An ne profile icon
SilverSilver

An ne, Philippines

VIP MemberContributor

About An ne

Queen bee of 2 energetic superhero

My Orders
Posts(5)
Replies(2)
Articles(0)

Panic Attack anxiety

Para sa mga nag papalpitate, ninenerbyos, ganyan ako dati at halos hindi ko macontrol.. Minsan umiiwas ako sa topic na yan kse nattrigger anxiety ko.. Pero naisip ko, kung hndi ko aalamin pano ako gagaling? Kaya tinapangan ko inalam ko, higit sa lahat tinanggap ko. Yun ang pnaka importante sa lahat.. Tanggapin ang ganitong karamdaman.. Kaya nanood ako ng mga may ganito at inalam ko kung pano sila gumaling nalaman ko madami nag sasabi.. Malunggay juice natanggal ang nerbyos, palpitation at syempre possitive minds.. Simula nanganak at bumukod kse kme ganito na nangyare sakin takot na ko mag isa kse anytime inaatake ako.. Kaya kinausap ko asawa ko na bumalik muna sa magulang ko simula nung nag take ako ng malunggay, at bumalik ako sa pamilya ko sa mga kapatid at magulang ko kahit papano gumaling ako. Hindi na rin ako ninenerbyos. Kung minsan pag kinakabahan ninenerbyos hindi ako nakakahinga.. Hindi ako makahinga kase nag iisip tayo ng negatibo.. Kaylangan natin mag isip ng possitive.. At normal talaga sa tao ang may maramdaman na ganyan wag lng tayo mag papatalo.. Tanggapin, labanan.. Kung minsan, nagigising ako sa umaga nag lalakad nag papaaraw hanggang sa hndi ko na naiisip na baka atakihin ako.. Nararamdaman ko lng sya kapag pagod, stress at kulang ako sa tulog.. Kaya mga momsh pahinga at tamang tulog ang need ng katawan natin.. Sa ngayon hindi ko sinasabi na talagang gumaling na talaga ko as in.. Hindi na araw araw nararamdaman ko pa din sya pero paunti unti nasasanay na ko.. At sana tuloy tuloy ko nang makalimutan na meron akong ganito.. Sana gumaling na tayo sa lahat ng nakakaranas ng ganito.. In Gods will amen!

Read more
undefined profile icon
Write a reply
undefined profile icon
Write a reply