breastfeeding problem

Need ko po mga suggestion nyo about po sa pagbreastfeed....what if po after ko manganak then wala pa pong gatas lumalabas..need ko po bang bumili ng feeding bottle and formula milk para my mainom man lang sya paglabas nya...first time MOM po kasi ako...salamat po sa mga magbibigay ng suggestion or payo po...godbless

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

No worry sis meron Lactation Room sa private hospital tuturuan ka nila ng dapat gawin. Sa pinaanakan ko kapag wala ka pa gatas within oneday sila magbibigay ng donated breastmilk kay baby pra lang hnd mag formula si baby. Kasi ako nun nanganak ng 9:38am nagising ako 6pm na wala pa dede nun si baby pero gnun ginawa nila pra lang hnd magutuman. Then pag jwe ko sa bahay unlilatch si baby hanggang lumakas na gatas ko.

Magbasa pa

In my case wala din lumabas na BM saken pagkapanganak ko kay baby. Sabi ni OB ipalatch lang kahit wala pa lumalabas, expect mo mommy na magkakasugat at sobrang sakit ng nipples mo. Reresetahan ka naman ng pwede mo itake para magkaBM ka at the same time sabayan mo ng sabaw at malunggay. Nagdala din ako ng formula milk noon pero patago pinapadede ni hubby kay baby para di makita ng mga nurses.

Magbasa pa

Hi momsh! Usually kase pag ganyan pa talaga dede si baby sayo pag kalabas palang, so kung wala pa talaga, pwede naman muna siya mag feeding gamit yung timplang gatas muna. Tas momsh, kung wala pa talagang lumalabas sa breast mo, pwede ka uminom ng sabaw. Sabaw lang ng sabaw at the same time gatas rin momsh para magkaroon ka ng gatas. :)

Magbasa pa

Ipalatch nyu lang po kay baby mommy. Meron po kayo milk akala nyu lang po yun na wala. Nanganak ako via cs akala ko rin wala ako milk. Newala ako makita kahit isang patak pagpinipisil ko pero pinalatch ko lang ng pinalatch kay baby. Ayunn after 2 days sumisirit na ๐Ÿ˜‚ nalulunod na si baby sa dami ng milk.

Magbasa pa

if ever wala po kayong milk sabihin nyo sa ob or midwife or nurse na wala kayong milk dahil tatawag po sila ng expert para tulungan kayo if ever wala parin milk si doctor pedia ang mag recommend ng formula milk para kai baby..... you can bring bottle nlng in case but wag nyo ipakita yan ๐Ÿ˜‰.....

VIP Member

Yes po. Sasabihin naman ni ob mo yan sis. Mga need niyong dalhin pag manganganak kana. Kasama milk and feeding bottle just incase wala ka pang milk. Pero push mo breastfeeding ah sis. Laking tulong kay baby yan. Good luck sayo! โ˜บ๏ธ

4y ago

You're welcome.. โ˜บ๏ธ

VIP Member

Sa private hospitals mahigpit sila, bawal magdala ng formula and bottles. Think positive lang, ipalatch mo kay baby para lumabas ung milk mo ๐Ÿ˜Š

VIP Member

Paglabas ni baby hindi pa yan dede sau ng dedede.. Halos 3 days bago siya dumede sayo ng madami.. So ipa latch mo lng lagi

VIP Member

eto mommy bsahin nyo po article dto sa app https://ph.theasianparent.com/kulang-sa-gatas

VIP Member

Unli Latch lng po..

Related Articles