How to live with in laws?
Need ko lang ng words of wisdom or insights nyo mga mommies. 2nd pregnancy ko na to. Yung 1st pregnancy ko, nawala si baby nun, miscarriage. Dahil sa in laws ko kaya nawala si baby. Not totally pero yung pinaka loss, sila yung sa tingin kong nag cause. Dinugo ako nun, tanghali pa lang. Sabi ko sa asawa ko, samahan na ako sa ospital at natatakot nga akong mawala yung baby namin. -- Mommies, may pera kami before namin malaman na pregnant ako. At hiniram yun ng tatay ng asawa ko para ipambili ng motor, ang sabi kukunin sa amin 3 weeks from the day na sinabing hihiramin yung pera. Pumayag kaming mag asawa thinking na maibabalik naman sa amin in short span of time dahil may farm naman sila. 3 days after magsabing hihiramin ung pera namin, I tested positive sa pregnancy, so pumunta kami sa hospital to confirm. Turned out na 6 weeks pregnant na ko nun. That same night, kinausap ng asawa ko yung tatay nya na kakailanganin na namin yung pera dahil nga buntis ako at hindi na namin mapapahiram ng buo, pwede namin mapahiram yung half or lesser. Wala daw sagot yung tatay nya. The day came na sinabi nyang kukunin yung hinihiram para bumili ng motor. Kinausap yung asawa ko, pinipilit na kunin ng buo dahil naipangako na daw namin. Ininsist ko na hindi pwedeng buo dahil kakailanganin namin at wala akong assurance na maibabalik kaagad kahit yung half ng mabilisan. Nung hindi talaga ako pumayag, nagwala dun sa labas ng bahay namin, dinadamay at sinisira lahat ng pwedeng masira sa labas ng bahay namin, shouting na sinungaling kami. Since sobrang nakakahiya na yung ginawa, yung nanay na ng asawa ko nakiusap na ipahiram na namin at lahat jg mabebentahan sa farm simula sa linggong yun, ibabayad agad samin para mabuo yung perang hiniram ng tatay nya. Edi pinahiram namin kasi nanay nya na nagbigay ng assurance. Mga 1 week ata after nung incident na yun, dinugo ako, pag ihi ko na lang isang beses, may dugo na lumabas sakin. Sinabi ko sa asawa ko yun. Sabi ko punta n kaming ospital. Siningil na ng asawa ko yung nanay nya kahit 5k lang muna kasi nga pupunta kami sa ospital. Ang sabi ng nanay nya "wala pa napagbebentahan" kahit nakikita kong nagpapaluwas sila ng mga gulay pa-maynila. Tapos sinabi pa samin "eto muna 200, ipahilot mo na lang yan at baka hindi naman ganun kalala". Kinuha ng asawa ko yung 200 pero hindi kami nagpahilot. Nanghiram asawa ko sa mga kapatid nya pero wala din mapahiram. Yung panganay na kapatid ng asawa ko, sinabi siguro sa nanay nya na nanghihiram asawa ko. Nagdala tuloy ng manghihilot yung nanay nya. Sabi ko, ayoko magpahilot. Sabi sakin "wag ka nga mag inarte, sa hilot ko lahat pinaanak yang mga yan. Di porket laking maynila ka, puro na kaartehan papairalin mo". Sabi ko, "nangako po kasi kayong ibabalik samin yung pera namin paunti unti, ngayong kailangan po namin, parang kami pa yung masama na naniningil". Di ko alam bakit pero parang tinulak ako paupo na medyo pahiga nung nanay ng asawa ko na nag cause na bumulwak yung dugo sakin. Sabay sabi ng nanay ng asawa ko, "hilutin mo na yan, kay arte arte". Hanggang sa dun na lumabas yung buong dugo na baby ko na pala . Ngayong 2nd pregnancy ko, nakaipon naman na kami ulit at hindi na siningil yung una pero ngayon, gusto pang hiramin ulit yung pera namin dahil ipangbibili daw ng 10 inahing baboy. Sabi ko ayoko, hindi na, bakit pag alam nilang buntis ako, kinukuha nila pera namin? Ngayon, pag nalaman nilang papunta ako sa OB ko para sa check up, gumagawa talaga sila ng paraan para malate kami sa appointment o hindi makapunta. Andito yung binubutas yung gulong ng sasakyan, itatakas nila yung sasakyan tapos ibabalik ng hapon o gabi na. Hindi po madali magbuntis pag nsa probinsya dahil napaka layo ng ospital. Nung sinabi kong uuwi ako sa amin, ayaw din nila dahil gusto daw nilang makita yung pregnancy journey ko. Lahat ng pagkain na pinayagan ng OB ko, bawal ko daw kainin dahil lason daw sa bata yun. Gulay? Isda? Lason sa bata? Ang dapat ko daw kainin, matatamis para maganda daw laki ng baby? Gusto ata nila patayin baby ko, wag naman sana. Ang hirap maging in laws yung katulad nila, di ko alam bakit sa akin lang sila ganun. Mukhang fictional story pero kung taga Bulacan ka at medyo familiar sayo tong story na to, mapapatunayan nyong hindi ako gumagawa ng story.