Advise Pls.

Need po ng advise. Di ko kase maiwasan mainis sa mga taong mahilig pumuna sa baby ko. Napaparanoid na talaga ako. Kahit alam ko sa sarili ko na wala naman dapat ako ikabahala pero di talaga maiwasan. Kaka 9th months lang ng baby ko. Sakto lang naman weight nya sa age nya. Sobrang hyper po ng baby ko, masaying bata po. Sobrang lakas ng katawan nya. Nakaktayo na sya with her own, and ngayon paunti unti na nya hinahakbang mga paa nya. Lahat ng milestone nya naggawa nya. Pero since nung mag 7months sya, lagi na lang sinasabihan ako na parang namamayat daw baby ko. Pero alam ko sa sarili ko okay baby ko. Pure breastfeeding ako. Tama bang patulan ko mga taong mahilig pumuna sa baby ko lalu na yung laging kinukumpara baby ko kesyo ganito yung ibang baby at yung baby ko dapat ganito din. Naiimbyerna na din talaga ako.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag ka po paapekto. sa panahon ngayon, marami na po talaga ang nangingialam, nagmamagaling. masakit man isipin, karamihan matatanda. hnd nila alam buong storya, dami na agad comment. isa pa, mabuti man ang intensyon nila, hnd naman maganda or maayos ung pagkakasabi. ni hindi inisip ung mararamdaman ng tao. whooh. sorry po hugot. namanhid na lang ako mamshie sa mga ganyan. kaso, pag may nega comment kunyari sa ig or fb ko, dinidelete ko. kunyari, ay wag mo pakainin nyan, ay bat ganyan suot, ay bakit hnd na mataba. basta alam mo sa sarili mo.na hnd mo pinababayaan si baby, ok lang yan. wapakels na. labyu.

Magbasa pa
7y ago

yun nga ang masakit e, mismong side ng asawa ko. imbes magpasalamat sila kase di sakitin apo nila pero kahit isa, wala akong narinig na maganda salita galing sakanila. yung tipong gingawa mo lahat ng best mo para maalagaan ng maayos si baby.