βœ•

UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies

Be positive po. Kung sinasabi mong iisang babae pa rin ang binabalik balikan ng jowa mo eh iwan mo na po sya. Mag focus ka kay baby. Sa una mahirap akala naten di naten kaya pero laban lang po. Walang binibigay ang Diyos na pagsubok na hindi naten kakayanin. Kung di mo makuha ang tunay na pagmamahal sa jowa mo for sure ung magiging anak mo mamahalin ka ng buong buo. Ako po sa first born ko nabuntis din ako at tinangihan ng tatay ng baby. Nung nalaman ng pamilya ko hiyang hiya ako kasi wala ako maiharap na tatay. Pero tinaggap nilq ng buong buo ung anak ko. Ngaung 6 yrs old na sya. And now im finally married to someone na tanggap ang anak ko at mahal ako ng buong buo. Sis mahahanap mo rin ang someone mo. In God's perfect timing πŸ™

22 years old din ako nung nabuntis at naisip ko ding gawin yan dahil bread winner din akk nung mga panahong yun. Ang pinakapinagsisihan ko e yung maisip ko gawin yung bagay na yan. Inamin ko agad sa papa ko, nung una sumama ang loob nya pero natanggap din nya, kasi sabe nya buhay yan, dapat panindigan. Swerte lang siguro ako talaga kasi ok at tanggap ng pamilya ng asawa ko. Sunod sunod blessing dumating sa pamilya ko nung pinanganak ko baby ko at forever happiness ang dala nya sa amin. May mga pagsubok na dumadating pero ganun talaga ang buhay eh di naman nawawala yun. Ang importante, kasama mo ang mga anak mo nagbibigay saya khit mahirap ang buhay. Kapit lang at alagaan mo na yan, malay mo sya ang magbbigay ng swerte sa buhay mo.

Sory sis i dont mean to be rude pro base sa salaysay mo.,sarili mo lng iniisip sa sitwasyon mo.,na nasaktan ka ng bf mo at ng family nya, at gusto mong lumaya sa kanya.,kung ano sasabihin ng family mo.,pro pano naman si baby?inisip mo ba kung gaano ka sakit sa kanya ang naiisip mong gawin? Wag kang selfish sis.,isipin mo si baby,sana dika nag buntis kung ganyan namang nuon kapa nag titiis sa bf mo.,panindigan mo yan,wag kang gumaya sa tatay nyang walang bayag.,walang kasalanan sayo ang baby,.hiwalayan mo yang bf mo my trabaho ka naman.,nasa tamang edad kana makakaya mo yan.,mahiya ka sa anak mo.,sori pro dapat pinapamukha talaga sayo na maling mali ang iniisip mo.,kasi kung kaaawaan kita lalo ka lng mkakaramdam ng awa sa sarili mo

Da best way n gawin mo sis pnta k sa church dun mo lhat ibuhos ang bgat ng nraramdman mo..tutulungan at igaguide k ni God sa tamang landas,believe me wlang pocble sknya..yes mlaking kslanan ang pagppalaglag ksi alam ntin n inosente ang wlang alam yan.dat is a big blessing galing sknya sis,isipin mo nlng mraming gstong mgkaroon ng gnyan pro d nbbiyayaan tpos ikaw n nbgyan ng pgkkataon ssayangin mo p bah..??prayer is da best armor s mga pnagdadaanan ntin..isipin mo sis n d lng ikaw ang gnyan,mrami pro ano gnawa nila mas lalo clang nging matagtag dhil sa isang anghel n bngay sknila..wag mong sayangin,mgiging ok ka rin d mna s ngayon pro in Gods perfect tym. I include you and ur baby sa prayers koh...πŸ’• Be strong sis...Be strong..

,kaya ka cguro nilagay sa ganyang sitwasyon dahil sa marami kang responsibilidad, being a big winner is napakalaking responsibilidad,sayo lahat naka'asa, pero dahil ba sa pag'kakamali na nagawa mo di kna tatangapin ng pamilya mo? kahit anong kahihiyan pa yan kung mahalaga at mahal ka ng pamilya mo matatangap at matatanggap ka nila ano man ang nagawa mong pag'kakamali, pwera na lang kung pera mahalaga sa kanila at hindi ikaw.... wag kang matakot sa pa'dyos mo lahat, yung iba nag'hahangad na mag'karoon ng baby tas ikaw na binigyan ng blessing itatapon mo na lang... mahalin mo yung bata walang kasalanan yan.. kung gusto mo maka'wala jan sa problema mo maging honest ka sa magulang mo, palakihin mo ang bata at iwan mona yang bf mo..

Sis ipagpatuloy muna yan, my trabaho k nmn, mag ipon k ng hindi nlalaman ni bf pabayaan mo nlng clang lahat. Wag k din magpakasal qng hindi k p tlga cgurado. Kapag nnganak ka mag ingat k nlng n wag n magpabuntis jan sa bf mong wala nmn pala pangarap para sa inyo, kapag malaki n c baby mo don k nlng bumuo ulit ng pangarap para sa inyong dalawa ni baby. At sa pamilya mo na sinusustentuhan mo wala cla magagawa qng stop muna kapag gipit ka dahil my priority k n maiintindihan nila un. Share q ung akin sau sobra bata q p nga nung una qng nabuntis pero inalis q din graveh aq nagsisi dala q hanggang ngaun 10 years n ata nkalipas pero naiisip q padin at breadwinner din aq. Lumayo aq samin pero pag ndalaw aq sa pamilya q okey nmn kami.

wala namang kasalanan ang nasa sinapupunan mo sis... ipagpatuloy mo yan... may maayos ka namang trabaho diba? so bat nag iisip ka pa... at para sabihin ko sayo, hindi ka rin makakalaya sa kanya kahit ipalaglag mo pa yang anak mo dahil for sire konsensya ang kalaban mo... siyempre sa simula lang magsasabi ng masasakit ang pamilya mo kalaunan din ah matatanggap nila yan... hindi ikamamatay ng tao kung hindi man buo ang pamilya niya. mas panget pa nga na buo nga pero niloloko lang naman ang isa. saka tandaan mo. ang asawa man o kalive in pwedeng mawala o mapalitan pero ang anak na galing sayo habambuhay mo yang kasama... kaya kung gusto mo talagang makahanap ng taong magmamahal at hindi ka lolokohin. ang anak mo yan. πŸ˜€πŸ˜Š

Naku po parang parehas lang tayo sitwasyon that time pero I'm 5month pregnant now and 28yrs old na din ako well nasa tama naman na sigurong edad na.. Sobra din ako nalungkot nung pinaalam ko sa kaniya sitwasyon ko parang ayaw niya tanggapin since may family nga siya... Dati sinasabi pa niya na gusto na niyang magpakamatay, naguguluhan siya... Sagot ko nalang di ko naman ihahabol sa kaniya kung ayaw niya... Kaya kapag nagmemessage siya diko nalang inoopen topic about sa baby hinayaan ko nalang siya na siya mauna mag open up... Hindi naman hadlang pagkawala ng tatay sa anak mo atleast anjan para alagaan ka pagdating ng araw tatagan mo nalang loob mo dahil ganiyan na din ginagawa ko... Ang malupit di alam ng parents ko 😊😊

hndi kita jinajudge.pro wlang kasalanan ung bata sa kasalanan na ngawa ng bf mo.hndi mo ba mahal ung baby mo.kc kng gsto mo sya ipalaglag ano pinagkaiba mo sa pamilya ng bf na ayaw sa baby mo.nsa tiyan pa lng sya pinagkakaitan nyo na sya ng pagmamahal.msama pumatay.alam mo ba ang daming gsto na magka anak pro hirap bumuo.ang baby is a blessing.hndi yan binigay sau ng diyos kng wlang dahilan.palakihin mo ung anak mo khit ikaw lng ung bumuhay.hiwalayan mo ung bf mo na manloloko.wlang kwenta yang bf mo.k g umpisa pa lng niloko kna.massundan pa yan.better na mag fo us ka na lng sa baby mo.im telling you.yan ung mgging swerte mo ung anak mo.drating ung tamang panahon na makakakita ka din ng lalake na mamahalin ka at ang anak mo..

hi sis, ituloy mo yung baby its a blessing from god. walang kasalanan o kinalaman ang bata sa situation nio ngayon. bgyan mo ng chance ung baby na makita kung gaanu kaganda ang mundo. napakalaking kasalanan ang iniisip mo. sis tingin ka sa paligid mo mas maraming complicated ang situation pero they keep moving on. wag mong isipin ung ssabihin at galit ng pamilya mo sa una lang un sis eventually d k nila matitiis, pamilya kayo at sila lang din ang makakatulong sayu sa sitwasyon mo ngaun. kung tlgang decided ka ng bitawan ung bf mo pagisipan mong mabuti sis. isipin mong mabuti lahat. wag kang matakot andyan yung family mo. at last mgpray sis ask ka ng guidance at liwanag sa panginoon sis. godbless u and your baby.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles