UNDECIDED If I'm goint to CONTINUE MY PREGNANCY

Hi nga Sis, I need advice, sobra nakong nahihirapan and minsan gusto konang magpakamatay. I am 3months pregnant now undecided padin ako kung itutuloy koba ito o ipapalaglag ko. Wag nyo muna ako husgahan please, ito po ang sitwasyon ko, 1yr and 3months narin kami magka live in ng bf ko ng malaman kong buntis ako, 27y.o nako, may trabaho naman kaming maayos and I think nasa tamang edad nako para magkaron ng baby. Pero here comes the problem, nalaman kong may babae pala ang bf ko, at 2months ahead syang pregnant sakin, at ang masakit, itinago ng bf ko at ng pamilya nya na buntis yung babae nya, inamin lang nung babae sakin na buntis sya kung kelan 1month pregnant narin ako. Sobrang sakit mga Sis, dinudurog yung puso ko na diko matanggap na yung lalaking araw araw kong kasama sa bahay eh nagagawang sumiping sa iba, at hindi ko rin matanggap na sabay pa kami ngayong buntis sa anak nya. At ang pinaka masakit pa eh yung support ng buong pamilya nya ay nandun sa babae at wala sa baby ko. Anong sakit sa pakiramdam yung niloko kana nga ng bf mo, hndi kna nga tanggap ng pamilya nya pati ba naman baby mo ayaw nila at mas gsto nila yung baby ng kabit ng bf mo. Yung bf ko todo sorry sakin at bumabawi naman, magkasama parin kami sa bahay at tinatanong ko sa knya kung payag ba sya na ipalaglag ko yung baby namin. Sabi nya sakin kawawa naman yung baby namin nadadamay sa kasalanan nya, nagsorry sya sakin dahil nasaktan nya ko ng sobra. Kaso mga sis, hindi sapat sakin yung sorry, dhil dina nya mababalik ang tiwala kong sinira nya, at hndi naman mababago ng sorry nya yung sitwasyon na kinalalagyan namin. Gusto kong i abort yung bata para lumaya ako sa kanya dahil minsan kona syang pinatawad sa pambabae nya at diko akalain na uulitin nya with the same girl, sobrang tanga kolang para maniwala sa knya na magbabago sya, kaya ngayon na nagsosory sya at nagsasabing magbabago nasya at dina sya uulit, sobrang kasinungalingan lang yun para sakin. Isa pa, mainitin ang ulo nya, lagi akong minumura at pinapamukha sakin lahat ng bagay na ginagawa nya, nagsisira ng gamit, at sa tuwing nagagalit nag aalsabalutan. Dapat nuon kopa naisip humiwalay sa knya pero diko nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa knya, Ngayon kung kelan ako buntis syaka nabuo sa isip ko ang iwanan sya, pero paano naman ang baby ko, ayoko nmng lumaki sya na walang ama, kaya kabit ganun ang ugali nya nagtitiis ako. Gsto ko gawin ang tama dahil kasalanan Kay Lord ang pag patay ng sanggol na ito kaya nagtitiis ako sa piling nya. Pero nahihirapan nako mga sis makisama, sumusuko nako. Ayoko naman dalhin ito ng mag isa dahil sobra akong takot sa sasabihin sakin ng pamilya ko. Ngayon panga lang na nahahalata na nilang buntis ako kung ano anong masasakit na salita na ang naririnig ko. Ayokong mag dala ng kahihiyan sa pamilya ko. At gsto ko narin lumaya mula sa lalaking mapang abuso. Kaya naiisip ko tuloy ipalaglag ang baby ko Isa pa,ako ang bread winner ng pamilya ko. Kaya sa tingin ko hndi ko kakayanin ang magsustento sa responsibilidad ko sa pamilya ko at sa magiging anak ko. At diko rin kaya mag alaga lalo nat wala akong pamilyang aasahan na magiging katuwang lalo na kung magwowwork ako. Sobrang gulo ng isip ko. Please,help me naman to enlighten yung pag iisip ko. Sobrang nasa darkess period of my life ako ngayon. Please help

1730 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa una lang mahirap. Hindi mo pa nasusubukan. Pag andun kn s situation na malaya kn s good for nothing na bf mo, ngsimula ka ulit tumayo kasama ng baby mo dun mo pa lang masasabi na akala mo lang mahirap. Isa isa muna gawin mo sa pagharap sa situation mo. Ano ung tingin mo na unang step na dapat mong gawin. Dun ka muna mgfocus. Saka na ung kung anu ano pa na hindi ka matatanggap ng family mo etc.etc. unahin mo munang humakbang ng isang hakbang bago mo tingnan ung destination. Kaya mo yan. Gawin mo lahat ng makakaya mo pra mgawa mo. Gawin mo din yan with God's guidance. In our darkest time dun natin mas nararamdaman ang presensya Niya. I'll pray for you. Don't lose heart . Meron at merong tutulong sayo all you need is ask.

Magbasa pa

Pray and pray and pray, sis. What you're feeling right now is totally valid, kahit sino magagalit, masasaktan sa nangyari. Pero isipin mo yung kasalanan na macocommit mo kung ipapaabort mo si baby. Babies are blessing. Kung ano man yung kasalanan ng gago mong LIP, hinding hindi yun kasalanan ni baby. Kay baby mo nalang ibuhos lahat ng pagmamahal mo, hindi sa lalaking walang kwenta tulad ng partner mo. May pamilya ka to support you, you have your friends too, oo, breadwinner ka pero naniniwala ako na kakayanin mo. Tandaan mo na nandyan lang si Lord, handang makinig sayo. When in doubt, lagi kang lalapit sa kanya and everything will fall into their right places. Hugs. We will all pray for you and your baby ❤️

Magbasa pa

no.. pls keep the baby.. kahit anu pa yang situation mo. relate ako sayo.. nangyare sakin yan. he let me choose pa nga sya ba or yong baby ko. shocks parang hindi niya blood yong dinadala ko.. till now kinikilabutan padin sa mga sinabi nya. pinili ko c baby ko over him after that iniwan ako sa ere ng daddy ng anak ko 1month palng akong preggy ou mahirap masakit but pls pls wag po idamay yong baby😢 habang buhay mong pagsisihan yan promise.. kip the baby pls. sobrang hirap mag isa lng din ako walang katuwang.. ilang beses akong nabinat kasi walang katuwang but heto 1yr&18days na ang baby ko. nakaya ko.. kaya kaya mo yan. yes mahirap sobrang hirap but dont easily give up take that challenge. pray ka lng lagi

Magbasa pa

Wag mo gawin Yan sa baby mo, kawawa Wala syang kasalanan at kamuwang muwang. Do your best nalang to raise your baby alone. Yan dahil binigay Yan ni Lord sayo ibig sabihin there is a reason why that baby came to you. Alam mo ako Rin single parent at kabuwanan ko na this month with my 2nd baby, yes I have two baby with different father dahil tanga tanga Lang din ako sa pag.ibig pero di ko iniisip na ipalaglag sila, kasalanan ko nman Kaya tanggap ko at kailangan ko magsakripisyo. While in the stage that I know I am 5 weeks and 5 days pregnant nagtabi na ako for my baby things at sa panganganak ko sa kanya before ako nag.stop Ng work my savings na ako para sa kabuwanan ko.. Fighting Lang Tayo as a single parent sissy...

Magbasa pa

mommy sa gnitong stage tlg na nagbubuntis ka sobrng baba ng loob mo kumbaga Yong emosyon nten hnde gnn ka stable dala ng pagbubuntis sobrng hirap dhil WLA nmn Kmi sa stwasyon mo pero plz lumaban ka hnde para sa kninu kundi para sa anak mo wag mong hyaan na lamunin ka ng negatibong pgiisip Laban my para Kay baby iwan mo na c bf wag mong palaglag baby mo dhil habng buhay Kang hahabulin ng konsensya mo WLA kslanan ung bata sa kanya ka magfocus isang napaka gandang blessing Yong baby hnde m lng po ngyon tlg makita dahil nhhirapan ka sa stwasyon plz keep the baby move on be strong seek guidance from above naniniwla ako di ka nia pbbyaan iwan man tau ng lht pero ung diyos nasa atin yan palagi tau lng mnsan Ang nkklimot.

Magbasa pa
VIP Member

waLanq kasaLanan un baby waq mu xa idamay .. kunq iniisip mu n anq hirap nq ctwasyon mu mas marami p jan anq mahirap anq pinaq ddaanan Like me 😞 im aLmost on my 8mos. bump never kame naqsama nq bf ku dahiL may LIP xa 😔 at anq sabe p nq family nia ndi nila aku matatanqqap .. 1st baby toh nq bf ku hes 38 s 14yrs nila n LIP nia never cla nabiyayaan nq anak kaya nunq nalaman nianq preqqy aku tuwanq tuwa xa kaso nunq hnhwlayan nia n un LIP nia naq attempt maq suicide kaya never n ku naq insist n maqsama kme .. ayoku nmn n masaya aku haban may isa n sinisira or kinikitil anq buhay nia dhil s lunqkot n iniwan xa nq taonq mahal nia thouqh alam nianq ndi n xa mahal ni quy .. iniisip ku nlnq laqe n blessinq un baby ku ..

Magbasa pa

tuloy nyo po yung baby nyo magsama kayo pareho hayaan mo na yung bf mong walang kwenta basta wag mo lang papalaglag yung bata kasi paglumabas yan, yan yung magiging lakas mo para lumaban sa araw araw sobrang magiging masaya ka po pag lumabas na yan pray lang po always makakayanan mo din po yan.god bless po ingat always ako po dami ng problemang dumating sa buhay ko sa murang edad (12 years old) narape po ako ng sarili kong tito at pinsan hanggang ngayon lumalaban parin ako kasi diko nakuha ang hustisya para sakin and nagkaron po ako ng sakit na tb at naoperahan pero lahat po ng yun nakayanan ko at kinakaya then ngayon happy ako kasi magkakababy na ako yun lang po sana nakatulong ako ng lumakas yang loob mo

Magbasa pa

Hi mamsh . Advice ko keep the baby at umuwi ka sa parents mo kasi sila mattaanggap nila yung baby mo hindi tulad niyang jowa mo at family. Actually sis been there done that but sakin no third party involved yung family niya lang it seems that ayaw nila sa amin ng pinagbubuntis ko . Hindi rin kami nag lilive in ng bf ko noon na asawa ko ngayon. Nabuntis ako noon na ako lang mag isa sa bahay . Hirap diba dalawa kami gumawa pero nong naghirap ako lang mag isa . Umuwi ka sa family mo sissy . Take a breath kalimutan mo na yung jowa mo at kausapin mo si baby na tulungan ka makalimot . Basta wag mo lang ipapalaglag wag na wag mong gagawin sissy" a baby is always a blessing " never forget that . Dasal lang sa taas sissy .

Magbasa pa

Ganyan po talaga pag may problema ka , minsan naiisip mong bitawan siya .. pero tandaan mo po ginawa mo yan at panindigan mo po kasi , kung ang tatay ang nagkasala sayo wag mong idadamay ang anak mo kasi malay mo , dumating yong araw na siya ang kapalit ng sakit sa mga naranasan mo sa bf ko . At ate , hindi po matatawag na kabit yong babae kasi pareho po kayong hindi ksal , unless kasal kayo pero mali nga po yong ginawa niya na pinagsabay kayo .. babae niya na isinabay pa sayo masakit yon ate , nasa sayo yan kung i aaccept mo ung apology niya para sa anak mo o bibitaw ka dahil sa ginawa niya , you can continuio naman po ung relasyon niyo pero learn to love yourself na ate . Kumbaga maglagay kana ng limitation

Magbasa pa

Mommy, ituloy mo po yan. Si baby ang gawin mong source of strength mo. Ang mga anak natin ang nagbibigay sa atin ng lakas to live another day as mothers. Kahit gaano natin kamahal ang mga tatay nila, dapat mas mahal natin ang mga anak natin. Hindi po deserving si bf sa love mo and lalo na sa anak mo. Let him go if sya ang reason kung bakit mo naiisip na ipalaglag ang anak mo. Sa family mo naman po, ikaw ang breadwinner pero sinasabihan ka ng ganun? Kung mahal ka nila tatanggapin ka nila pamilya mo sila eh lalo na kung ikaw sumusuporta. Madaling magpayo, mahirap yang pinagdadaan mo. Pero piliin po pa din yung tama. Pagsisisihan mo lang din yan buong buhay mo if nagpa abort ka. Be strong mommy para kay baby.

Magbasa pa