Advise Pls.

Need po ng advise. Di ko kase maiwasan mainis sa mga taong mahilig pumuna sa baby ko. Napaparanoid na talaga ako. Kahit alam ko sa sarili ko na wala naman dapat ako ikabahala pero di talaga maiwasan. Kaka 9th months lang ng baby ko. Sakto lang naman weight nya sa age nya. Sobrang hyper po ng baby ko, masaying bata po. Sobrang lakas ng katawan nya. Nakaktayo na sya with her own, and ngayon paunti unti na nya hinahakbang mga paa nya. Lahat ng milestone nya naggawa nya. Pero since nung mag 7months sya, lagi na lang sinasabihan ako na parang namamayat daw baby ko. Pero alam ko sa sarili ko okay baby ko. Pure breastfeeding ako. Tama bang patulan ko mga taong mahilig pumuna sa baby ko lalu na yung laging kinukumpara baby ko kesyo ganito yung ibang baby at yung baby ko dapat ganito din. Naiimbyerna na din talaga ako.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wag niyo nalang pong panisinin mommy. Tulad nga ng sabi mo, alam mo naman sa sarili mo na di ka nagpabaya at wala kang dapat ipagworry. Let them, we cannot please everyone. Ngitian mo nalang sila pag may nagsabi uli sayo niyan.

7y ago

Wag mong hahayaang yung mga sasabihin nila yung maging batayan mo ng pagiging isang mabuti mong ina. ๐Ÿ˜Š