Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Baby Chino
Hi! I'm Clyde Azrael D. Yap, 2 months old from Imus Cavite. Am I cute?! ☺️??
Masakit Na Tagiliran
Hello momshies. Sana may maka tulong or makapag advice. Nanganak ako last February 13 via ECS. Almost 1 month, ito ngayon may nararamdaman ako, yung sa tagiliran ko (sa may bandang likod, left and right side) sobrang sakit, minsan nakirot na sya sa sakit and ung sakit nya umaabot hanggang balikat tapos minsan nahihirapan ako din ako maka hinga. 3 days ko nang nararamdaman ito, wala naman any nana or sugat sa may tahi ko. Tuyo na ung tahi ko. Balik ko sana sa OB ko sa Friday, pero dahil sa lock down, hindi kami makalabas and nag stay ako ngayon dito sa bahay ng partner ko. Nahihirapan na din kasi ako mag karga kay baby kapag sumasakit sya. Sana may maka tulong or any advices will appreciate po. Salamat and keep safe sa atin lahat.
Meet my Little Boy ???
EDD: February 14, 2020 DOB: February 13, 2020 via ECS - 3.4 kg Clyde Azrael D. Yap Very very long story, from the start na mag labor nung February 12, yung pain, lahat lahat. I tried na i normal delivery si baby but maybe there is a reason kaya nauwi sa CS. But the important thing here is nailabas ko ng safe and healthy ang baby ko. Thank you Heavenly Father, sa guidance throughout my pregnancy, sa family ko, sa partner ko, sa family nya and sa lahat ng prayer, thank you po ??❤️?.
Requirements for MAT2
Good Day! (See attached photos below for my questions) Sana po may maka tulong medyo confuse ako. My previous employer gave me already my of employment and L501. And also nag request din ako ng certificate of separation with non advance payment sa kanila kasi needed yun for MAT2 2. Consider na din ba na certificate of separation with non advance payment itong binigay nila sa akin or its just literal na COE lang. Then I noticed din na mag kaiba yung pirma dun sa L501 and sa certificate which is ang naka indicate sa requirements/instruction dun sa sss, dapat same ang pirma nung nasa certificate and L501. Do you think guys, accept kaya to ng SSS once na i file ko mga requirements ko for MAT2? Thank you for your answer. Hingi lang din po ako ng advice para may idea ako. Salamat.
Team February 2020
Mataas or mababa na po ba tyan ko? I'm 35 weeks na and my EDD is on February 14. Baby boy yung sa akin and FTM here ??❤️. Madami nag sasabi na medyo mataas pa daw tyan ko, I don't know hehe. Malikot sya sobra, un din palagi sinasabi ng OB namin na " ang likot ng baby mo" ? excited na kinakabahan na ako. But I always talk to my baby boy na wag nya ako pahirapan sa pag labas sa knya and hoping na d sya maaga lumabas, ung sakto sa full term na sinasabi. Behave lang and be a good baby boy ha my baby azrael ❤️?. Love na love ka namin ng papa mo, we will do our best to be a good and responsible parents for you. I love you ??. See you soonest my baby ??
Taal Eruption ??
Pag gising ko kaninang hapon, akala ko makulimlim lang dahil baka uulan and naririnig ko ung nga bata sa labas na nag sisigawan na "naulan ng buhangin (ashfall)" akala ko nag jo-joke lang sila, pero when I went outside to buy something, un nga may ashfall na din dito sa place namin. Guys, ingat po sa lahat ah, especially mga nearby areas ng Taal dahil sa nang yayari na volcanic eruption ngayon. Here at Bacoor Cavite, abot na ang ashfall, medyo amoy sulfur na din that's why I'm wearing mask na din para d maka langhap ng dust from ashfall. Mga ka preggy at sa lahat, keep safe po and continue praying. Pupunta pa man din kami ni baby (8 months preggy here) sa health center at philhealth bukas, pero kung alanganin lumabas bukas. I'll stay home na lang to be safe na din also. Keep safe everyone ??
6 months of Love
Last Saturday (November 16) that was my 2nd ultrasound (that's for pelvic ultrasound na). Me and my partner were so excited to know what would be the gender of our little one. Madami kasi nag sasabi na "I think girl yan kasi blooming ka" "mahilig sa sweets" or moody" halos 80% ang nag sabi na girl ang dinadala ko. Then nung nasa loob na ako ng clinic and I am the next patient to do the ultrasound, medyo kinakabahan and excited ako kasi dun na namin malalaman kung ano talaga gender ni baby, kinakabahan din kasi na ano kaya ang magiging results ng ultrasound ko, kung normal and healthy ba sya etc... Then bago ako pumasok sa room, kinausap ko si baby, sabi ko today namin malalaman gender mo, excited na kami ni papa mo makita ka ulit ?. Yung naka higa na ako, pinag pray ko na sana "girl" but back of my mind, I said na " girl man or boy" what important is normal and healthy si baby namin. Nung nag start na, aun nag pakitang gilas si baby, nagalaw sya at nakita agad yung "pa totoy nya" hehe. So, it's a boy ?. Pag labas ko, naka ngiti lang ako sa partner ko and he asked me na " ano gender ni baby" sabi ko " secret" eh na excite sya kaya sabi ko "it's a boy". Results ng ultrasound namin, it's a healthy, normal and active baby boy, 1000g (1kg) for 27 weeks (malaki daw sabi ng OB ko for 6 months hehe) maganda ang heartbeat ni baby. Masaya kami ng partner ko about these, although d ako regular ung pag papa check up but I make sure na continue ang pag inom ko ng maternal milk, mga pre natal medicines and foods. Then I decided na umalis na din ng work kasi natatadtad na ako sa byahe at the same time, sa call center pa ako nag work nun. For me and to my partner, this is the most important and precious gift na agad namin na recieved ngayon darating na pasko. To my little one, i love you more, mahal na mahal ka namin ni papa mo ???, 3 months na lang at makikita ka na din namin and were so excited to see you soon. Advance Merry Christmas po sa mga ka momshies ?????
5 Months Kolsener Baby
Hi sa inyo sabi ng baby ko ???. Share ko lang picture ng baby bump ko. Message to my little one inside my womb. We love you so much baby 4 months na lang makikita ka na namin. Kapag nasa office na ako and ta-take ng email/call at nakikipag englishan ng 8 oras over the phone, most of the time, napa active mo, galaw ka ng galaw hehe. Nag ta-take ka din siguro ng calls sa loob ng tyan ko kaya ka magalaw no?! hehe ??. Kolsener baby ?. We do our best namin ni papa mo for you. We work hard para sayo baby ??. I love you! Kapit lang ha?! Laban lang tayo hanggang sa pag labas mo at pag laki mo. Stay healthy po and normal. Thank you for calling... My name is Baby. How may I help you? ??
Posts (???)
Hi fellow mommies and daddies ? napansin ko lang na dumadami yung mga "anonymous" dito na nag po post ng malalasawang tanong about pa sa mga baby ah?! (you know what I mean guys especially kung nabasa nyo yung ibang post kanina lang). If ever po na may mabasa tayo na ganyan mga post, i report po agad natin (sa ride side po, parang may button para i report yung ganun post) Kasi kung matinong magulang yun, never sya mag aask ng ganun walang kabuluhan at maka mundong tanong. Make sense diba?! Tska, napapansin ko, may iba din na pinapatulan pa yung post. I report na lang po agad natin yun. Kasi nagagawa pa nga mag reply nung mga "anonymous" na un sa mga comments, pa pilosopo pa. Either way, kahit mag advice pa, pero kung ganun mind set at wala sa ayos yung nag po post nun, parang balewala din ung mga comment or advice natin. Friendly reminder and just my opinion lang to. Kasi ayaw ko maka kita ng mga ganun tanong. I already report it na yung mga post na nabasa ko lang kanina. Sana po mag tulungan tayo na d dumami ung mga ganun nag po post dito kasi this app is for our parents na gusto malaman at matuto about sa pregnancy and being mom. Thanks ?
SSS Maternity Notification
Sana po may maka tulong. Yesterday, I went to SSS Alabang para mag asikaso about sa maternity notification, unemployed po kasi ako ngayon. And meron naman din po ako makukuha kasi employed ako from Dec 2018-June 2019. I am FTM here, after ko po mag file ng sss maternity notification, ano po susunod na gagawin? I asked the employee but, d sya ako sinagot kasi mahaba pa daw pila, medyo rude for me ang mga tiga SSS Alabang, bagal pa ng process nila dun. Can someone tell me kung ano po gagawin after makapag file ng sss maternity notification. Thanks.