UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

No momsh wag mo ipalaglag yung baby its your lifetime asset, kahit anong mangyari wag mong ipapalaglag si baby ..wala syang alam, gift sya ni god for u. Always remember kaya nangyayari yang mga bagay na yan ay dahil maspinapatatag ka ni god. Yung ka live in mo, its better na layuan mo na sya like transverse pyshology wag mong ipagpilitan sa kanya yung bata kasi kahit anong gawin mo kung ayaw nya ayaw nya , at kung totoo yung love nya for u at sa bata sya mismo maghahabol sa inyo. Sa parents mo .. Aminin mo sa kanila yung situation mo. Im sure matatanggap ka nila.. Sa una hindi talaga maganda yung result magagalit sila sau. Pero tanggapin mo lang yun yung concequences ng mga pangyayari. At the end pag nakita na nila yung baby mo. Im sure matutuwa sila 😊😇 Wag kang matakot palakihin yung anak mo ng mag isa, dahil hindi ka nag iisa ,, isa ko sa maraming single mom out there 😊 at proud ako na kaya kong buhayin ang anak ko ng ako lang mag isa, wag kang matakot momsh be proud., lalo na pag nakita mo na si baby im sure mapapalitan lahat ng sama ng loob ,. Sabi nga nila THERE'S A RAINBOW AFTER THE RAIN. . -20y/o singleMom😉

Magbasa pa

Hi! Alam ko na madali lang ang magadvice because we are not in your position. Pero sa mga ganyang pagkakataon don't make permanent decision on your temporary emotion. Ang gusto mong maging solution sa problem mo is pagpatay sa isang anghel na walang kasalanan. Sabi nga in every situation dapat positive ang maging reaction mo. Isipin mo na lang na may dahilan ang lahat kung bakit itinadhana ka sa ganyang situation mo ngayon. Isipin mo na kaya ka dinala sa maling tao (yang bf mo) ay para ihanda ka sa tamang tao (future husband 💖). Hindi tayo bibigyan ni God ng problema na hindi natin kayang lagpasan. Isipin mo rin na ginawa ni Lord na instrument ang baby mo dahil iiwanan ka ng a**h*** mong bf pero binigyan ka niya ng magiging anak na magmamahal sayo habangbuhay. May ganyang friend ang tatay ko puro panganay lang ang anak pero nung tumanda na siya, siya ang kawawa kasi lahat iniwanan niya ngayon siya ang nagiisa at walang nagaalaga sa kaniya ngayon matanda na siya. Magpakatatag ka. Magpray ka ng magpray. Ask for HIS guidance. Ask God to touch your heart and mind while facing your situation and make a decision.

Magbasa pa

Hindi naman kasalanan ang nabuntis ka, wala ka din namang kasalanan momsh kung yan ang nangyari sa inyo. Wala akong nakikitang mali sayo, puro ang LIP mo ang may mali. Ang mali mo lang ay yung nag iisip kang ipalaglag yung bata, napakasakit isipin na ganyan ang iniisip mo. Sa totoo lang naiinis ako sayo, pero at the same time inuunawa ko kasi mahirap ang sitwasyon mo. Pero sana isipin mo ang anak mo, hindi na sa ibang tao at sarili mo ang dapat mong intindihin. Magkakaanak ka na soon God willing, mas isipin mo sya bago mahuli ang lahat maisip mong mali kapag pinalaglag mo na. Isipin mo, ayaw na nga nila (pamilya ng bf mo) sa baby mo at ayaw din ng pamilya mong mabuntis ka, pati ba naman ikaw ayaw mo din sa kanya? (BABY MO) Ang sakit sakit sa part ng anak mo, girl. Sana isipin mo din yung walang kamuang muang na bata sa sinapupunan mo. Kung ang iba humihiling na magkaanak pero di nabibigyan, ikaw binigyan ka ng di mo hiniling di ba't dapat kang magpasalamat? Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo. 1 Tesalonica 5:18 Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Magbasa pa
5y ago

Cheer up, always pray. Leave them kung di nila tanggap baby mo, may Dios namang tanggap ang pagkatao at pangyayari sayo. Promise, mahirapan ka man maging ina. Walang ibang mag tatama at matutuwa sa ginagawa mong pagpatuloy yang dinadala mo kundi yung nasa itaas😇 Please. Ako na nakikiusap, wag mong ipalaglag.

Sis matakot ka kai God keysa Pamilya mo.. oo nakakahiya na nabuntis, peru mas nakakahiya pag malaman nang tao at sa pamilya mo na nag palaglag ka, lalo na kai God na syang nag bigay nyan sayo. Oo hinde mo kakayanin(sa tingin mo) kasi breadwinner ka at hinde biro mag palaki nang baby nang wlaang ama na kasama peru mas hindi mo kakayanin ang karma na ibibigay sayo ni God pag papatayin mo baby mo. Sis alam ko wla ako sa sitwasyon mo, hinde ko pinagdadaanan ang problema mo ngayun peru sis hindi tayo bibigyan ni God kung hindi natin kaya. Humingi ka nang tawad kai God sa naisip mo na ipalaglag yan at humingi ka nang guidance sa kanya. May dalawa akong kaibigan na nag palaglag hanggang ngayun bina bangabag nang konsensya nila at hinde nakaka tulog nang maayos at hanggang ngayun pinag sisihan ang nagawa na kasalanan.. Gawin mong inspirasyon ang bby mo sis, sya makaka tulong sayo. Baliwalain mo muna pinagsasabi sa ibang tao maging sa pamilya mo kasi lilipas din yan, at tsaka pamilya mo sila. Sila rin nmn tutulong sayo.. Iwanan mo na yung LIP mo sis hindi sya nka ka tulong sayo. Hugs mamsh and tiwala lang kai God ..❤

Magbasa pa

hi sis..ang mapapayu ko lng..lakasin mo luob mo...gamitin mo yung baby mo inspirasyun..kc ang pamilya sa una lng yan cla ganyan kc nga dasapointed cla kc bakit ka nagkaganyan pinalaki ka naman nila nang maayus...ang kasalanan mo lang nagmahal ka nang maling lalaki...at bahala na yang pamilya nang lalaki kung ayaw nila sayu mabuti nga yun hanggang maaga pa nalaman mo ganun yung ugali nang lalaki kahit matagal na kayu nagsama..kaya hiwalayan mo na hindi cla kawalan..isipin mo nlng ang baby mo...kc sa huli maiintindihan naman nang baby mo bakit naghiwalay kayu nang dady nya at dapat isipin mo panu ka hihingi nang twad sa pamilya mo na binigyan mo nangsama nang luob...at huwag ka mag.alala my trabaho ka naman at mga kaibigan na sigurado ako na handa tumolng din sayu..hindi man sa gstos peru atleast makakaintindi sayu...at huwag ka mag.alala madaming mga babae kagaya mo ang naging succesful dahil ginawa nila ang tama..sa ngayun mahirap peru kayanin mo para sa baby mo at magdasal ka araw2x b4 matulog at paggising nang 3 our father..magpasalamat ka sa kanya at humingi din nang twad..pramise gaga.an pakiramdam mo..😇😊

Magbasa pa

Hi ate, actually medyo malapit yung kwento mo sa kwento ko thankfully ako lang ng buntis. Ang masasabi ko lang kung ganyan na ang sitwasyon hiwalayan mo na yung kalive in mo. Ipapaabort mo yung baby mo na gift ni Lord para saan? Kasi nasasaktan ka? Kasi walang tumatanggap sayo? Sa tingin mo ayun ang worth ng anak mo? Hindi ba unfair para kay baby yun? Na idamay mo sya sa nararamdaman mo at idamay mo sya sa pagiging walang kwenta ng ama nya. Buhayin mo yan ate. Hiwalayan mo yang kalive in mo kung gusto nya sumama dun sa isang babae go. Alam nya at mararamdaman nya sa mga susunod na panahon na may nawala sa kanya. At yun yung ikakasaya mo marrealize mo na lang na hindi sya kawalan mas mawawalan ka kung mawawala anak mo. Buhayin mo anak mo ate, wag mo isipin na ikaw lang magisa kasi si Lord nagbigay sayo nyan edi kasama mo si Lord. Hehe hingian mo ng sustento, pangcheck up, pang vitamins. Kung ayaw magbigay edi wag, wag mo din ipapakita yang anak mo, ganun lang yon ate. Be strong, buhay yang ibinigay sayo. Wag mo itapon para lang sa maling nararamdaman, desisyon at tao ate. God loves you and your child.

Magbasa pa

Naiintindihan kita sis. Mahirap at masakit pinagdadaanan mo. I may not have the exact same situation but here's my situation. Nung nalaman ng bf ko na buntis ako ayaw niya palaglag yung bata kasi kasalanan yun pero wala din siyang plano na ibigay sa bata yung apelyido niya. Walang financial support pr anything kaming natatanggap from him. Sabi ko noon, gusto kong mawala tong baby para makalaya ako sa kanya. You know what? Nakalaya ako sa kanya kahit na andito pa rin yung baby. Im 14weeks pregnant and I decided na lumayo na sa tatay nito. He has someone else and thats his priority. Masakit pero tinanggap ko. And thats the time I decided na ayoko ng manlimos ng oras niya. Walang kasalanan yung baby. Mahirap tanggapin pero dugo at laman mo yan. Wag mo iabort. God have His purpose bakit binigay niya sayo yung baby regardless the situation. Sometimes us girls have to stand up and move forward without guys around us. Blessing si baby. Ingatan, mahalin at alagaan mp siya. Kung maging lalake man siya, make sure he wont grow up like his father and he will be a better man. Yun yung achievement para sating mga ina.

Magbasa pa
VIP Member

Sis kahit wala ama ang bata .. Okay lang . Mas kawawa sya if ipapalaglag mo sya .. saka di mo kailangan si bf mo .. hindi mo sya deserve . Trust me . May plano si god sayo kaya nangyare yan .. Wag kang sumuko .. And kung ako nasa sitwasyon mo . Although pareho tayo na nahuli din si bf na nagloko .. Pero pinatawad pero di ko lang alam ngayon if nagloloko pa din with same girl (Wag naman sana) e sinabi ko naman sakanya na pag nalaman ko lang talaga .. Iiwan ko sya . Di ako magdadalwang isip .. Katwiran ko . May anak na ko .. Kaya ko buhayin to ng mag isa .. Di ko sya kailangan kung lolokohin lang din naman nya ko lagi .. Anyway .. Ituloy mo si baby .. Iwan mo si bf lalo na kung akala mo kung sino makaasta .. Ipakita mo sakanya . Na kaya mong buhayin ang anak mo nv ikaw lang at hindi sya kailangan .. If yung isa gusto ng family nya (Relate din ako hehe) edi so be it .. Wag mo pag siksikan sarili mo and si baby sa kanila .. Mas masakit at nakakaawa yun para kay baby ..sis advice lang .. Pray lang lagi and hingi ka sorry kay baby ah .. Sa pag iisip ng masama laban sakanya pati na din kay god .. hingi ka sorry

Magbasa pa

Hi! First trimester ko, ganyan din ako. Gusto ko mapagod, gusto ko mastress. Gusto ko matagtag. I researched causes of miscarriage. And ginagawa ko un. I was thinking na gusto ko na lumayo sa bf ko(now ex) and live a normal life. Magfeeling dalaga. Magtravel. Forget about pregnancy. I was 90% sure na ayoko icontinue ang pregnancy ko. That time, hindi ko pa naririnig heartbeat ni baby. Kaya sa isip ko, hindi pa ata ramdam ni baby kung hindi ko sya itutuloy. But once narinig ko ang heartbeat nya, naluluha ako sa tuwa. Lahat ng galit ko sa ex ko, nakalimutan ko saglit. And after all ng pinaggagawa ko para makunan ako, my baby is doing great. In position sya. Normal ang heartbeat. Naisip ko, kahit iniwan man kami ng papa nya, me and my baby will be there for each other. Meron o wala syang tatay. Magkasama kami. Hindi kasalanan ng baby natin kung bakit nagloko ang mga partner natin. Sila ang magiging sandalan natin habang buhay. Habang nasa sinapupunan mo sya, alagaan mo. Mahirap kalimutan ang kasalanan ng papa nila pero kailangan mo maging malakas para sa baby mo at para sa sarili mo.

Magbasa pa

mamsh for me.. kapag nanay kana.. iba na dapat ang way of thinking mo.. oo galit ka,, dama ko yun..at i know how hard that is for you.. na pakisamahan yung taong tinarantado ka.. i know.. i've been there.. pero think twice mamsh.. that baby your carrying inside of you.. is NOT JUST HIS... but YOURS too.. isipin mo anak mo din yan.. KALAHATI YAN NG BUHAY MO,,NG LAMAN MO,,NG DUGO MO.. pwede naman po kayo maging civil ihh.. wag na kayong magsama,,pero sustentohan nia ang baby.. kung d nia magawa.. magusap kayo sa korte.. if your LIP.. doesnt love you enough,,for him to cheat on you.. trust me momsh.. that baby.. YOUR baby.. would be your greatest LOVELIFE.. kaya ka siguro binigyan ni god ng baby.. kasi alam niang nagccheat sayo yung lip mo.. kahit anong problema pa yan.. wag na wag mong idadamay ang walang muwang na baby.. dahil lang galit ka sa tatay nia at sa kabit ng tatay nia at sa pamilya ng tatay nia.. may pamilya ka pa din naman pong iyo.. mama mo ,,papa mo.. kapamilya mo.. kung magkulang ang ibibigay na pagmamahal ng mundo para sa baby mo ,, pwes IBIGAY MO YUNG IYO NG BUONG BUO..

Magbasa pa