Buntis na pero Hindi pa nagsasama. Need advise.

Hello. Need ko lang Sana advice. Buntis na po ako (5 weeks) pero Hindi po kami live in ni bf ko. Dun pa Rin po sya umuuwi sa bahay kasama parents nya. Open Naman po kami sa family Ng isa't isa. Both families alam po na we're expecting. Nakausap po Ng parents ko Ang bf ko kung ano plano namin, sagot ni bf is may ipon naman na sya para sa panganganak ko at wala po sya nabanggit about sa pagpapakasal. Pero gusto talaga Ng nanay at tatay ay magpakasal kami. Sakin, ok lang Naman Kung Hindi Muna kami pakasal ngayun, iniisip ko Rin kasi na marami pang gastusin Lalo at buntis na ako. Pero as days go by, nalulungkot ako kc Hindi ko kasama ang bf ko Lalo ngayon buntis ako at may mga pagkakataon sumasama pakiramdam ko. Dun pa Rin sya umuuwi sa parents nya. Nag iisip ako if Wala man lang ba syang Plano na makasama na ako Lalo ngayon at buntis na ako. Hindi naman nya ko pinapabayaan pagdating sa gastusin para sa pagbubuntis ko pero Hindi ko maiwasan na mag isip. Ganito pa Rin ba magiging set up namin pag labas ni baby? Bakit parang Wala syang Plano para sa min? Basta sagot lng nya mga gastusin at panganganak ko pero Hindi nya ko naiisip na makasama ako? Hindi ko alam kung pano ko sya kausapin tungkol dito. Umiiyak ako kc minsan naiisip ko na Hindi ako Mahal Ng bf ko at Ang pakialam nya lang ay Kay baby. Ewan masyado ako nagiging emotional. Tinotopak tuloy ako sa kanya. Ano bang dapat ko gawin.?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

ganyan dn mindset ko dati nung nabuntis ako 18yo lang ako (2016). tapos hnd pa alam na may bf ako at mag aaral na dpat ako nun ng college. lagi ko dinadamdam yang kasal na yan at pakiramdam ko anak lng gusto nya sken. lagi dn kme nag aaway. party goer pa kse si lip ko nun time na yun. sobrang stress napag daanan ko at pakiramdam ko ako lng ang may gusto ng kasal kse minsan pinag sasalitaan nya dn ako na bakit nya ko papakasalan sobrang sakit. kung minsan napag salitaan pa ko na kung di dahil dw sa anak nmen matagal na kme wala. lagi kme nag hihiwalay at nag babalikan lng ulit dhil tinatanggap ko sya kahit mdme sya nakaka usap. ngayon mami sobrang ok na kme. nung una papunta punta lng sa bahay un hanggang manganak ako dto na sya nattulog hanggang mapatira, ngayon naka bukod na kme nangungupahan. ilang beses dn kme nag hihiwalay. maniwala ka mami, huhubugin kayo ng panahon wag mo madaliin. ngaun wala na ko pakelam kung ikasal kme o hndi. dahil takot na ko mag pakasal ang importante matured na kme at masaya sa buhay kahit medyo gipit kinakaya. mas pabor ako sa mag sama muna at hayaang mahubog kayo ng panahon bago mag pakasal. tgnan mo ngaun, asawa ko na lagi nag babanggit ng kasal tapos ako dedma hahahaha lapake. kung gsto nya edi go. kung hndi pa kaya edi don't. ayko mag madali HAHA nakaka takot kse mag pakasal tapos mag hihiwalay lng. pano kung huli mo na makita ung the one mo? hnd mo na sya mapapakasalan dahil kasal kana. hndi ka matatawag na asawa kse kasal ka sa iba. mas ok sa tlgang sure kana na sya na talaga. :)

Magbasa pa