Advise Pls.

Need po ng advise. Di ko kase maiwasan mainis sa mga taong mahilig pumuna sa baby ko. Napaparanoid na talaga ako. Kahit alam ko sa sarili ko na wala naman dapat ako ikabahala pero di talaga maiwasan. Kaka 9th months lang ng baby ko. Sakto lang naman weight nya sa age nya. Sobrang hyper po ng baby ko, masaying bata po. Sobrang lakas ng katawan nya. Nakaktayo na sya with her own, and ngayon paunti unti na nya hinahakbang mga paa nya. Lahat ng milestone nya naggawa nya. Pero since nung mag 7months sya, lagi na lang sinasabihan ako na parang namamayat daw baby ko. Pero alam ko sa sarili ko okay baby ko. Pure breastfeeding ako. Tama bang patulan ko mga taong mahilig pumuna sa baby ko lalu na yung laging kinukumpara baby ko kesyo ganito yung ibang baby at yung baby ko dapat ganito din. Naiimbyerna na din talaga ako.

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy.wag nyu po patulan.Just take a deep breath and let karma works if negative un puna nila.ang importante happy and healtht si baby.😊

6y ago

salamat po., sana nga makaramdam naman sila

wag patulan mamshie ... marami talagang ganyan ... imbyerna talaga .. pedia lang ang paniwalaan lalo regular naman ang checkup ni baby 😉

6y ago

naku po, kahit nga po pagsunod ko po sa pedia ng baby ko, minamasama nila.

sasagutin mo nalng ng ok lng yan healthy nmn baby ko kht payat , pang kadalasan kung sino pa yung payat sya pang malusog.

6y ago

alm mo hindi basehan kung matanda o payat ang baby kaya tawanan mo nlng minsan nga kung sino pa yung payat syang healthy.

Wag mo na patulan mamsh. Dami talagang epal sa earth. Anak mo yan ikaw ang mas nakakakilala jan. Hayaan mo sila.

6y ago

kung pwde nga lang ilayo ko na lang sakanila baby ko e

They are not worth your time and attention... :-) focus ka lng kay baby at sayo :-) Have a blessed day mamsh...

6y ago

welcome mamsh... hayaan mo na mamsh di mo mababago ang ibang tao basta ikaw stay fabulous lang. :-)

Huwag mo na po patulan mommy. 😊 iba iba po ang bata. as long as healthy at nasa tamang timbang sya.

ok lng yan sis atleast alam mong okay lng c baby bka hndi lng tlga tabain c baby mo..

haynako mamsh wag mo na pansinin basta ikaw alam mo makakabuti sa baby kiber mo sa kanila

6y ago

wag lang sana ikumpara baby ko sa ibang bata, kahit un lang po

Ahhh 36 weeks 😍 ang cute at healthy niya... Stay awesome both of you...

Ignore nalang momsh, ikaw lang mai-stress kung iniisip mo sinasabi nila.

6y ago

gustuhin ko man po ignorin kasu di ko talaga maiwasan masaktan lalu na kapag kinukumpara na nila baby ko