UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Walang kasalanan ang dinadala mong baby at hindi solution ang abortion sa yong problem my dear. Kapag inabort mo ba yung baby eh matatapos na ba lahat ng kinakaharap mong problem? I know it's hard to be that situation, niloko ng partner at naka buntis ng iba and bread winner pa ikaw sa family mo. Iwanan mo na bf mo at humingi ka na lang sa knya ng financial support tutal humihingi sya ng sorry sayo, yun na lang yung itulong nya sayo, still responsibility nya pa din yan dahil anak nya yan. Sa family mo, if ever na d pa nila alam na buntis ka, let them know na at for sure maiintindihan ka nila at sila lang din magiging kakampi mo sa situation mo ngayon and for sure d ka naman magiging bread winner nila forever dahil darating din ung time na need din mag trabaho ng mga kapatid mo para sa sarili nila. Isipin mo ngayon ung dinadala mo, again d matatapos yang problema mo kung ipapa abort mo yan baby at I'll tell you na hindi yan ang solution sa problema mo sender. I know mahirap, you just need to pray for you to enlighten your mind and mabigyan ka ng wisdom ni God. Ikaw, si baby mo at si God ang kakampi mo this time. I hope na makatulong advice ko/namin sayo sender. God bless you.

Magbasa pa

8 weeks na ung tyan ko nung nalaman kong buntis ako , halos walang pumapasok sa isip ko kundi magpa abort dahil nga bata pako 22 yrs. Old saka sinusustentuhan ko pa ung pamilya ko. Ung lalaking napili ko kahit alam ng buntis ako nagagawa paring makipaghiwalay saken at natanggal din sa work kaya gulong gulo din ako nun. Tinatanong ko ung sarili ko baket ko nararanasan to? Nagseach nako kung pano magpa abort at nung may magsabe saken na sure naba talaga kong ipa abort hindi ako nakasagot. Naaawa ako sa bata. Saka kung ung lalake nakagawa satin ng kasalanan wag na nating gayahin. Buhayin mo ung baby mo. Ako halos itakwil ako ng pamilya ko. Pero dahil kay baby lumakas yung loob ko. Natuto akong harapin kung ano ung mga pagsubok. Ngaun 8 months na ung tyan ko. Hindi madali ou pero kinaya ko nman.. Hanggang ngaun may mga pagsubok prin akong nararanasan pero sa tuwing gumagaw si bby sa tyan ko alam kong nanjan sya magpapalakas ng loob ko. Akong bata kinaya ko. Ikaw pa kaya na sa hustong gulang na? Kaya mo po yan. Ung sa lalake nman po hingan mo sya ng sustento. Napakaraming babae na gustong magkaanak pero isa tau sa maswerteng nabiyayaan. Wag po nating sayangin un.

Magbasa pa

Alam mong kasalanan sa Diyos ang Magpalaglag ng bata ate. Kung d muna kaya makisama sa bf mo at wala kanang tiwala sakanya hiwalayan muna sya ate. Kung kaya ng iba na pinalaki yung anak nilang walang ama alam kong kaya mo din basta magtiwala ka lang kay God at sakanya ka humingi ng gabay sa lahat ng gagawin mo para sa Baby mo. Walang kwenta yang magiging tatay ng anak mo kaya kung ako sayo iwanan muna yan kayang kaya mong buhayin yan magisa. At kung iniisip mo naman yung sasabihin ng pamilya mo alam ko maiintindihan din nila yan sila ang pamilya mo kahit ano pang sabihin nilang masakit, tanggapin mo dahil sila parin ang unang unang makakatulong sayo. Lakasan mo loob mo ate para sa baby mo wag mo iisipin yung sasabihin nila ang isipin mo yang bata na nasa tyan mo. God bless you po sana wag mong ipalalag yang baby mo. Gawin mong motivation at inspiration yang baby mo, at ipamukha sa tatay niya na Kaya mong buhayin at mahalin ng magisa anak mo kahit hindi ka tanggap ng pamilya nya. Gumawa ka ng way para umangat at balang araw makikita ng pamilya ng lalaki kung sino yung inayawan nila kung ano yung kinaya mong gawin sa anak mo ng ikaw lang mag isa.basta kay God ka lang magtiwala

Magbasa pa

I know how hard ang sitwasyon mo ngayon mamsh. pero for me, kung ako sayo wag mo ipa abort si baby. una, wala siyang kasalanan para patayin agad sya. pangalawa, ung bf mo ang may sayad. hayaan mo yang lalake na yan, kumawala ka na jan and start a new life with your baby kahit nasa tiyan mo pa sya. Just think positive. Ganyan din ako mamsh, Dati gustong gusto ko ipa abort si baby pero ngayon 2 months nalang lalabas na sya at masisilayan na nya ang mundo. Tuwing naiisip ko pag nakalabas na sya, lalo ako napapamahal sakanya. Kahit na mahirap, alam ko at pursigido akong isilang at ipalaki si baby. Anjan pa ang family mo mamsh, alam nating lahat na kahit na ano pa sitwasyon mo matatanggap nila yan at matutulungan ka nila :) JUST THINK POSITIVE FOR YOU AND FOR YOUR BABY. wag mo na dagdagan ang kasalanan ng lalake sayo. kung sya nagloko, ikaw naman ipapa abort mo si baby? sa tingin mo may pinagkaiba kayo ng lalakeng un? wala diba? sino mas masahol sainyo? syempre yung taong kayang pumatay ng tao. Marami pang lalake jan mamsh at for sure kayang tanggapin si baby mo. just be brave :) pag pina abort mo si baby, mas malala pa ang mararanasan mo. Mas malaking karma ang bubungad sayo.

Magbasa pa

Hi ako iba naging experience ko ung daddy ng baby ko eh nagpanggap na single xa hiwalay na daw xa sa gf nia may baby sila wla pang 1 yr old.. So nung niligawan nia ako sinagot ko xa cause the whole time alam ko nga na hiwalay na sila dahil nasa malayo ung girl.. Dumating ung time na nabuntis nia ako and ung time na un nagmessage sa akin ung girl na hnd pa pla sila hiwalay... Sobrang sakit xempre pero alam mo mas pinili ko ung baby sa tiyan ko kesa sa sakit na nraramdman ko sa lalaking nanloko sa akin... Sa family maiintindihan nila yan nung sinabi ko sa parents ko un naintindihan nman nila xempre sesrmonan ka sa umpisa pero masaya yan din sila dahil sa baby... Blessing yan at wag mo isipin na kahihiyandahil unang una sa lahat hndi ikaw ang may kslnan kwlan nman nila un darating ang time pagsisisihan nila yan.. Isipin mo na lang baby sa tiyan mo ako nung nanganak ako sobrang saya ko lahat ng sakit na nraramdaman ko nawala dahil kay baby just focus sa magiging baby..Wag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo sa bandang huli at ang abortion ay kslanan sa diyos dahil parang pinatay mo na din ang sarili mong anak... Pray ka lang kay God hndi ka nia pababayaan.. 😊

Magbasa pa
VIP Member

IKAW NGA BINUHAY NG MAGULANG MO EH TAPOS YUNG ANAK MO PAPATAYIN MO? Alam mo ang dapat mong i-abort eh yung fewlings mo saalake at yung mismong lalake. Hindi 'yang BUHAY sa sinapupunan mo. 27 ka na, may oks na work, kaya mo yan, independent ka na. Pero dahil lang sa lalake PAPATAY ka? Mas masahol ka pa sa bf mo kung gagawin mo 'yan. Mas hindi katanggap tanggap yung SORRY mo soon kapag inabort mo yung BUHAY NA WALA NAMANG KASALANAN. Please, ang lalake andame, at imposibleng walang magmamahal ulit at seseryoso sa'yo. Pero ang CHANCE NA MAGKA-ANAK hindi lahat binibiyayaan. I know lots of peeps na samae situation mo, yung iba nga nabuntis dahil ginahasa eh, pero tinuloy yung pagbubuntis, mas mahirap ang sitwasyon nila kesa sayo na broken at stress sa jowa. PLEASE BE ENLIGHTEN. WALANG KWENTANG LALAKE IIYAKAN MO? PAPATAY KA DAHIL SA BOBONG LALAKE? PLEASE!!! KNOW YOUR WORTH! KNOW YOUR BABY'S WORTH. DI KA BA NATATAKOT KAY LORD???? IF YOU CHOOSE TO ABORT. SURE NA PAGSISISIHAN MO 'YAN. LIKE NUNG SANG MOMMY A NAGRARANT DITO ABOUT SA KUNG PAANO NYA AMIMISS YUNG BABY NYANG PINALAGLAG NYA DAHIL AKALA NYA BABALIKAN SYA NG JOWA NYA. PLEASE ITULOY MO YAN DUGO AT LAMAN MO YAN.

Magbasa pa

Wag mo ituloy ang abortion. Regardless kung hihiwalayan mo ang bf mo o hindi magkaroon kayo ng kasunduan na sa oras na manganak ka eh pipirma sya sa birth certificate ng anak mo at magbibigay sya ng affidavit na pinapayagan nya na gamitin ng anak mo ang apelyido nya. At magbibigay sya na written document na nabuntis ka nya habang kayo ay nagsasama lang at di kasal. Mas maganda kung ikaw na lang gumawa at magpapirma sa kanya. Magagamit mo ito paglumabas na ang bata para makakuha ka ng sustento sa kanya para sa bata kung ikaw ang magpapalaki sa bata. May trabaho ka wag kang matakot na humiwalay sa bf mo. As early as now, ipaalam mo na sa pamilya mo. May option ka pagpipilian, the moment you see the baby duon ka magdecide kasi duon mo malalaman kung ano gusto mo. If gusto mo ikeep ang baby, ibigay sa partner mo o ipaampon mo sa bahay ampunan para legal wag mo gawing teleserye na iiwan sa harapan isurrender mo ng ayos ang pagiging nanay mo. If you decide to keep the baby, magfile ka ng single parent, kahit paano makakatulong yung benefits para sayo bukod sa sinasahod mo at inaasahan mo na sustento sa ama ng anak mo. Maraming option pero di option ang pagpatay sa bata.

Magbasa pa

I may not know the exact feeling of being in that situation pero ikaw na din ang nagsabi na wala naman kasalanan baby mo. Treat your baby as a gift at malaking blessing na nabuo nung mga panahon na ok pa kayo nung kinakasama mo. Aborting your child won't save you from the pain you are feeling and from the situation you were in. Yung pagmamahal na di nila kayang ibigay sa baby mo, ikaw ang magbuhos nun sa anak mo. There's a reason kung bakit babae ang may kakayahang magdala ng supling sa sinapupunan, at yun ay ang dahilan na alam ni god na mas malakas tayo at mas mapagmahal. Nasa tamang edad kana at hndi na bago sa society natin yung mga gantong situation, dahan dahan kang bumangon para sa baby. In time maiintindihan ng anak mo yung nangyare at dun mas mararamdaman at makikita mo yung totoong meaning ng pagmamahal, and that love is through your baby. Kaya mo yan ate, iiyak mo lang then bangon ulit. Patunayan mo sakanila na kaya mo para sa anak mo. Hindi ka nabuhay para sa ibang tao, nabuhay ka para matuto at yang baby na nasa tiyan mo ang magbibigay ng pagmamahal na hndi mo makikita o mararamdaman sa ibang tao. I'll pray for you.

Magbasa pa

Hello ate. Same tayo sa part na naisip ko din iabort baby ko kase nag aaral pa kami ng bf ko nun. 20 years old ako now sya 21. Sobrang hirap dahil di rin ako tanggap sa side nya ang pinagkaiba lang natin matino bf ko at sya mismo nag push sakin na ituloy ang bata kahit pa mawawala lahat sa amin lalo na pag aaral ko. Sobrang mahalaga sakin ang pag aaral ko at dahil dun naisipan ko na ipaabort baby namin pero nung 1st time na nagpaultrasound kami nun mangiyak ngiyak ako nung marinig ko heartbeat ng baby ko. Dun mo marerealize lahat na maling mali na patayin yung batang blessing sayo ni Lord. Alam mo ate kahit mawala naman yang lalaki nayan sayo may baby ka naman eh. Baka ayan yun sagot sa lahat ng sakit na dulot ng bf mo kapag tinuloy mo yan di ka mag sisisi. Blessing po yan at swerte po yan. May work ka naman at di mo need ng family nya para idahilan mong wag na ituloy yung bata. Di ka patatahimikin ng konsensya mo baka sa sunod di kana mag kaanak dahil sa gagawin mo. Sa una lang yan mamsh pag tinuloy mo yan sasaya at marerealize mo nlang bat mo naisip na ipalaglag yan. Hehe sana ituloy mo yan. Buhay yan mamsh di basta nabuo lang yan dahil sa wala lang.

Magbasa pa
VIP Member

Naiintndhan namin na super hirap ng pinagdaanan mo ngayon mamsh.. Yung feeling na ikaw lng magisa, walang kakampi, walang mapagkatiwalaan.. Pero kahit na super hirap wag mo tatakbuhan by aborting your baby, may mga desisyon tlga tyo sa buhay na sa huli ntn pinagsisisihan pero anjan na yan mamsh.. Pagppray kita na mas maging mas malakas ka ngayon sa hinaharap mong problema. Pero tulungan mo dn sarili mo, pagpray mo nlng dn kay Lord na alisin lahat ng sakit,galit,lungkot etc.. Na nararamdaman mo ngayon. Lord will guarantee you na after this darkest days of your life mas mggng strong ka pa syempre kasama ng mggng baby mo. Iwanan mo na yung tatay ng baby mo, mahirap pag alam mong khit anong gawin nya di na maibabalik ang tiwala na super nasira. Isipin mo na lng ung mga pwedeng mangyari na consequence sa ating maling desisyon. King lahat sila ayaw sayo at sa baby mo so be it. Maging strong ka at balang araw pag nalagpasan mo yan maggng proud ka pa sa sarili mo at.nalagpasan nyo lahat ng baby mo. Pagkunan mo ng lakas si baby mo, blessing siya. Kung lhat sila tatalikuran ka si Lord.hnding hndi ka tatalikuran. Godbless mamsh!!! Go Fighting! 😊😇

Magbasa pa