nalang din isipin mo mas madamjng nagmamahal sa baby mo kahit wala syang tatay na kalakihan kesa makilala nya tatay na ganon mas better ng ikaw lumayo kasama baby mo, sa una lang mahirap pero eventually mas magiging masaya kasama ng baby mo. hindi deserve ng kahit na sinong masaktan but you deserve baby blessing yan isipin mo nalang yan yong kokompleto sayo kahit wala kayo ng bf mo 💟

Magbasa pa

please don't abort the baby.. wala po syang kinalaman sa kasalanan ng ama nya. Sana wag naman syang madamay. binigay sya sayo ng Dios kasi alam nyang kaya mo. Hindi nya ibibigay sayo Kung Hindi mo kaya. magtiwala ka sa sarili mo. about sa bf mo. Hindi mo sya kailangan. pwede mo syang hiwalayan but ask for financial assistance para sa anak mo.. at about sa family mo. matatanggap ka rin ng family mo. at first mahirap para sakanila kasi ganyan nangyari sainyo ng bf mo. pero malamang sa malamang Kung sila Ang tatanungin mo Hindi rin sila papayag na ipalaglag Ang bata. please don't do such thing na pagsisihan mo sa huli. kawawa po Ang bata. you can still continue your life without your boyfriend but together with your baby. ipakita mo sa bf mong Hindi sya kawalan sayo. please be strong.. I'll pray for you and your little child. Sana pakinggan mo mga advice namin. 🙏🏻🙏🏻😔😔

Magbasa pa

Akala ko naman nahihirapan ka sa health condition mo ng sobra para masabi mo yang mga bagay na yan. Napaka daming paraan, dapat mas maging matatag ka ngayon para sa baby mo hindi yung iniisip mo sya na mawala. Ang selfish mo naman mommy, ginawa nyo yan at ginusto mo. Panindigan nyo kung hindi ka kaya panindigan ng tatay ng anak mo panindigan mo alone. Kayang kaya mo yun! Ang sakit lang malaman na nanggaling mismo sayo na nanay ka ng baby mo na mas gugustuhin mo mawala baby mo dahil lang sa kupal na tatay nya. Wag ganun momsh, lahat ng problema makakayanan. Lalo na ngayon anjan na yung baby mo alagaan mo sya at pag lumaki sya aalagaan Karin nya sya yung magiging kasama mo sa lahat ng laban. Kumuha ka ng inspirasyon sa pinagdaanan mo para maayos mo lahat para sa baby mo. Magiging masaya ka promise kapag pinili mo baby mo. Lahat ng problema kung gusto masusulusyonan yan. Kaya mo yan.

Magbasa pa
VIP Member

Mtanda ka na. Isipin mo ang mas nakabubuti para sa iyo at anak mo. Ipaliwanag mo sa mga magulang mo, pamilya mo ang nanyari. Mas magiging kahiya hiya kung ipapalaglag mo yan para lang masabing naging mabuting anak ka sa pamilya mo. Isa pa huwag mong pangunahan ang mga bagay, wala namang magulang ang makakatiis sa anak nila. Sa huli sila pa din ang makakaramay mo, lalo sa sitwasyon mo ngaun. Walang kasalanan ang bata sa sinapupunan mo. Di ka ganon kabata para ipalaglag yan, maaaring mahirapan ka kung gusto mong magkaaanak sa susunod. Iwan mo yang bf mo at ang pamilya nya. Hayaan mo ang tadhana ang gumawa ng paraan para karmahin sila dahil kinunsinti nila ang kawalanghiyaan ng anak nila sau at sa baby mo. Mag pray ka sis. mas maganda kasi na nailalabas mo yang sama ng loob mo, mas magndang may makakausap ka. anjan na yan, wag mo ng dagdagan ang alalahanin mo. Isipin mo si baby.

Magbasa pa

Mommy, this is so painful 😩😭. Naiintindahan ko ang sakit at ang hirap ng sitwasyon mo.. Kahit ako siguro mababaliw,. Kng ipagpapatuloy ko n mag isa ang sitwasyon kakayanin ko ba. Peru Momsh, kahit gaano kahirap ang sitwasyon tandaan mo babae tayo and we are stronger than what they think. Magtiwala tayo sa Diyos, stand up and be proud even you face it alone! You dont need a man to make it happen. Isipin mo kung susuko ka, inosenting buhay walang kamuwang muwang ang magiging biktima, tpos hindi ka matatahimik habang buhay at dadalhin mi hanggang kamatayan mo ang kasalanan na yan', God can forgive yes peru ang konsensya hindi.. Kaya wag kang gagawa ng bagay na pag sisihan mo sa huli. Children are gift from above. Im sure paglabas ng baby mo magiging masaya ka, gaganda ang buhay mo at bibigyan ka ni God ng mas mbuting partner.. Cheerup! Your a Diva! You are strong 😘❤

Magbasa pa

Wag sis.. Mas mahalaga ba ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa anak m?ang galit ng pamilya m sa ina lang yan.. Kapag nakita na nila baby m mawawala din yan.. ano nmn qng humwalay ka sa abusadong lalaking yan. Show to him na di sya kawalan..kaysa nmn impyerno ang buhay m sa kanya.. Mas matimbang ba yon?makakaya ba ng konsensya m na patayin ang sarili mong anak? Wag dahil habang buhay m yang dadalhin.. Ganu mn kahirap ang sitwasyon m ngaun pray ka lang.. Malalagpasan m rin yan.. Just pray and have faith in him.. Nasa hustong gulang ka na..wag m isipin ang sasabihin ng iba against you..ang tsismis nawawala rin yan pero ang anak habangbihay mong kaligayahan.. Qng ipapalaglag m yan what f sa time na ready ka na di ka na mabiyayaan ng anak.. Isip m yan.. Gift yan ni God sayo.. Di nya ibibigay ang problema sa isang tao qng alam nyang di m to kaya.. Kaya pray lang malalagpasan m ya..

Magbasa pa

Wag nyo po sana idamay ang bata sa problema nyo po. In the first place hindi naman po nya hiniling na mabuo cya, kayo po ang gumawa sa kanya. Ituloy nyo po sis, wag mo isipin na hindi mo kaya. Isipin mo lang na kakayanin mo para sa anak mo. Ganyan din ako date, iniisip ko na hindi susuporta ang family ko sa pregnancy ko. Mag isa lang ako habang ngbubuntis. Pero nung lumabas c baby tuwang tuwa cla. At laging dumadalaw sa bahay para makita ang baby ko. Kaya think positive lang po Ate. Plano yan ni God na mabuntis ka. At magtiwala ka lang sa kanya. Maswerte ka ksi biniyayaan ka ng baby. Maraming babae ang gusto magbuntis pero hindi pinapalad. At sa partner mo naman, hayaan mo na cya sis. Baka mas lalo ka lang mastress pag ksama mo pa cya. Unahin mo ang kapakanan mo at ng baby mo. Dahil emotional tayong mga babae lalo pag buntis. Kaya mo yan sis. And congrats sa baby mo 😊

Magbasa pa